ROQ 1: Erstwhile

80 3 0
                                    

Erstwhile: Ninna's POV



Nasa labas ako ng lab ngayon at iniisip ng mabuti ang maaaring nangyari noong araw na nagpakamatay o kaya ang araw na pinatay si Lorenz.

Pinagmamasdan ko mabuti ang paligid at hindi ako makakita ng paraan kung paano siya makakatalon o makakaakyat sa mataas na harang nakapalibot sa buong third floor. Kung aakyat naman siya kailangan ng isang upuan o maapakan niya para tumaas ang pwesto niya, pero ayon sa imbestagasyon wala naman daw nakitang kahit na ano mula sa pwesto ng pinagtalunan niya. Tinanong na rin namin si Joy sa nakita niya, sabi niya hindi daw niya gaanong napansin dahil sa takot at pagkagulat. Hindi naman namin siya masisisi lalo na't nasaksihan niya ang hindi kaaya ayang pangyayari.

At Iisa lang ang ibig sabihin nito maaaring hindi siya nagpakamatay.


Kung pinatay man siya parang imposible naman na itulak lang siya. Mahirap maitulak si Lorenz dahil malaman ito at isa pa malaki siyang tao. Matangkad at may matipunong pangangatawan. Maaari din na mapansin iyon ni Joy dahil mula sa pwesto niya kung saan niya nakita ay kitang kita ang lahat ng tao dumdaan sa pasilyo sa third floor.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob at labas ng lab. Isa pang nakakapagtaka eh yung oras na andito siya. Ano namang gagawin ni Lorenz sa lab sa oras ng umaga kung lahat ng lab classes ay sa hapon?

Hindi rin officer ng chemistry club si Lorenz. Kaya hindi naman siya maaaring ipag-set up ng mga gagamitin para sa klase. Wala kasing ibang inuutusan ang teacher namin kundi ang mga officers lang para daw iwas ang pagkabasag ng mga bote na may chemicals, para daw maging maaayos lahat.

Ang isang alam ko lang naman patungkol kay Lorenz ay, mahilig siya sa chemicals. Maalam ito at paborito ang asignaturang Kimika.

Hindi ko talaga maisip kung paano siya namatay, may nawawalang piraso ng palaisipan at kailangan ko itong mahanap at malaman.

Konektado kaya ito sa kaso ni Marion?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Nagpunta ako sa paborito kong tambayan kapag oras ng pahinga. Naabutan ko na roon ang isa sa mga kaklase ko na si Jennifer. Tila ba katulad ko ay nag-iisip ito ng malalim.


Nilapitan ko siya at kinalabit.


"Andito ka na pala." Isang tipid na ngiti ang hatid niya sa pagdating ko.

Agad ko rin naman itong ginantihan.


"Saan pa nga ba ako paroroon, eh eto lang naman ang nag-iisang tambayan ko kapag wala akong magawa. Ano ba yang iniisip mo at parang ang layo ng tingin mo kanina?"

Lumingon siya sa mga mata ko, kitang kita ko ang lungkot na bumabalot dito.


"Iniisip ko lang yung mga nangyari, hindi ko lubos maisip kung bakit ba ito nangyayari, bakit sa atin?"


Nagtaka ako sa sinabi niya, nangunot ang noo ko at bigla naman itong umiwas ng tingin.


"Kung mapapansin mo sa klase lamang natin ito nangyayari. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito o nagkakataon lang."


Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. May punto siya, bakit nga ba sa amin lang nangyayari ang mga ito?


"Kahit na ako ay naguguluhan din, Jen."


Yumakap ito sa akin at isiniksik ang mukha sa aking leeg. Naramdaman kong nabasa ang aking mga leeg.


"Hindi ko alam pero natatakot ako. Paano kung si Jayperson ang pumatay kay Marion? SIno ang isusunod niya? Natatakot ako, Ninna..."


Revenge of Quietus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon