CHAPTER 2

84 3 0
                                    

Chpter 2

Arman: "Hoy Arnell! ano na naman ba itong ginawa mo rito? 'ayon si Aling Susan at isinalubong lang saakin na nagsisisigaw ka na naman daw kagabi, at 'ayan pa't binasag mo pa ang salaming ito," ang kararating lang na si Arman mula sa trabaho.

Arnell: "Pasensya ka na, Tiyo, napanaginipan ko na naman kasi si Angellah, kaya't ganoon na lang ulit ang poot na naramdaman ko," habang tumitimpla ng maiinom ang binata.

Arman: "Arnell, hanggang kailan mo dadalhin sa isipan mo ang Angellah'ng 'yan? 'buti kong maganda ang naidudulot niyan sa 'yo, eh mukha ka nang baliw sa mga tao rito, at baka 'di katagalan eh mapalayas pa tayo rito, dahil sa pinaggagawa mo."

Arnell: "Alam niyo naman Tiyo diba? na hindi madali ang pinagdadaanan ko, kung hindi sana nangyari sa akin 'to eh, 'di sana, nand'yan pa din si Angellah. 'Di sana, nakatapos na ako, at 'di sana, mayroon nang tumatanggap sa akin, pero wala, maraming natatakot sa akin, kaya't pati sa trabaho walang tumatanggap sa akin.

Arman: "Matalino ka'ng bata Arnell, pero dahil sa kaanyuan mo, ganyan ka na lang ituring ng mga tao, kaya nga, sabi ko sa 'yo eh, dibali nang ganyan ang itsura mo, kasi nand'yan na 'yan, pero sana maging maayos ka naman sa paningin ng iba. 'Wag 'yong para kang nasisiraan ng bait sa paningin nila. Kaya't limutin mo na ang babaing iyon."

Arnell: "Kung puwedi nga lang Tiyo, eh, pero hindi ko talaga magawa. Umaasa ako na muli pa rin kaming magkikita, at umaasa akong pagbibigyan niya pa rin ako."

Arman: "Masasaktan ka lang Arnell sa ginagawa mo, hindi natin alam ang kalagayan ni Angellah ngyon. Paano kung may asawa na pala 'yon? kung sakaling magtuos man ang landas niyo, eh lalo ka lang masasaktan. Hayaan mo na siya."

Arnell: "Hindi ako papayag na may iba na siya! kung sakaling meroon man at magkita kami ay 'di ko sila hahayaan. Mas mabuting 'wag na siyang pakinabangan ng iba kung hindi rin lang siya magiging akin, at tulad ng ginawa ko kay Edgard, papatayin ko rin sila!!" Habang mababakas sa mukha niya ang poot at galit."

Arman: "Arnell, iho, sa tingin mo ba hindi ka makukulong 'pag napatay mo sila, pakiusap lang, hindi lang buhay ng iba ang wawasakin mo, kundi pati buhay mo, at tama nang si Edgard lang ang napapatay mo, kahit papaano eh nakaganti ka na rin. Naiganti mo na ang mga magulang mo," mahinahong pakikiusap ni Arman.

Arnell: "Iwan ko ba, parang wala ng halaga ang buhay ko mula ng mangyari sa akin ito, wala na akong ganang mamuhay sa mundong ito."

Arman: "Bakit hindi ka na lang muna bumalik sa Probinsya? kaya kita isinama dito sa maynila eh baka sakaling malibang-libang ka rito, pero parang hindi ka pa din nagbabago."

Arnell: "Mas 'di ako mapapalagay roon. Hindi lang si Angellah ang naaalala ko doon, pati si Nanay at Tatay, kaya't mas magandang dito na lang muna ako."

Arman: "Siya nga pala, may balita ka na ba kay Alvin? tumawag na ba siya sa 'yo o kaya'y nag-text?"

Arnell: "Hindi pa, at iwan ko sa kanya, parang nakalimutan na niya ako. Hindi ko na nga siya makontak eh, samantalang siya ay hindi pa din tumatawag o nag-te-text."

Arman: "Huwag mo lang wawalain ang simcard mo'ng 'yan at sigurado akong isang araw, tatawagan ka rin niya. Baka lang nasira ang sim niya, at baka hindi niya naisulat o naisaulo ang numero mo. Kaya't siguro, hahanap-hanapin niya 'yan sa mga kamag-anak natin roon."

Arnell: "Oo nga Tiyo, dahil siya lang ang inaasahan kong makakahanap kay Angellah."

Arman: "Arnell, mahigit anim na taon na, mula ng umalis si Angellah at nangibang bansa, at anim na taon na rin ng umalis si Alvin, upang hanapin si Angellah para sa 'yo. Kung nahanap niya noon pa man 'di sana sinabi niya na sa 'yo noong nagtatawagan pa kayo."

Hindi na nakasagot si Arnell at napaisip na lang siya tungkol kay Alvin.

Arman: "Shya nga pla, baka makapag-abroad din ako, dahil 'yong engineer namin noon ne-re-request niya kami, mas mabuti na rin, kesa lagi tayong naghihirap dito, dibali Arnell, 'pag na approbahan ay umuwi ka na lang sa probinsya, sa Tiya Rowena mo, at papadalhan na lang kita lagi, okay."

Arnell: "Mabuuti pa kayo tiyo Arman, may pag-asa kayong marating ang ibang bansa, pero ako hindi, kasi nga, walang tumatanggap sa akin, siguro kung meroon lang, sana noon pa, nag-abroad na ako, para ako na mismo ang maghahanap kay Angellah."

Arman: "Oh siya, tama na ang dramahan iho, at magpapahinga na ako okay."

*-*

Alvin: "Hon, pitong araw na lang, at nandoon na tayo sa pilipinas, an'tagal na rin nating 'di nakauwi, o nakapagbakasyaon man lang."

Angellah: "Hon, kakaiba pa rin ang nadarama ko sa muling pagbabalik natin sa Pilipinas, hindi mawalay sa isipan ko si Arnell. Hanggang ngayon, naaawa pa din ako sa kanya, na-gu-guilty ako, at natatakot akong magkita kaming muli. Kilala ko siya. Hanggang langit ang pag-ibig niya sa akin. Alam kong 'di siya papayag na may iba na ako."

Alvin: "Hon, 'wag mo nang isipin ang taong 'yon. Sa laki ng Pilipinas eh, matutuntun ka pa ba niya. Saka nandito lang ako lagi, para sa inyong dalawa ng anak ko. Hindi ko hahayaan na may manakit sa inyo."

(kaano- ano ba ni Alvin si Arnell?)

Ito po ay isa sa mga unang nobela ko noong nagsisimula pa lang ako magsulat. Noong 2012. Nais kong ipost upang ma-edit ko.

ITUTULOY>>>

DULOT NG KABIGUANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon