Ian's POVNaririnig ko mula dito sa sala ko ang soundtrip nila Rana... Di ko alam kung bakit ako naiinis dahil nag iinom siya, pwede ko naman siyani hayaan nalang
"Ian! Ian! Ian!" may narinig akong ingay sa labas ng pinto at paglapit ko pasunod sunod ang katok niya kaya binuksan ko na agad
"Aray!" nasuntok ata ako or ginawa akong pinto dahil sa mukha ko siya kumatok
"I'm sorry!" naging pamilyar sakin ang boses at ngayon ay hawak niya ako sa magkabilang pisngi at na-realize ko agad kung ano ang sinabi niya
"Ano ulit yun? di ko masyadong narinig eh" i smirked at her at nakita ko na parang nataranta siya kaya binitawan niya ako
"W-wala ah! wala akong sinasabi!" sabi niya kaya medyo napangiti ako.. ang sarap asarin ng isang ito
"Pagka-dinig ko kasi, you said SORRY" diniinan ko talaga yung word na yun
"No i don't" napailing nalang ako dahil ayaw niyang umamin
"Sige ipagpatuloy niyo na yung inuman niyo" sabi ko at akmang isasara ko na sana yung pinto ng mabilis siyang pumasok
"Hindi pa ako umiimon" mabilis niyang sinabi kaya siningkitan ko siya ng mata at nilapit ang mukha ko sakanya
"Uy! anong ginagawa mo! di tayo talo p-pareho tayong b-babae!" napaatras ako sa sinabi niya.. akala niya siguro may gagawin akong iba
"Ang dumi ng utak mo! inaamoy ko lang naman ang hininga mo! wag kang assuming!" sabi ko at nakita ko nag iba ang awra niya
"Assuming? ako ba talaga yun?"
"Joke lang.. sorry na" sabi ko at ngumiti na siya.. ang bilis lang
"Tara samahan mo kami sa kabila"
"Sorry, i'm not an alcoholic" sabi ko
"Sila lang ang iinom" nakangiti siya nung sinabi niya yun pero yung sinabi niya ang ikinataka ko
"Hindi?"
"Yes, hindi ako iinom, sila lang, movie marathon tayo sa kwarto ko" di ko maiwasang matulala habang nakangiti at hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papunta sa kabila, hindi na siya iinom? ano kaya nagpabago ng isip niya?
"Guys! si Ian" sabi ni Rana nung pagpasok namin sa pinto at nakita ko ang grupo ni Jell na nagsisimula ng uminom
"Oh! Ian! napadalaw ka ata dito?" tanong ni Joey
"Ah, actually diyan lang siya nakatira sa kabilang kwarto" sabi ni Rana
"Ah. ok" sagot ni Joey
"Nice!" sabi ni Jell
"Dun muna kami sa kwarto ah" pagpapaalam ni Rana pero hinarang kami ni Joey
"Sama ako" sabi niya sabay tingin sakin
"Ahm... diba sinabi ko naman sainyo ang dahilan kanina" sabi ni Rana
"I'm your suitor now right?" napatingin ako kay Rana upang magtanong kung totoo ba at tumango lang siya
"Manliligaw ka palang Joey, hindi ka pa boyfriend" sabat ko na kinagulat niya
"Whoa! nabara si Joey oh!" pang aasar ni Tessa at nagtawanan sila
Nag smirk si Joey sakin
"Eh ikaw? kaibigan ka lang naman ah?" sagot niya
"Ako ang unang nakilala niya"
"Sakin siya nagka gusto" di ko alam pero parang nabwiset ako sa sinabi niya
"Haha, gusto? akala ko pa naman mahal ka na niya, hahaha pag sinabing gusto ka, wag ka munanv mag assume kasi malay mo ang ibig niyang sabihin is gusto ka niyang paglaruan"
"Are trying me? huh?" mayabang na sagot niya
"Haha, i'm not."
"Wait lang ah..." awat ni Rana
"May love triangle guys" bulong ni Jella kina Tessa at Joel pero narinig din naman namin
"Guys! tama na!" saway ni Rana kina Jell
"Movie?" tanong ko kay Rana
"Sorry Joey, girls time muna ako" sabi ni Rana kay Joey kaya napa smirk nalang ulit ako kay Joey habang nilalampasan siya namin
"Manliligaw mo na pala yun" tanong ko nang makapasok na kami sa kwarto
"Kanina lang" sagot niya habang kinukuha yung laptop niya
"Alam mo bang babaero yung Joey na yun!" sabi ko
"Alam ko,"
"So bakit ka pumayag?!"
"Kanina ko rin lang nalaman"
"Patigilin mo na siya" napatingin siya sakin
"Ahm... Ian.. pwede manuod nalang tayo?" di ko na siya ulit pinilit, eh panget din naman kasi yung topic
"Aaah... Ian" sambit niya at tinuri yung movie list
"Seriously Rana?" tanong ko dahil puro ata may sex scene yung nasa usb niya
"Ah.. mali yung nadala ko" sabi niya
"Sige yan nalang," turo ko sa The boy next door
"Ok, walang madadala ah" natatawa niyang sinabi at napangiti nalang ako
***
"Sorry sa istorbo, busy ata kayo?" biglang sulpot ni Joey sa kwarto na parang may tama na
"Joey, ahm... labas ka muna, babae kami dito oh" muntik na akong matawa sa sinabi ni Rana
"Ang sama naman ata niyan?" naglakad siya papalapit samin
"Hayaan mo nalang muna ah" bulong sakin ni Rana
"Isama niyo naman ako sa bulungan na yan" sabi ni Joey at umupo siya sa tabi ni Rana
"The boy next door pala, baka naman magkaron na ng The lesbian next door," pagpaparinig ni Joey
"Haha, at least hindi obsessed yung lesbian na yun" sagot ko din
"Nagsisimula na naman kayong dalawa, kaya ayaw ko kayong ipagsama eh" sabi ni Rana at sinara na niya ang laptop at tumayo papuntang cr
"Tsk" tumayo ako pero hinawakan ako ni Joey sa braso ko
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na"
"Nasa cr pa naman si Rana eh, pwede ka pa naman dito" sabi niya, at pinaupo niya ako at nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya umatras ako baka kung ano ang magawa ko sakanya
"Ikaw ata ang obsessed Joey"
"Wag kang maingay" sinuntok ko siya ng buong pwersa dahil sa kabastusan niya
"Anong nangyayari dito?" gulat na tanong ni Rana
"Yan ba ang kaibigan mo? mas malakas pa atang sumuntok sakin yan eh" sabi ni Joey, mukhang gusto niyang palabasin ako ang masama at siya ang inosente
"Haha, ang galing mo naman Joey! kalalaki mong tao pati lesbian na tulad ko gusto mong patulan?! anong gusto mo? ipagsabay ako kay Rana?!" sigaw ko at nagsilipan sina Jell sa pinto
"Anong nangyayari dito?! Joey!" tanong ni Joel
"Pagsabihan mo yang kakambal mo! wala pa ding pinagbago sa pagiging babaero niya! hindi siya karapat-dapat kay Rana!"
"Anong sinasabi ni Ian, Joey?" tanong ni Joel kay Joey
"Imbento niya lang yan!" sagot ni Joey
"Ako? mag imbento? sorry pero hindi ako magaling diyan! ang alam ko ikaw ang expert dun Joey!" sagot ko na medyo pasigaw
"Joel-" di na natapos ni Joey ang sinasabi niya
"Joey, sorry pero kay Ian ako naniniwala, kakambal kita at kilala kita simula pa noon, at akala ko magbabago ka na dahil nakilala natin si Rana, pero nagkamali pala ako, mas lumala ka pa sa dati!" sabi ni Joel na halatang galit dahil nag walk out na, umalis na din ako kasunod ni Joel,
***
Don't forget to vote :)
BINABASA MO ANG
Lesbian & the Badgirl (Kaye Cal & IU Soon)
RomanceRana: Me or money? Your lie or my heart? What do i choose? Ian: If i lied to you once, this time, my heart is telling the truth, HEART will never lie