Chapter 13: 01 Sembreak
"Honey, you ready? We'll go after 5 minutes," silip ni Mommy sakin sa harap ng salamin.
"Yes, Mom."
Ngayon ang alis namin papuntang States. It's 7'o clock in the morning and our flight is 10'o clock. And ito ang unang araw ng sembreak namin dahil sa Araw ng Patay.
I look at myself in the mirror. I'm just wearing a plain navy blue v-neck shirt and a ripped pants at ang sneakers ko. May dala akong isang shoulder bag at maleta. Parang ang tagal ko tuloy sa States, 2 weeks lang naman.
Simula pala nung araw na yun, hindi ko na siya nakita sa school. I heard that lumuwas sila sa Laguna, with his family. Early for sembreak. Narinig ko din na may upcoming party kina Yves pagkatapos ng sembreak. Kinalat yun ni Joycelyn. Naguguilty lang din ako na nasabi ko sakaniya lahat.
I like him. Pero hindi ko alam kung yung like ba na ito ay gusto o mahal! I'm so confused.
"Let's go, dalhin mo na ang maleta mo. On the way nalang tayo magb-breakfast," sabi ni Mommy ng nakangiti.
Tumango ako. "Hindi pa din naman po ako gutom, pero okay."
Nilingon ko ang harap ng bahay namin. Hays, I will miss you! Inilagay ko ang maleta ko sa compartment ng van na gagamitin sa paghahatid.
"Mam, huhu! Mamimiss ko po kayo!" napalingon ako kay Megan.
Napatawa ako. "Megan! Hahaha, bakit ka umiiyak? Day off niyo din naman ni Manang, isn't it good?"
"Mam, mas gusto kong nandito kayo kesa wala kayo, huhuhu."
"It's fine. Two weeks lang, Megan! Okay sige, pagkabalik ko, hmm. We'll do the shopping, anything you want!"
Nagulat si Megan, "Talaga po?" Tumango ako. "Hala, Mam! Sige po iintayin ko po yan----"
"Megan, nakakahiya kay Mam," parehas kaming napalingon kay Manang.
"Hindi naman daw po Nay, okay po yun!" natatawang sabi ni Megan.
Lumapit si Manang at kinurot si Megan sa tagiliran. "Ikaw na bata ka, nakakahiya kaya!"
"Hindi, Manang. Sinuggest ko din iyon sakaniya at tsaka pagbalik ko dito, magiging boring na," sabi ko.
Tinawag na ako ni Mommy at pinasakay na kaming dalawa ni Mico sa van. I miss this, I miss Mico! Busy ako sa school at ganun din siya.
Nang makapasok siya sa van at kinausap ko na agad siya. "Why so busy, Mico?"
Tinabihan niya ako. "Busy of what? We're both busy, wag mo isisi sakin, Ate."
Nag-pout ako at sinamaan siya ng tingin. "Mas busy ka, Mico. Wala ka nang time sa Ate mo. I did'nt see you every morning kasi tulog ka pa. Pagdating ko naman wala ka pa, or busy ka sa school stuff."
Ngumiti siya sakin. "Don't worry, Ate. It's our sembreak, we can do bonding every day sa States. At you're so arte, nasa same school tayo. You're always staring at the same guy every day when I'm around," nagtataka niyang sabi.
Kinabahan ako. "Who's the guy?"
Ngumisi siya. "I dunno his name but... I heard it in my classmate. He's... uh.. Yve---"
Pinutol ko siya. "Oh, yes! Who is that, Mico? I don't even know him,"
Nagtatakang tiningnan ako ni Mico. "I'm not yet done. Hindi ko pa sinasabi ang name niya, Ate. You're over reacting,"
"H-hindi, ah! I... j-just uh.. kilala ko na. No need to say, tsaka wag ka nga! We're just classmates."
Sandaling tumahimik si Mico, siguro iniisip kung tunay ba ang sinabi ko. Anong alam ni Mico kay Yves? Ayaw ko din naman siya pagusapan! Paano niya nakilala yun? I know that Mico is a smart boy, 1st year na siya kaya siguro nakikilala niya na ang mga transfer sa JJU. But paanong si Yves agad?
"Classmate? How 'bout a friend?" nagulat ako ng nagtanong ulit siya.
"No."
"Hmm, well lovers?"
"What?! Ofcourse, n-not!"
"Chill, Ate. So, enemies?" huli niyang tanong. "Sort of, parang ganun na din?" sagot ko.
Tumahimik nalang ako, ghad! Ayokong madami pang malaman si Mico tungkol kay Yves, tungkol sa taong gusto ko. I will kill myself kung kumalat yun! Ilang oras ay bumaba kami para kumain sa isang kainan. Burger King to be exact.
Umupo kami sa loob habang si Mommy ang na-order.
"Anong gusto niyo, honey?"
"Whooper for me," simpleng sabi ko. "Same," sabi naman ni Mico.
Natapos na kaming kumain it's already 8:50, ang bilis ng oras! Traffic pa papuntang airport, what kind of traffic guy they have? Inaantok ako kaya natulog na muna ako.
20 minutes....
"Honey, wake up. Mico, wake your Ate." rinig kong sabi ni Mommy.
Umungot pa ako, dahil I'm so sleepy. "Ate, open your eyes! Wag kang maginarte diyan!"
Arrgh! Maaga pa naman. Pinikit ko lang ang mata ko, mariing pikit. I'm still sleepyyy! Wala pa namang ten kaya magiintay pa kami sa waiting area and it's boring.
Niyugyog ako ni Mico. "Ate, gising sabi! Hala!" nagulat ako sa sigaw niya.
But, I did'nt open my eyes, alam kong nant-trip lang yan si Mico.
"Si Kuya Yves!? Kuyaa Yves, ditoo!"
Padge! Napabango ako ng wala sa oras, nauntog pa ako ng naalala kong nasa van ako! "Aww... Wait, si Yves? Asan? A-asan?!" taranta kong sabi sabay labas at nakita ko ang walang taong parking lot bukod samin nina Mommy.
Napalingon sakin si Mommy. "Sinong hinahanap mo, honey?"
"Wala po, Mommy. Naglalaro lang si Mico, sinabayan ko lang." halakhak ko.
Nagkibit-balikat nalang si Mommy. "Oh, okay. Let's go kids. Quarter to ten na, bring your luggages, baka maiwan tayo," paalala ni Mommy at nauna na samin.
Kinuha ko ang maleta ko kasabay ng pagkuha ni Mico. Darn! That's embarassing. "Holy, Ate! You're like a freaking child craving for someone you liked. Hahaha, I kennat!"
Hinampas ko siya. "Pakshet ka, Mico! Nakakainis 'to!" bulyaw ko at tumalikod para makahabol kay Mommy.
Iniwan ko si Yves na hagalpak ng tawa--- wait! Mico, I mean! Yves tuloy, ughh! Sarap sampalin.
Nauna kaming makapasok ni Mommy sa airport dahil patigil tigil si Mico at sa tuwing titingin ako sa direksyon niya ay tumatawa siya. Kaya sa inis ko ay hindi ko nalang siya tiningnan! Tuluyan na kaming pumasok nina Mico sa airport. I was about to sit down ng nilapitan ako ni Mommy.
"It's about time. At walang oras pag-upo, sa plane na kayo magpahinga."
Tamad akong tumayo at dumiretso na sa loob mismo ng airport. Minutes passed, nakasakay na kami nina Mommy ng airplane
This sembreak will start, amazingly! Sleeping timeeee! Pero bago ko maipikit ang mata ko umepal nanaman ang katabi kong si Mico.
"Sleep again, Ate? Kung ako sayo, ayoko nang matulog baka pagising ko magkatotoo yun," asar niya sakin.
Inirapan ko siya. "You know what, Mico? Stop it, tumigil ka na nga! Mag-ipad ka nalang, pwede?" sabay saksak ng earphones ko sa tenga.
♬ ♪ I'm inlove with the shape of you,
We push and pull like a magnet do
Although my heart is falling too
I'm inlove with your body ♬ ♪