♌Our memories

40 2 0
                                    

isang linggo nanaman ang nakalipas muli akong naglalakad sa Parke na may mini garden, puno't mga upuan kung saan may mga pamilya't magkasintahan ang nakaupo at kahit na may mga batang naglalaro at mga taong namamasyal, ay hindi ito naging problema sa katahimikan ng parke. napakasarap dito.

"Darating kaya sya?" mahinang tanong ko sa aking sarili. ang tinutukoy ko ay ang lalaking lagi kong nakikita at s'yang nagbibigay sa akin ng rosas na mayroong nakadikit na sulat sa tuwing namamasyal ako dito. hindi ko nga alam kung coincidence lang  ba ang mga pagkakataong pagkikita namin, dahil lagi itong nasasakto sa tuwing namamasyal ako sa parke, o sadyang araw-araw ay nandirito sya? may ibang mga babae pa kaya syang binibigyan ng rosas sa tuwing pumupunta sya dito? ang selfish ng dating pero...hindi ko gusto ang isiping mayroon pa ngang iba..

sa loob ng isang buwan ay masasabi kong maraming beses na ang naging pagkikita namin dahil isa o dalawang beses sa isang linggo ay namamasyal ako sa parke. hindi ko man sinasadya ay unti-unting nahuhulog na ang loob ko sakanya, mali, 'coz i know someone have his heart already. sounds stupid right? ang bilis. but i guess i fell inlove with what he's doing everytime we see each other--here--at the park.  hindi ko maipagkakailang gwapo sya, but it's just a bonus. may matangos na ilong, sakto ang kanipisan ng labi, singkit pero may kalakihang mata na kulay itim, dark-brown naman ang buhok nito. masasabi kong matangkad siya dahil hanggang ilalim lamang ako ng kanyang tenga.

napapagod na ang mga paa ko kaya naman napagpasyahan kong umupo sa isa sa mga swing doon at pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro. napaisip ako, na balang araw magkakaroon din ako ng matatawag  kong mga anak.. 

'Brice Elijah Salvador'' banggit ko saaking isipan na s'yang dahilan ng paghagikgik ko. maisip ko palang ang kanyang pangalan..kinikilig na'ko. muli, sinabi ko nanaman sa sarili ko ang salitang 'Mali'

*FLASHBACK*

nakaupo ako sa isang swing dahil napagod ako sa aking pamamasyal sa park, nang may lumapit sa'king isang lalaki

"Hi" bati nya saakin na s'ya namang ikinataas ng isang kilay ko dahil sa pagtataka.

napawi ang pagtaas ng isa kong kilay ko at napalitan pagkunot ng noo ko ng marining ko syang humagikgik ng kaunti.

"hindi mo manlang ba ako babatiin pabalik? saka, alam mo, mas bagay sa isang magandang tulad mo ang nakangiti" muli s'yang nagsalita

"Hindi. gasgas na 'yang Pick up line mo no. sino ka ba?" tanong ko nang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata, kaya naman hindi nakaligtas saakin ang biglang paglungkot nito. ngunit napalitan din agad iyon ng isang ngiti, ngunit alam kong pilit na ngiti lamang iyon.

"Ako si Brice.." mararamdaman mo ang pait na nakatago sa kanyang pananalita. hindi ko alam pero agad na gumaan ang loob ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

naramdaman ko sa sarili ko na kailangan kong pagaanin ang loob nya isa pa'y nakokonsensya ako sa inasal ko kaya naman nagsalita na ako ng mahinahon at maayos.

"Brice? ang cute naman ng pangalan mo, parang kanin! RICE! hahaha-ha-ha ehh?" nakuha ko pa talaga magbiro kahit na alam kong napakaKORNI ko. nahiya naman tuloy ako sa sinabi ko, kaya yumuko ako.

Our MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon