•Present Time•

72 3 0
                                    

This is the last Chapter guys, naglagay na ako ng dalawang bonus chapters kasi ang ganda ko eh. Joke. So hindi na to Flashback guys, present na. HALATA NAMAN DIBA?!


---------


PRESENT TIME.............


Third Person's POV


"So that's your lovestory, boss? Tsss. Hella corny" Taas kilay na sabi ni Hades, ang lalaking anak ni Ivan at Janel.


Sumingit naman ang kakambal ni Hades na si Hera, "Seriously? May pagka-makata ka pala, boss. Malas mo madam!" Bulyaw ng anak nilang si Hera.


Nagkatinginan ang dalawa at parehas na pinagmasdan ang kanilang dalawang anak. 12 years old na ang kanilang mga anak. Kambal ito pero magkaiba ng ugali. Si Hades ay mas matanda kay Hera ng 3 minuto. Kamukhang kamukha ito ng kanyang ama na si Ivan at halos magkaparehas sila ng mata at ilong. Namana rin niya kay Ivan ang pagiging matinik sa babae at pagiging sarkastiko nito. Hindi maitatanggi na sobrang gwapo nga ni Hades. Si Hera naman ay kamukha ni Janel. Kagaya ni Janel ay matangos din ang ilong nito at maganda ang pagmumukha. Kagaya ni Janel ay may pagkalalaki rin ito kumilos.


"I can't believe that you gave birth to these rascals, Madam" hindi makapaniwalang sabi ni Ivan at napailing. Sabay na napatawa ang kambal at nilingon ang kanilang nanay na si Janel.


"Tsss. We're not rascals. So rascal ka rin?" Sabi ni Hades sa kanyang ama at tinaasan ito ng kilay. Sinamaan siya ng tingin ni Ivan at pabirong binatukan ang anak.


Naningkit ang mata ni Ivan, "Shut up, Hades." Matigas na saad ng kanyang ama. He rolled his eyes manly and look away. Si Hades at Ivan ay parang magtropa lang dahil hindi sila masyadong sweet sa isa't isa.


Naningkit ang mata ni Janel at pinag-untog ang dalawang lalaki, "Kayong dalawa kahit kailan ang gugulo niyo. Manang mana ka talaga sa tatay mo, Hades." Naiinis na sabi ni Janel.


Sabay na napa-tsss ang dalawa at sabay pa silang tumalikod sa isa't isa. "Me? Never" sabi ni Hades at nirolyohan ng mata ang tatay niya habang nakatalikod ito.


"Putcha Janel pigilan mo 'ko tatadyakan ko tong anak natin" pagpipigil ni Ivan at ginulo-gulo ang buhok ng anak niya.

"Stop it, Ivan." Paalala ni Janel.


"You're tolerating my handsome son, Janel" sabi ni Ivan at ngumisi.


"Shut up, dad. Hades is not handsome" iritadong sabi ni Hera at inirapan si Hades. Binelatan lang naman ni Hades si Hera at nginisian.


Natatawang pinagmasdan ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak at tunay na natutuwa silang nagkaroon sila ng dalawang anak na makakasama nila habang buhay.

Eto ang buhay ni Ivan at Janel ngayon. Masaya, kompleto at masagana. Wala ng mas sasaya pa sa buhay na mayroon silang dalawa. Sila yung tipo ng pamilya na masasabi mong perpekto. Dahil napupuno sila ng kasiyahan, kalokohan, biruan at pagmamahalan. Lahat ata ng pamilya sa mundo ay naghahangad na magkaroon ng pamilyang kagaya nila.


Ang love story ni Janel at Ivan ay nagpapatunay na hindi lahat ng bagay ay agad natatapos. Kung ipaglalaban at iingatan mo ang pagmamahal na meron kayo, masasabi nating ....... Totoo nga ang TRUE LOVE.


Falling in love with your bestfriend is the best thing ever.


"I love you, Madam" he whispered and smiled.


"I love you too, Boss" she said and smiled too.




----- THE END

Kapitanbitter signing off

Bestfriend «Salameda Series I»Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon