Chapter 47

168 3 0
                                    

Steffi's Pov:

"How are you?"

Pilit akong napangiti sa pinsan kong si Nica nang tabihan niya ako. Kasalukuyan na kaming nakaupong pareho sa buhangin habang sabay ring pinagmamasdan ang papalubog na araw at alon ng dagat.

"I miss him. I miss my husband so much.."

Kitang kita ang awa sa mga mata niya nang ngitian niya ako pabalik. "Everything will be okay.."

"K-kailan?"

"In the right time."

"Sobrang miss na miss ko na siya.. Gustong gusto ko na siyang makita, Nica"

"Be strong Steffi. Again, magiging okay din ang lahat. Maybe its when the both of you are fully healed."

"I hurted him."

"And he also hurted you."

"I love him.. so much."

"I'm sure he loves you too."

"C-call I call him?"

"Steffi---"

"Please.. Gusto ko lang marinig ang boses niya. Hindi ako magsasalita, promise."

Napabuntong hininga siya. "No, Steffi. Remember what he told you before he gave you a space?"

Pumatak ang munting luha sa mata ko nang maalala ko ang araw na iyon.

[FLASHBACK]

"Steffi, Iha.."

Mabilis akong napatayo at agad na nilapitan si Ninang na kakalabas lang ng kwarto ni Nerd. "How is he, Ninang? Is he okay?"

Pilit siyang napangiti. "He's already fine Iha. He only needs to rest."

Agad akong nakahinga ng maluwag. "G-gising na po ba siya? P-pwede po ba akong pumasok sa loob?"

She nodded. "He's also awake now. Actually, kaya ako lumabas dahil pinapapasok ka niya sa loob."

Bigla akong kinabahan. Ganunpaman, mas nagingibabaw pa rin sakin ang tuwa. "S-sige po Ninang.."

Huminga muna ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto niya. Nang tuluyan ko nang makita ang mukha niya ay agad ring nagtama agad ang mga mata namin na para bang inaasahan na niya ang pagpasok ko.

Napangiti ako nang makita kong maayos na ang kalagayan niya. Nakaupo na siya sa kama at bumalik na rin ang kulay ng labi niyang sobrang putla kanina.

Naging mabagal ang hakbang ko, pareho kaming nakatitig sa isat isa na para bang napakatagal naming hindi nagkita. At nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya ay mabilis kong tinapon ang sarili ko sa katawan niya saka ko siya niyakap ng sobrang higpit.

"I'm so sorry, Nerd.. Sorry.." madamdamin kong sambit saka ako lumayo para mahawakan ang mukha niya. "Babawi ako okay? Aayusin ko lahat ng to, babalik na ulit tayo sa dati--"

"Maghiwalay muna tayo."

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko nang dahil sa tatlong salita na narinig ko mula sa kanya. Ni hindi ako nakakurap, hinihintay kong bawiin niya ang sinabi niya.. na sabihin niyang nagbibiro lang siya, hinintay kong sabihin niyang nagkamali lang siya ng sinabi pero nakalipas ang ilang minuto ay hindi na rin siya nagsalita pa.

Parang unti unting napuputol ang ugat sa puso ko, para bang humihina ang tibok nito at unti unting pinipiga sa hindi malamang dahilan.

Sa tatlong salitang yun, nawala ang buhay ko.

Magugustuhan mo rin ang

          

"We need this." sabi niya pagkaraan ng ilang minuto. Nanatili akong nakatulala sa kanya, hindi maproseso ang mga sinasabi niya. "You've changed a lot. I want my wife back. My strong Steffi, my sweet love, my cool partner and my funny wife. I want all of them back."

"I-it's me. I didn't leave, i'm still here--"

"No, you're not my Steffi. Wala akong asawang mahina."

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko dahil sa mga salitang binibitawan niya. Sa bawat linyang nanggagaling sakanya, parang paisa isa iyong bumabaon sa dibdib ko.

"A-ako lang ba... ang nagbago?" mabilis niyang iniwas ang tingin niya sakin. "Yung Nerd ko, sinusuportahan ako sa kung anumang gusto ko. Yung Miggy ko, ginagawa lahat ng gusto ko, mapasaya lang niya ako. Yung mahal ko, hindi ako iniiwang mag isa sa laban ko, at yung lalaking mahal ko, hindi ako sinusukuan kahit nakakapagod na ako.. higit sa lahat, ako lang ang mahal niya, hindi siya nahulog sa iba.. sa paningin niya, ako lang ang reyna. I a-also want my husband back.."

"Nawala siya, nung mawala ka."

"T-tapos ano to ngayon, l-lalo mong ilalayo sakin ang sarili mo?"

"K-kailangan natin to, Steffi. Hindi na tayo tulad ng dati--"

"Magagawa nating bumalik sa dati! Wag mo lang ako susukuan Miggy! Hindi ang paghihiwalay ang makakatulong satin, tayo lang mismo ang makakaayos nito!"

"N-napapagod na ako.."

Marahas kong pinunasan ang mata ko nang magtuloy tuloy sa paglabas ang mga luha ko. "G-ginawa ko ang lahat para hindi ka mapagod, ni hindi kita binigyan ng problema, inako ko lahat Miggy..  sinalo ko lahat dahil ayokong marinig yang salitang yan mula sayo.. h-hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko para sayo?"

"Yun ang mali Steffi, sinalo mo lahat.. inako mo lahat.. prinotektahan mo ako na hindi mo na naisip na kailangan rin kitang protektahan--"

"...Na hindi ko naman kailangan dahil kaya ko nang mag isa!"

"Edi sayo na rin nanggaling.." pilit siyang napangiti. "..Na kaya mo mag isa."

"H-hindi ganun ang ibig kong sabihin--"

"May sakit ako. Oo, malubha ang nararamdaman ko, delikado ang dinadala dala ko, hindi biro ang kalagayan ko.. pero Steffi, asawa mo pa rin ako. Kahit may sakit ako, gusto ko pa ring tumulong sayo."

"I-isa lang naman ang hinihiling ko sayo.. ang m-manatili ka lang sa tabi ko--"

"Pero hindi ganung tulong ang gusto ko."

"N-nerd naman.."

"Gusto ko magkaroon ng papel sa buhay mo Steffi. Binigyan mo ako ng karapatan sa buhay mo pero hindi mo ako pinapayagang makialam sa mundo mo. Para mo akong kinukulong.. na sobrang limitado lang ang kakayahang gumawa ng bagay bagay sa paligid mo. Hindi ganun ang gusto ko, hindi ako masaya--"

"Its just your pride! Feeling mo kasi natatapakan ang pride mo, na ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ko."

"Maybe yes, its my pride. Its every man's pride. Gusto namin na kami ang prumoprotekta sa babaeng mahal namin, gusto namin na kami ang nag aalaga sa kanila, na kami ang nagpapasaya sa kanila. Pride? Siguro oo, ganun naman talaga diba? Kaming mga lalaki naman talaga dapat ng gumagawa ng paraan para mailayo kayo sa lahat ng bagay na makakasakit sainyo."

"Pero hindi ganung klaseng lalaki ang kailangan ko."

"Pwes, hindi ako ang kailangan mo."

Agad akong natigilan. Nagsisimula na namang bumagsak ang mga luha ko. "N-nerd.."

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon