"Kung kaya mo, kaya ko rin"

382 9 0
                                    

by: Carl Joshua De Vera

Lumipas.
Naglaho.
Lumisan.

Oras.
Pagibig.
Ikaw.

Tanda mo pa ba? Nung magkatinginan ating mga mata na para bang kahit anong unos ay di na tutuloy dahil anong ganda ang sa atin nangingibabaw.

Tanda mo pa ba? Ang mga oras na ginugol ko sayo habang ang oras mo ay matiyagang binabaling mo sa iba.

Tanda mo pa ba? Ang mga pangungulit ko sayo't pagpapapansin na kahit di mo pinapansin buo na ako makita ka lang masaya.

Sana tanda mo pa ang iniwan mong sakit habang ako'y naghihintay sayo't nakakapit pa. Sana tanda mo pa ang pagalis mo ng di nagpapaalam na mas nadama ko pa nung sa kaibigan ko pa nalaman na aalis ka. Sana tanda mo pa ang sabi mong huwag maniwala sa sinasabi ng iba habang pinaniniwala mo ako sa mahika ng pagibig na may ikaw at ako sa huli pero ilusiyon mo lang pala.

Patawarin mo ako mahal kung araw araw kitang minamahal.
Patawarin mo ako mahal kung hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman.
Patawarin mo ako mahal kung sa araw araw di ako nagpaparamdam kasi ang gusto ko lang naman ay ako naman.
Patawarin mo ako mahal noong ako ang unang lumisan.
Patawarin mo ako mahal nung gabing isinuko ko ang lahat.
Patawarin mo ako mahal kung hanggang dito na lang.

Mahal ako'y pagod na. Sa ilusiyon ng pagibig na ikaw lang ang nagpunla.

Mahal ang sa ati'y tapos na. Parang pelikulang bitin dahil may kulang pa.

Mahal alam kong isang araw babalik ka. Oo babalik ka upang ipakita sa akin na nakaahon ka na sa sakunang dulot ng pagmamahalan nating dalawa.

Mahal oo malaya ka na. Malaya sa pangakong binuo nating dalawa.

Mahal mas kaya mo na. Mas kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa.

Mahal oo na. Oo na ang sagot sa tanong mong "Kailan mo ako palalayain sinta?"

Mahal sige na. Sige na pinapalaya na kita sa kulungan ng puso kong antagal kong ibinilanggo ka.

Oo Mahal sige na.

Ito na ang huling mga parirala ng pangungusap na may ibat ibang tugmaan na inalagaan pa mula sa baol ng puso kong nagkasapot na.

Mahal makinig ka.

Lumipas
Lumipas na ang oras nating dalawa na kahit kailan hindi na muling maibabalik pa na parang agos ng tubig sa batis na kapag dumaan na may iba ng agos dito ulet ay tatangay na.

Naglaho
Naglaho ang pagibig na ipinahiram sa ating dalawa na parang laruan nung bata ka pa na matapos ipahiram ay babawiin rin pala.

Lumisan
Lumisan si IKAW na parang buwan. Na aalis din pag dating ng araw.

Ngunit kahit

Lumipas ang ilang libong oras.

Maglaho man ang napipintong pagibig.

Lumisan man ang nagiisang ikaw.

Akoy nandito pa rin upang ipagpatuloy ang buhay ng may saya at galak. Dahil kung "kaya mo, kaya ko rin."

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon