Chapter 18: Dates and Weddings

178 3 0
                                    


"Meron pala akong tanong sayo." Magkausap kami ni Isen ngayon sa phone, tumawag siya sa akin dahil namimiss niya na daw ako. Siyempre natuwa naman ako diba kahit kahapon lang magkasama kami. Mag-iisang oras na rin kaming telebabad nitong boyfriend ko.

Boyfriend. Boyfriend ko. Hanggang ngayon kahit nakaka-kalahating taon na kami para pa rin akong nasa alapaap pag naiisip kong boyfriend ko na si Isen. Hayy.. nakakakilig lang.

("What is it?")

"You said your family lives in California, pero bakit wala siya sa listahan ng mga places lived mo sa Facebook? You have Syracuse, New York there instead.."

("Ooh. You're stalking me, aren't you?")

Hindi ako agad nakaimik. Nabuko ako dun ah. And he's teasing me, kahit hindi ko siya nakikita ramdam ko na nakangiti siya ngayon. Elle, shunga ka talaga.

"I need to check noh! You sent me an invite sa Facebook, so I had to verify you first" sana bumenta yung palusot ko.

("Reeeally?")

Aba! Ayaw pang maniwala. Girlfriend rule number one, wag nang ipilit kung hindi ka makalusot. Idaan sa sindak na may halong karisma. Tama tama! Let's try it.

"Okay, let's say I was really stalking you. Is there any problem with that, huh? Love? Boyfie?" I said at dinagdagan ko ng konting lambing.

At ang mokong tinawanan lang ako! ("Boyfie?? Where did you get that, Love?")

Uhh. Ano ba ang rule number two? "Why? Ayaw mo maging boyfie ko?" I said using my paawa voice. Rule number two: Pag hindi madaan sa sindak at karisma, magpaawa.

("Gusto! Siyempre gusto. It's just that-- Are you laughing at me, Samantha?!") he exclaimed. Ang funny nya! Ninenerbiyos kasi yung boses niya. Effective ang rule number two!

"I'm not! Tuloy mo yung sinasabi mo" I said habang tawa pa rin ako ng tawa.

("Pasalamat ka mahal kita, at pasalamat ka wala ako diyan. Kundi, lagot ka sa akin") I could hear him smirking.

"Eh ang kaso wala ka dito. Bleeh!"

("Kaya nga Love ang endearment natin eh, para sweet saka mature tapos you're callling me 'boyfie'? What are you, elem--?")

"I'm yours!" masigla kong sabi. Mga ilang segundo rin siyang hindi nakaimik.

("Tch. You really know how to shut me up, Love")

"Kinilig ka ba?"

("I won't tell. Bleeh!") Gumaganti ang mokong!

"Okay. Wala kang kiss--"

("Oo na! Oo.. na... kinilig na ako..") mahina niyang sabi.

"Nahiya ka pa kasing umamin. Tayo lang naman dalawa ang magkausap.. Oh ano na yung tanong ko? Kung saan saan na tayo napunta"

("What was your question again?")

"Seriously?"

I heard him laugh. ("Joke lang. I lived in NY for six months, Love. That's where my rehab center is"

"Oh.. okay.. Bakit doon? Wala ba sa Cali?"

("My mom had to temporarily stay in NYC because of her work and dad was in Dubai that time. Minor ako eh so I needed a guardian. Kaya ayun.")

Ah kaya pala.. "Dun ka rin nagpunta last last year?"

("Yeah")

Okay. Kaya pala.

("I didn't include Cali in my page kasi traumatic yung lugar na yun sa akin")

"Ayaw mo ng bumalik dun?"

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon