Nung lumapit si Saralthea sa mga nagkukumpulang mga estudyante, nakita nya ang pinsa nyang si Niecely kasama ang mga maldita nyang kaibigan. Mukhang may inaaway na naman silang estudyante.
"So ikaw pala yung bagong transferee dito?" narinig niyang sabi ni Niecely.
Tinignan nya kung sino na naman ang inaaway nito. Nakita nya ang isang babaeng nakasuot ng salamin, kulay berde ang dulo ng buhok na hindi pantay ang pagkakapusod. Napaka-wierd naman ng itsura nya. Nakayuko ito at hindi umiimik.
"She's so pangit naman. And look oh, so cheap!" maarteng sabi ng isang kaibigan ni Niecely sabay irap sa babaeng nerd, Fiona yata ang pangalan nun.
Dinedma lang siya ng babaeng nerd at akma ng tatalikuran sila nung biglang hinila yung braso nya ni Niecely.
"Aba't ! San ka pupunta? Wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" pananakot nito sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa braso ng babae. Napangiwi ito sa dumidiin na kuko ni Niecely sa braso niya.
"A-ano ba? Nasasaktan ako. Tama na." nagmamakaawang sabi ng babe. Hinigit nito ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Niecely.
Kinuha ng isang kasama ni Niecely ang mga librong hawak ng babae pagkatapos ay inihagis niya ito sa sahig. Hinila nung babae yung braso niya sa pagkakahawak ni Niecely at akmang pupulutin ang mga libro niya pero pinagsisipa nila ito at mas lalong nagkalat sa sahig. Nagtawanan naman yung mga ibang estudyante na nanunuod sa pambubully nina Niecely sa babaeng nerd.
Napakuyom ng dalawang palad si Saralthea. Nakaramdam siya ng matinding init sa katawan niya. Nagagalit siya sa pambubully na ginagawa ng kanyang pinsan at mga kaklase nito sa babae.
"ITIGIL NYO NA YAN!" pasigaw niyang sabi.
Napatigil sa pagtawa ang mga estudyanteng nanunuod pati narin sina Niecely at mga kaklase nito. Napalingon silang lahat kay Saralthea, masama ang tingin ng mga ito sa kanya. Napalunok siya sa sobrang kaba.
Ano ba itong ginagawa ko? Nakakatakot yung mga tingin nila sakin. Para nila akong kakainin ng buhay. Katapusan ko na ba ito? sabi niya sa kanyang isip. Bahagya siya nakaramdam ng pagkamanhid sa kanyang pagkatayo. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"Anong sabi mo?" nakapamewang na tanong a kanya ni Niecely.
Humugot na malalim na hininga si Saralthea. Kailangan niyang panindigan ang kanyang ginawa. "Niecely, tama na. Wala namang ginagawang masama sa inyo yung tao." mahinahong sabi nito sa pinsan. Hindi niya ipinahalata na kinakabahan siya.
Lumapit ang grupo ni Niecely sa kanya, nagsitabihan naman ang mga estuduyante na nanunuod sa kanila mula pa kanina.
"And who you think you are? Para utusan akong tumigil ha? I can do whatever I wan. Kaya ikaw wag kang pakialamera!" inis na sabi nito sa kanya sabay hila ng buhok niya.
Napangiwi si Saralthea sa sakit ng pagkakahila sa buhok niya. "A-aray! Niecely! Please itigil mo na yan." napahawak siya sa kanyang buhok na hinihila parin ni Niecely. Pilit niyang kinukuha yung pagkakahawak ni Niecely rito. Ang sakit na ng ulo niya sa sobrang kakasabunot ng pinsan niya. Sa sobrang sakit ay hindi na niya napigilan ang sarili niya, naitulak niya si Niecely ng napakalakas. Natumba tuloy ito at nasubsob sa sahig. Nagulat siya sa kanyang nagawa. Hindi nya alam kung pano niya natulak ng ganun kalakas si Niecely.
"Sinabing tama na eh!" pasigaw nitong sabi kay Niecely. Ang mga bilugang mata nito na kulay berde sa kaliwa at pula sa kanan ay biglang nagbago, naging kulay pula ito lahat. Waring nagngangalab na apoy. Nagulat si Niecely sa nakita, bigla itong parang natakot.
Nahimasmasan naman si Saralthea sa kanyang ginawa. "I-im sorry Niecely, hindi ko sinasadya." sabi nito sa pinsan. Tutulungan niya sana itong makatayo pero kinabig lang ang kamay niya.
"Wag kang lalapit sakin! Halimaw ka! Freak!" sabi nito sabay tayo. "Humanda ka, isusumbong kita kay Mommy!"
Naglakad na sila papalayo. Nagsi-alisan narin yung ibang estudyante na nanunuod sa kanila kanina. Nakahinga ng maluwag si Saralthea. Naalala niya yung babaeng nerd na binubully nina Niecely kanina. Tinignan niya ito at nakitang pinupulot parin yung mga libro niya na nagkalat sa sahig. Tinulungan niya ito sa pagpupulot.
"Salamat Saralthea." sabi ng babaeng nerd sa kanya matapos nilang pulutin lahat ng libro. Napakunot-noo siya sa sinabi ng babae. Napaka-weird. Bakit niya alam ang pangalan nito gayong ngayon palang naman sila nagkikita.
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong nito sa kanya.
"Ha? ahh.. ano kasi narinig ko lang kanina dun sa ibang estudyante. Ako nga pala si Era." Iniabot nito ang kamay kay Saralthea para makipagkamay, tinanggap naman nya ito.
"Ahmm.. diba transferee ka? Sa anong klase ka pala papasok?" tanong ni Saralthea.
"Sa klase mo. Magkaklase tayo." sagot naman nito.
"Talaga? Wow. Ang galing naman. Magkaklase pala tayo." masayang sabi nito. Tumango lamang si Era sa kanya.
"Ahmm. Saralthea, bago lang kasi ako dito eh, wala akong kakilala. Pwede ba kitang maging kaibigan?" nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Oo naman!" Labis ang tuwang nararamdaman ni Saralthea dahil sa wakas at meron na siyang kaibigan.
"Tara pasok na tayo?" pag-aaya nito kay Era. Nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng classroom.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
@Poet Princess
Buti nga sayo Niecely! Ang bad mo kasi. HAHA BUT weytt.. ano itong nakita ni Niecely na pagbabago sa mga mata ni Saralthea? Bat nagkulay pula? May sore eyes ba siya? haha
at sino naman kaya si Era? Anong magiging papel niya sa buhay ng ating bida? Is she really a FRIEND or FOE??
lalalallallaallllalaalalaaaaaaaaaaaa..... HAPPY Holly Week. ^_^
YOU ARE READING
Saralthea: The Chosen Firebender
FantasyAko si Saralthea. Ang piniling tagapangalaga ng elemento ng apoy. Lumaki ako sa mundo ng mga tao. At ngayong nasa tamang gulang na ako, panahon na para malaman ko ang buo kong pagkatao ko. Panahon na para bumalik ako sa tunay kong mundo at harapin a...