Third Person's View"Anak!" tawag ng nanay ni Shaira sa kanya. "Ano po yun nay?" tanong ni Shaira at bumaba galing sa taas. "Ibigay mo nga to sa kapitbahay natin" sabi nito at binigay kay Shaira ang isang bowl na may sabaw. Shet! nandun si Chenle! "eh ma.. ikaw nalang magbigay, nahihiya ako eh" sabi nito at pinukpok ito sa ulo ng nanay niya. "nahihiya ka pa talaga eh noh? bakit type mo ba yung si Chenle?" tanong ng nanay niya. "Tingin ko nga rin type niya yung batang yun" sabat ng kuya Kun ni Shaira. "Kuya!" sigaw nito. "Hindi ko nga kasi type si Chenle, Anuba!" sabi nito at lumabas para ibigay ang sabaw.
*knock knock*
"Magandang umaga p---" naputol ang sinabi ni Shaira ng makita niya na si Chenle ang bumukas ng pinto. Ngumiti naman si Chenle. "Naparito ka?" tanong nito. "P-pinapabigay ni n-nanay" sabi nito na nauutal. "Pakisabi nalang kay tita na salamat" sabi nito at kinuha yung bowl. "Sige una na ako" sabi ni Shaira. "Goodbye" sabi ni Chenle at kinindatan si Shaira.
---
9:37 am
Chenle: Grabe yung mukha mo kanina, ang pula😂
Shaira: Ikaw naman, nakakadiri ka! kumindat pa!
Chenle: Kinilig ka naman ;)
Chenle: oo nga pala, bakit mo ako binlock?
Shaira: Yung joke mo kasi eh
Chenle: sobrang nakakatawa ba kaya binlock mo ko?
Shaira: Gusto mo iblock kita ulit?
Chenle: Joke lang, alam mo na mang joker ako diba?
Shaira: may joker bang hindi nakakatawa ang joke?
Chenle: awts! you hurt my feels!
Shaira: Hurt my feels daw😂
Chenle: Tse!
Shaira: Tse ka rin!