"Ang Diyos ay katulad ng hangin, hindi man natin nakikita ngunit kaya nating maramdaman.".
Iniisip ng tao na kailangan ng katawan ng Diyos at ito'y kailangang makita upang mapatunayan na umiiral nga ito. Ngunit ang totoo, ang Diyos ay nakikita na ng tao simula pa lamang ng likhain ito, hindi lamang sya napapansin. Dahil ang tao ay likas na mapagmataas pag dating sa karunungan, kaalaman at iba pa. Ngunit ang Diyos ay nakikita ng mga taong mapagkumbaba at hindi ng mga palalo, napakadali lang hanapin ng Diyos dahil ito'y nagpakita na simula palang;" Makipot na pintuan"," itinago ko sa mga isip ay sanggol". Sinasabi ng banal na aklat na, "ang tao ay gawa sa wangis ng Diyos.", kaya kapag nakita ka ng tao ay parang nakita mo na rin ang Diyos. Hindi lang parang nakita, marahil nakita na nga. [Tao – mga nilalang ng Diyos na likas na mabuti at matalino.]
Kapag nakakita ang tao ng isang obra, maaring makatiyak ang tao na mayroong gumawa sa obra na iyon.
kaya nakatitiyak rin ako na may roong lumikha sa atin at iyon ang tinatawag na Diyos, dahil tayong lahat ay kanyang obra. Kaya ka-mangmangan na lamang na ipagtatwa o pabulaanan na walang Diyos.
"Ngunit hindi ito mahahanap ni mauunawaan ng mga taong palalo, dahil wala itong pake sa mga simpleng bagay at sa pag aakala na rin na ang Diyos na matalino ay hindi gagawa ng mga bagay na madaling maunawaan.".
Umiral na ang Diyos simula pa lamang na marinig ng tao ang salitang Diyos, kaya kung ang salitang Diyos ay alam mo, ibig sabihin umiiral na ang Diyos sa iyo. Kapag narinig mo ang salitang Diyos, magkakaroon ng idea sa iyong isip kung ano ito. "Ang salita ay Diyos.".
Kung Walang Diyos:
Paano tumatakbo ang buhay kung ang Diyos ay hindi umiiral? Hindi kikilos ang tao hanggat walang nag-uutos sa taong iyon, "Walang alipin, kung walang pinuno. walang tao, kung walang Diyos.". Inuutusan ng kagustuhan at isip ang tao upang kumilos at sa pamamagitan ng pagkilos ay magkakaroon ng ideya ang ilan upang kumilos rin. Naka programa ang buhay at ang nag programa nito ay ang Diyos.
Sino ang nag desensyo sa daigdig? Bakit may magkakatulad na buhay at problema? Bakit may komyunikasyon? Bakit may tanong at sagot? May sagot sa tanong? Bakit may liwanag at dilim? At sino ang nagpasya na lagyan ng liwanag ang buwan para may makita sa oras ng pag dilim? At sino ang nagkonekta para sa isa't-isa? Sino ang naglagay ng sukat sa daigdig? Sino ang nag desensyo ng mga halaman at lagyan ng programa na paglingkuran ang tao sa pamamagitan na pwede silang kainin at idaloy ang hangin? At sino ang nag desensyo sa tao at lagyan ng programa na maglingkod sa mundo? Walang ibang sagot kundi Diyos.
Walang sino man ang makapag papatotoo na walang Diyos. Hanggat hindi alam ang eksaktong bilang ng mga bitwin, hanggat hindi pa nalilibot ang buong daigdig.
Mapapatunayan lang na walang Diyos kung ang buong kalawakan ay nalibot na at na bigong masumpungan ito.
Ang Pag-iral ng Diyos.