1314

3 0 0
                                    

CHAPTER 13 

[Two Things]

Isang linggo na lang, sembreak na. Sunud sunod na yun panigurado, I mean, lantern parade, Christmas parties, pasko, new year... You know what I mean.

Mula nung araw na yun, tumambay ulit ako. Bumalik ang buhay ko. Haha. Kahit papano, positive thinking... MAY PAG-ASA AKO. Hindi sa gagawa ako ng masama sa kanilang dalawa pero, malay natin.

Sige, positive thinking Chi. Go lang.

Nakabili na ko bagong phone, yung second hand lang. Ayoko magaksaya ng ganong karaming pera para sa cellphone. Pero wala kasi akong makitang 3310, eh yun nga yung gusto ko para hindi manakaw. Baka nga itapon pa sa kin yun pabalik ng magnanakaw eh, maawa pa sa kin. Unfortunately, wala akong makita. So yun, yung pinakamura na lang.

"Chi, lunch tayo." 

"May baon ako eh. Samahan na lang kita." 

"Sige."

So yun, pumunta kami sa CASAA para dun umorder ng lunch ni Jet.

"O, kamusta na kayo?" 

"Ni Gab?" 

"Oo. May iba pa ba?" 

"Ayun. Bespren parin turing niya sa kin." 

"Tatlo na kaming bespren mo ah. Ayos." 

"Hindi naman bespren turing ko sa kanya eh."

Tapos ngumiti ako.

"Tss." 

"Gusto mo ba ng milo?" 

"Sure."

Tapos bumili kami ng milo ni Jet, I mean, nilibre pala niya ako.

"Mamaya ko na lang iinumin, pag nasa tambayan." 

"Minsan ba, pumasok na sa isip mo na magkagusto sa iba?" 

"Oo naman." 

"May nagustuhan ka na bang iba bukod dun sa bading na yun?" 

"Ang sama mo talaga kay Gab! Bat bading?!" 

"Eh ang torpe kay Anya eh." 

"Kung iisipin mo, si Gab na yung pinakanagustuhan ko." 

"Baka naman... Kinukulong mo lang yung sarili mo?" 

"What do you mean kinukulong?" 

"Yung... May gusto ka talagang iba... Pero dahil iniisip mo na siya lang yung dapat mong gustuhin, nakasarado na yung puso mo." 

"Ano?! Di kita naiintindihan." 

"Wag mo na nga pansinin." 

"Tss." 

"Bading din naman ako eh." 

"Weh?! Di nga! Sabi na nga ba, kaya ka galit na galit kay Gab dahil kay Anya eh!"

Ngumiti na lang si Jet tapos nagtuksuhan na lang kami.

Pagdating namin sa tambayan, andun na si Anya. Pagkakita niya sa min, parang nakita ko siyang nagpout. Tapos nagbuntong hininga at ngumiti na lang ulit nung nandun na kami mismo sa tambayan.

"O, bat ganyan yung mukha mo?" 

"W-wala lang. Nakabili na kayo ng lunch?" 

"Si Jet lang. May baon ako eh." 

"Aaah. Sige, bibili lang ako ah." 

"Okay."

Bago ako mag lunch, tiningnan ko yung logbook. May entry dun si Anya. Ang nakasulat...

jkisaaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon