Chapter 36

376 7 0
                                    

Nakahiga ako sa mga braso niya habang ang mga mata niya ay nakatutok sa TV. Patuloy ang paghaplos niya sa balikat ko gamit ang malaki at mainit niyang kamay.

Ganun ang eksena sa dumaang mga araw. Imbes na lumabas kami para pumasyal ay mas ginusto kong nasa kwarto lang kami.Gusto kong sulitin ang natitirang panahon para makasama siya.

Napatingin ako sa cellphone kung tumutunog, mabilis na inabot naman ito ni Tristan at binigay saakin.

Naramdaman ko ang kaba ng makita ko ang pangalan ni lola sa screen, damn. Umayos ako ng upo bago sinagot ang tawag.

"Lola, Hello po"

((You're coming back here right? In three days.))

Pumikit ako bago kinagat ang labi, sumulyap ako kay Tristan. Nakatitig ito saakin, tumaas ang isa niyang kilay.

"Yes po." Tipid kong sagot.

Umiling ako sakanya bilang pagsabi na ayos lang ako. Tumayo ako sa kama bago humakbang palayo sakanya.

((Nasabi mo na ba iyon sa nobyo mo?))

"H-Hindi pa po."

((You should tell him, Kristine. Mauubusan ka ng oras.))

"Sasabihin ko rin naman po." Huminga ako ng malalim. "I just need time."

((I gave you time, Kristine. Don't start a war again.))

"I promise po, sasabihin ko rin."

((You better tell him that now, Kristine. Tell him.))

Frustrated kong ginulo ang buhok ko ng narinig ko ang pagpatay ni lola sa tawag.

Gusto kong umiyak pero wala ng luha ang lumalabas sa mga mata ko. Pagod na ako, sobrang pagod na ako.

This is not healthy anymore. Napatalon ako ng maramdaman ko ang pagyakap ni Tristan saakin mula sa likod.

"You fine?" Nagaalala ang boses niya.

Tumango ako. "Ayos lang." Magiging ayos rin, humarap ako sakanya.

"Can I wish?" Bulong niya sa tainga ko.

"Basta ba ay kaya ko." Just don't ask me to stay, nagiwas ako ng tingin.

"Let's go out later." Humarap ako sakanya, mapupungay ang kanyang mga mata.

"Namiss ko itong parke na ito." Iginala ko ang paningin ko sa tahimik na Park.

Umupo ako sa swing bago dahan-dahang tinulak ito. Humalukipkip si Tristan sa harap ko.

Hindi ko alam na dito niya pala ako dadalhin, this place means so much to me.

Pumikit ako habang inaalala ang mga pangyayari dito noong mga bata pa kami.

FLASHBACK

Nakapikit ako habang idinuduyan ang swing na inuupuan ko, nilalanghap ang hangin na humahampas sa mukha ko.

"Hoy! That's my swing!" Iminulat ko ang mata ko bago itinigil ang pagduyan.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon