*Aya's POV*
So yes, B's my Ex. But, we remained as really good friends after the break-up. Hindi kami nagtagal ni B. Ilang araw lang yata naging kami. Nakakatawa nga eh. Hindi ko naman kasi inaasahang she was going to take that seriously.
Alam kong may gusto na siya sa'kin highschool pa lang kami and I was ok with it. Pero, I made it clear na straight ako.
Talaga ba?!
Well, dati I was. Pero, I have been attracted to several girls na rin naman. I've dated a few for the past couple of years. With B kasi, kahit wala kaming label, alam kong love na love niya ako. Para na rin kaming mag-jowa kasi lagi niya akong hinahatid sa bahay and dini-date. Pero, siyempre, walang malice 'yon sa'kin. Tanggap niya naman. Niri-respeto niya naman.
Pero, selosa 'to. Nagagalit 'pag may nanliligaw or lumalandi sa'kin. Kaya nga wala akong matinong lovelife kasi dikit 'yan sa'kin. Mahalaga rin kasi naman sa'kin si B. Love na love ko rin siya. Para ko na rin kasi siyang kapatid kaya nga nasaktan din ako ng sobra nung naghiwalay kami kasi I knew nasaktan ko siya.
<Flashback>
Hala, siseryosohin pala talaga ni B ang joke ko. Siyempre ayoko siyang paasahin. I'll make sure to clear it all up sa school bukas. Pero, wait, exams namin. 'Pag 'yon 'di gagraduate dahil bumagsak nang dahil din sa'kin, 'di ko mapapatawad sarili ko.
==========
Friday natapos ang exam, 'di ko na naman nasabi kay B na joke lang talaga 'yon. Ang saya niya kasi. She felt like she aced the exam. 'Yong feeling niyang mas magaling pa siya sa'kin. Hahaha. Parang ang pangit naman if sisirain ko ang araw niya.
Pero, feeling ko, nararamdaman niyang may hindi ako sinasabi kasi balisa ako. Hello, magkasama kami since highschool so sobrang kilala niya talaga ako.
"Are you ok A?" tanong niya habang sumasayaw.
Andito kasi kami ngayon sa malapit na bar sa school. Kumuha ng private room 'yong isang friend namin na medyo mayaman. So, meron kaming consumable food and unlimited drinks. Celebration namin 'to kasi sa wakas, tapos na finals. So, 'di ba, napaka-untimely kung ngayon ko sasabihin.
"Yes B, I'm ok." sabi ko sabay thumbs up sa kanya na tumatango kasabay pa ang pag-taas at baba ng kilay. So convincing, 'di ba?
Promise, sasabihin ko na bukas.
==========
Saturday, sinundo niya ako sa bahay gamit ang sasakyan nila. Pumunta kami sa fave teashop namin. As usual, umorder kami ng fave naming Wintermelon Milk Tea.
Nag-iipon na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na I wasn't really serious about us being together. Sobrang kinakabahan ako. Mas intense pa 'to sa kabang nararamdaman ko nung finals eh. 'Yong feeling na para kang natatae.
"I think we're better off as friends A." sabi niya na hindi nakatingin sa akin.
Nagulat ako. Ako dapat magsasabi non eh. Out of the blue, bigla niya 'yong sinabi. Maybe naramdaman niya na 'yon ang gusto kong mangayari. Bigla tuloy akong na-speechless. Ready na dapat ako sa sasabihin ko eh. I was just waiting for the perfect timing.
"Oh, natahimik ka diyan? Para namang na-hurt ka talaga ng sobra sa sinabi ko. Tara na. Manood na tayo ng movie."
Hinila niya na ako papuntang sinehan sa mall. She's acting na parang walang nangyari. Ang hyper niya pa rin. Pero umiiwas siya ng tingin sa akin. Nakikita kong iba.
Awkward.
<End of Flashback>
Actually, simula that day, nagkaroon ng wall between us. 'Di ko naman siya masisisi. She needed it that time. Kailangan ko rin lalo pa't heartbroken din ako sa mga panahon ngayon.
Pero, siguro nga time heals all wounds kasi ngayon parang walang nangyari. Masaya siya and I guess masaya rin naman ako especially that my career is doing well.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Pinag-usapan din namin ang mga dati naming classmates. Nagtatampo na nga raw 'yong iba sa'kin kasi 'di ako umaattend ng reunion. Siyempre, napag-usapan din namin 'yong about sa'min na para bang isa na lang ito malaking JOKE.
Upper case talaga? Para intense?
"So A, don't ever make another joke like that."
Malakas na tawa lang naging tugon ko.
"Don't laugh. I'm serious."
Natahimik ako kasi naging seryoso ang mukha niya at tinitigan ako.
"I dare you. If you say that again, 'di na talaga kita papakawalan. Remember that."
Natahimik ulit ako. 'Di na ako nakapag-react kasi dumating na si Mr. Dizon and his fiancee.

BINABASA MO ANG
BLOOMING STREET [GxG] - Completed
RomanceWhen you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief in the night when my guards were down and it was already too late for my heart to notice. Labanan ko...