A/n: Flare Joshel At the multimedia.
This is dedicated to my friend Sheng. Thanks for motivation girl.
DISCLAIMER
THIS IS A WORK OF FICTION PRODUCED BY AUTHOR'S WILD IMAGINATION. PLEASE DO NOT COPY OR PLAGIARIZE. ANY RESEMBLANCE TO AN ACTUAL INCIDENT IS PURELY COINCIDENTAL.
THIS IS NOT EDITED SO PLEASE TOLERATE THE TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS.
One: Daydream
Lumabas ako mula sa elevator ng school namin. Inaabangan ako ng mga students sa labas, may nag-abot sa akin ng bouquet of flowers. Nginitian ko siya pero binulungan ko siya na 'wag nang umasa, hindi ko siya magugustuhan. Iniwan ko siya ngunit sinundan pa rin ako ng ibang lalaki. Lahat ng madadaanan ko , sinusundan ako ng tingin. Naririnig ko pa ang ibang babae na nagsasabing ang ganda ko raw. Nginingitian ko lang sila, hinawi ko pa ang buhok papunta sa likod.
Habang naglalakad ako papuntang library naririnig ko pa ang saliw ng tugtog na nanggagaling sa broadcasting department namin- can't take my eyes off you.
I am Flare Joshel Garcia, maganda, sophisticated, maputi, makinis, at matalino. I'm good at everything. Sports, academic, curricular activities, name it. I'm also popular and all of the students respects me because I'm their student council president.
Who says nobody's perfect? Ano ang tawag niyo sa akin?
"Miss! Tatamaan ka ng bola!"
Napaangat ako ng tingin nang may marinig ako na boses ng isang lalaki.
Haa?ano raw?
Huli na para makaiwas pa ako, tumama sa mukha ko ang bola galing sa mga varsity player na naglalaro doon sa basketball court ng school namin. Natumba ako, nauna ang pwet ko sa pagbagsak pagkatapos ay naitukod ko ang kanang siko ko, tumalsik ang libro na binabasa ko kasama ang eyeglasses ko. I touched my head, umiling-iling ako para maialis ang sakit ng ulo ko pero walang nangyari.
Aaahhh,ang sakit naman!
Gumulong ang bola sa gilid ko.
Ang bolang may kasalanan ng naudlot kong introduction. Marami pa dapat akong sasabihin!
Lumapit sa akin ang tatlong lalaki na naka- jersey. Nag-aalala silang lumapit sa akin, lumuhod sila ng bahagya para makita ang itsura ko.
"Miss,okay ka lang?"tanong ng lalaki na sumigaw kanina sa akin. Nakablue jersey siya, naka bandana siya ng white, medyo nakataas ang buhok niya.
Hindi ako makasagot, masakit parin ang ulo ko eh.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...