Hindi mapakali sa higaan si Judie, hindi dahil ngayon ang unang araw ng honey moon nila ni Lance kundi dahil sa nagugutom siya. Umupo siya saka isinandal ang likod sa headboard.
Tinignan niya sa tabi niya ang tulog na tulog si Lance. Nasa bachelor pad siya ni Lance, pansamantalang doon muna siya hanggat sa makahanap na sila ng lugar na paglilipatan. Hindi na kasi siya pede sa apartment nila ni Regine, hindi naman niya maiwasan mamiss ang kaibigan lalo na ngayon na nag-iisa naa lamang ito doon.
Nagdadalawang isip siya kung gigisingin o hindi ang asawa pero dahil sa mukhang hindi siya papatulugin ng sariling anak ay niyugyog niya ang katabi.
"Lance, Lance. "
"Hmm, why? " Kahit na halatang inaantok ito ay umupo ito kahit na nakapikit .
"Gusto ng singkamas at bagoong. " Halos matawa siya ng makita ang biglang pagdilat nito saka bakas ang gulat sa mukha nito.
"Really?" Tamango siya, napakagat labi na lang siya. Alam niyang hindi na dapat niyang hanapan ng ganoon ang asawa dahil malabong makahanap ito ng singkamas sa ganong oras, 3 am.
"Ok, just wait here. Give me 30 minutes " Napasimangot siya sa sinabi nito.
"10 minutes. " Tawad niya sa oras
"25 minutes. "
"15 minutes. "
"20 minutes, deal? " Natawa siya sa itsura nito ,na para bang nakikipagdeal sa isa sa mga kabusiness associate nito, minus the fact, na nakasando lang ang lalaki with his boxer at magulo ang buhok nito.
She finds him cute and sexy because of his attire.
"Ok, just wait. " Tatayo na ito ng hatakin niya ang isang kamay nito pabalik kaya napaupo ito ulit sa kama. Saka niya mabilis hinawaka ang batok nito at ginawaran ng isang mabilis na halik.
She can't understand herself, sa tuwing hahalikan niya ang lalaki pakiramdam niya ay kontento na siya.
Napapikit si Lance sa ginawa niya saka ipinatong sa noo niya ang noo nito.
"You like my lips, don't you? " Nakangiti nitong tudyo sa kanya.
She can believe that after their wedding ,ay naging palangiti ang asawa. Well, sa kanya lang pati sa pamilya at sa dalawa niyang bestfriends.
"Hmmm. No, because I love them. "Huli na para bawiin ang sinabi para siyang kamatis na biglang namula.
"So that's it. You love my lips.. " may sinabi pa ito pero hindi niya na narinig.
"Ha? "
"Nothing, I go ahead-- Why? " Pinigilan niya muli ito.
"Bukas na lang, nawala na ang crave ko sa singkamas at bagoong. Sa kusina na lang tayo maghanap. " Nakita niyang napanganga ito samantalang siya ay tuluyan ng natawa sa itsura ito.
"Dali na, nagugutom na ang si baby. "Hinampas niya pa ito sa balikat. Umiling-iling pa ito, na para bang hindi makapaniwala sa biglaan pagbabago ng isip niya.
Nasa kusina sila habang kinakain ni Judie ang malaking slice ng chocolate cake ,saka siya humigop ng chocolate shake niya. Nakita niyang napangiwi si Lance ng isinubo niya ang malaking bahagi ng cake.
"Take it slow. Wala kang kaagaw sweety" Nabitin naman ang kutsara niya sa hangin at nakanganga pa siya ng mahinto sa balak na pagsubo.
Gosh! Did he just call me sweety? Anak ng! Ang tamis na tawagan naman. Sweety!
"Ayoko na nga. " Itinulak niya ang plato na may cake pa pati ang shake niya saka ininom na lang ang tubig na sa baso katabi niya.
"Good, ayoko naman na maging kulay brown ang anak natin"
Tuluyan na siyang , kinilig sa sinabi ng asawa niya.
Anak natin.
Anak natin.
Anak natin.
"Hey, are you ok? " Saka lang siya napalingon sa lalaki. Hindi na niya napansin na ngiting-ngiti na pala siya sa lalaki.
"Oo, ok lang ako at ang anak natin" Napailing na lang si Lance, kahit seryoso ang mukha nito . Hindi pa rin nakakaligtas sa paningin ni Judie ang ibang kinang sa mga mata nito.
"Sweety, we should sleep." Nilapitan siya nito mula sa likuran niya ,naramdaman niya ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat niya.
"Lance. "Tawag niya saka tumingala."Why? "
"Ipagluto mo naman ako ng French fries. Nagugutom pa talaga ako. " Muli ay natawa siya ng makita ang pagngiwi ng asawa niya.
"Ok. "
"Biro lang, halika nga pakiss. " Hindi na niya hinitay ang pagsagot nito mabilis siyang tumayo saka hinalikan ito sa labi. Napangiti naman siya ng bahagyang hinapit siya ng asawa at gumanti ng halik ito, kapwa hingal ng maghiwalay ang mga labi nila.
"Pinaglilihan mo ba ko? "Nakangiting sabi ni Lance.
"Yup. "Siya naman ang napangiti ng makitang namilog ang mata nito.
"Really? "Natatawa siyang ,dahil sa sayang nakitang mukha ni Lance.
"Oo, kulit naman ni papa. "
"Papa. I like it. "Nakangiting saad nito saka nagulat pa siya ng dumukwang ito sa itinapat ang bibig sa tyan niya.
"Baby, your papa is here. I'm waiting to you. . . I love you, baby"Hindi niya alam kung bakit bumilis muli ang tibok ng puso niya ng magtama ang mata nila ni Lance na para bang sinasabi nito na para sa kanya ang huling sinabi nito.
BINABASA MO ANG
My Dream Husband (Book 2: Substitute Father)
General FictionJudie Gail Pajeros, she was a happy-go-lucky woman at walang inuurungan basta inaapi ang kanyang mga kaibigan, but her life change when her ex-boyfriend, Raniel, ask for separation after he heard that she was pregnant. Parang gumuho ang mundo niya...