Lucas' POVIlang araw din kaming di nakakapag-usap ni Sav. Siguro busy sya sa studies nya so hinahayaan ko na muna sya. Sobra yung tuwa ko nang makita sya ulit sa university nila. Ang hilig talaga ng babaeng yon sa shawarma.
Matext nga yon.
“Hi baby” text ko.
“Lol 😑” agad nitong reply.
“Miss na po kita 😔” reply ko naman.
“Aww😑 Bat ka pala napatext? Don't tell me, dadalhan mo ulit ako ng shawarma rito😊” tanong nya.
“Haha. Gusto mo ba ulit? 😊” I said.
“Wag na. Nakakahiya oy 😂” sabi nito.
“Ngayon ka pa nahiya saken kung kelan close na tayo 😆” sabi ko naman.
“Dapat ba akong matuwa or what? Hmm” she asked
“Pwede ba tayong magkita mamaya after classes nyo?” tanong ko.
“Para san?” tanong nya.
“Gusto lang kita makausap. Makasama ☺” reply ko.
“Di ko sure Luc. Kasi may practice kami upto 7:30, baka gabihin na ako pauwi” she said.
“Ah ganon ba. Wag na lang. Gabi na bga yon hahaha” sagot ko.
“Ano bang pag uusapan natin?” tanong nya.
“Hahaha basta. Pero sige next time nalang pag nagkita tayo. Kung magkikita pa ulit hahahahaha😂 Kelan ba ulit laban nyo?” sabi ko.
“This friday na. Manonood ka paba?” sabi nya.
“Gusto. Gustong gusto ko manood haha. Nga pala, kamusta si Chinkē? Miss na siguro ako nun 😔😂” I said.
“Siguro nga. Wala na daw kasing nakiki-fc sa kanya. Hahaha. But she's better. Thanks for the concern” she said.
“Hayaan mo bago ako umalis dadalawin ko kayo ni baby chinkē ☺” sabi ko naman.
Di sya nagreply. Pero maya maya ay bigla syang napatawag.
“Hello Sav”
“Aalis ka?” tanong nya.
“Uhmm, oo Sav. Babalik na ko ng probinsya. Recognition ng kapatid ko tsaka, dun na muna ako magbabakasakali” pagkukwento ko.
“K-kelan ka aalis?” tanong nya.
“This week kailangan na. Kasi Saturday na yung recognition nya” sagot ko.
“P-pano yung pag aaral mo dito? D-diba graduating ka na?” tanong pa nito.
“Kakagraduate ko lang nung Sunday ng hapon. Tinatawagan nga kita kaso di mo sinasagot” natatawa kong sabi.
“Ayy sorry. Nasa practice ako non. Sorry talaga Luc,” she said.
“But, congratulations. Accountant kana!” dagdag nya pa.
“Salamat Savree” sagot ko naman.
“So hindi mo na mapapanood yung sayaw namin ganon?” pagbibiro nya.
“Gabi ba yon?” tanong ko.
“Hapon. Baka naman pwede pa. Di naman siguro kalayuan yung probinsya nyo” sagot nya.
“Osige pupunta ako. Reserve mo ko ng ticket ha” sabi ko.
“Sure! Wag mo na bayaran. Libre ko na yon. Aasahan kitang manonood ha. Wag ka paasa” sabi nya.
YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...