Kamusta! Ako si Edwardo, isang luntiang lapis na may mga dilaw na guhit. Iyon ang pangalan na ibinigay sa akin ni Maria, ang nagmamay-ari sa akin. Araw-araw ako ay kanyang kinakausap kasit na hindi ko siya sinasagot dahil hindi niya ako maririnig. Pero, hindi siya bingi ah. Itinuturing namin ang isa'isa bilang magkapatid. Paano kami nagkita? Ikukwento ko sa iyo ang akong paglalakbay bago kami nagkita ni Maria.
Ako ay nakatira sa isang tindahan na may malaking bintana sa harapan. Maraming tao ang dumadaan dito tuwing umaga at hapon. Ang iba ay pumapasok at bumibili ng mga gamit pang-paaralan. Ako at ang mga kasama kong lapis ay nakaupo sa isang banda ng tindahan kung saan nakikita kami ng lahat. Isang arw, ang mga maitim at matabang lapis ay nagmayabang, "Kami ang pinakamagaling at pinakamabentang lapis sa lahat. Palagi kaming binibili ng mga bata dahil madali lang kaming gamitin." Hindi sumang-ayon ang mga dilaw at payat na lapis. "Mas mabenta kaya kami dahil ginagamit kami ng mga kabataan na nasa elementarya. Ginagamit kami sa pagsulat ng mga letra at numero." Humirit naman ang aking mga katabi, "Mas gusto kami ng mga batang nagsisimula pa lang sa pag-aaral dahil sa mga damit naming mukukulay at kung minsan ay ang mga paborito nilang cartoon characters o super heroes ang disenyo ng aming damit. Idagdag mo pa ang mga mababango naming pambura na amoy cherry o strawberry." Biglang nagsigawan ang mga lapis dahil hindi nila matanggap na may nakakalamang sa kanila.
Habang nagsiisgawan ang mga lapis, isang matanda ang humablot sa akin na nagpatigil sa nakakarinding sigawan ng mga lapis. "Ito ang kailangan ng aking anak. Siguradong masisisyahan si Edgar sa aking pasalaubong," wika ng matanda. "Paalam, kaibigan! Paalam! Sana magkita pa tayong muli!" sabi ng mga lapis. "Paalam! Hindi ko kayo makakalimutan." sabi ko naman. Nilagay ako ng may-aro ng tindahan sa isang bughaw na plastik at dinala ako ng matanda sa sasakyan kung saan may isang babaeng nakasakay. Nalaman ko na Carlos ang panglan nung lalaki at Gina naman ang pangalan nung babae. Mayroon silang anak na ang pangalan ay Edgar.
"sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Edgar?" tanong ni Carlos. "Oo. Sigurado akong magtatatalon iyonsa tuwa kapag nakit niyang may bago siyang lapis." sagot naman ni Gina. Biglang pumreno ang sasakyan at kinuha ang plastik na aking kinalalagyan. Binuksan ang plastik at nakita ko ang mukha ng isang bata. Ito na siguro si Edgar. Biglang napangiti ang bata at niyakap ang kanyang mga magulang. “Salamat po! Maraming salamat po!” sabi niya. Araw-araw akong ginamit ni Edgar. Ginagamit niya ako tuwing guguhit siya ng mga bagay tulad ng bundok, dagat at tao. Napakaganda ng mga ginuguhit ni Edgar.
Ngunit isang araw nang pumunta sa parke ang pamilya ni Edgar, bigla niya akong nabitawan dahil sobrang dami ng tao sa may palaruan. Gusto ko sanang sumigaw ngunit hindi naman ako maririnig ni Edgar. Pilit akong hinanap ni Edagr ngunit nasakto na nasa ilalim ako ng isang bench.
Isang taga-linis sa parke ang nakakita sa akin at ibinigay niya ako sa nag-iisa niyang anak na si Rosa. Palagi rin akong ginagamit ni Rosa ngunit hindi sa paraan na ginagamit ako ni Edgar. Ginagamit niya ako sa pagsulat ng mga letra at numero. Ngunit isang araw, sa pagmamadali, nasama ako sa mga tinapong papel ni Rosa. Kinausap ako ng mga papel.
Habang kinekwentuhan ako ng mga papel tungkol sa mga ginawa nila kasama si Rosa, isang matandang naka-uniporme ang dumampot sa akin. Dinala niya ako sa isang bahay na magara at doon nakita ko si Tony. Ako ay tinasa ni Tony upang ang aking panulat ay tumulis at ako ay ginamit niya sa kanyang takdang aralin. Naging kaibigan ko si Tony sa loooob ng maraming araw. Ngunit nang magsawa sa akin si Tony, binigay niya ako sa kanyang nakababatang kapatid. Doon ko nakilalal si Maria. Binigayn ako ng pangalan ni Maria upang hindi siya mailto sa ibang gamit niya.
Migsimula kay Edgar, napunta ako kay Rosa at pagkatapos kay Rosa, napunta naman ako kay Tony na siyang nagbigay sa akin kay Maria. Hay naku! Andami na palang gumamit sa akin. Ngayong ko lang napansin iyo. Salamat sa pakikinig sa aking kwento at sana hindi kayo inantok. Salamat din dahil pinaalala niyo sa akin ang mga lugar at taong nakasalamuha ko . Paalam na at baka makita pa akong nagsasalita ni Maria.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N : Ito po ang sinasabi ko. Thank you po sa pagbasa!
Vote and comment naman po!