Chapter 16: Captured

62 4 0
                                    

I decided to take a break sa trabaho kaya nag-leave ako ng dalawang araw. Wala naman akong plano or anything, gusto ko lang talagang magpahinga sa halos araw araw na OT, to sort things out and to clear my mind off from stress.

Friday and Saturday ang ni-leave ko para mas matagal ang bakasyon ko since restday ko ng Sunday and Monday. O, di ba? Therefore, four days ang magiging pahinga ko.

To start may day, nag-jogging muna ako, usual na palagi kong ginagawa tuwing walang pasok. Pagtapos ng halos isang oras na pagjo-jogging ay pupunta ako ng grocery pero kailangan ko munang dumaan ng ATM para mag-withdraw ng sweldo ko, wala na kasi akong pera sa wallet ko. Promise. Hindi na ako makakauwi pag hindi pa ako nag-withdraw.

Habang nagwi-withdraw ako, may nangyari sa ‘kin na hindi kanais-nais. Isang bagay na ayaw mangyari ng kahit na sino habang nagwi-withdraw. For me, I was dumbfounded when I read the message that flashed on the screen of the ATM.

CARD CAPTURED

Hindi ko alam ang gagawin ko, sarado pa ang banko at wala ring guard na nandoon. Grabe. Nagpapanic na ako ng mga oras na ‘yon.

Unang pagkakataon lang nangyari sa ‘kin ‘to kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Parang gusto kong sumigaw at magpapadyad pero alam ko naman na walang maitutulong ‘yun kaya pinigilan ko ang sarili ko.

Nang kumalma na ako, naisip kong umuwi na lang muna at mamaya ko na lang ire-report ‘yung nangyari sa card ko pag bukas na ang banko.

Halos maisabunot ko ang mga kamay ko sa buhok ko sobrang frustrations ng ma-realized ko na wala na mga pala akong pera, kahit pamasahe pauwi - wala.

Goshness! Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Pa’no na ako makakauuwi nito? Maglalakad? Pero ang layo ng bahay namin dito sa kinaroroonan ko. Hay! Ano pa bang ibang paraan?

Nakatayo lang ako sa may side walk. Nagiisip ng paraan kung pa’no ako uuwi. Naipapadyak ko na ang kanang paa ko sa pagkainis.

May mga tricycle at jeep na humihinto sa tapat ko na nag-aalok ng sakay. Hindi ko na lang sila pinansin, pa’no naman kasi ako sasakay, e wala nga akong pera. Buti kung pumayag sila na pasakayin ako ng walang bayad, baka nga sigawan pa nila ako pag ganoon. Jeez! Lord, please help.

Napagpasyahan kong maglakad na lang – that’s the best way - I guess. Maaga pa naman kaya masarap pang maglakad, isa pa, dagdag exercise rin ‘yun.

I was about to walk nang may nahagip ang mga mata ko, isang pamilyar na lalaki ang palabas ng drug store na hindi kalayuan sa lugar ko.

Is that really him or just my imagination? Nakumpirma ko na siya talaga ‘yun ng tinitigan ko siya ng matagal, malabo kasi ang mata ko at naka-salamin lang ako. Coincidence lang ba to o may dahilan kaya ko siya nakita. Lord, siya ba yung tulong na binigay mo?

Nakita kong lumapit siya sa sasakyan niya. Jeez! Mukhang aalis na yata siya. Ano ng gagawin ko? Lalapitan ko ba siya? Papatulong ba ako sa kanya? Gosh! Nakakahiya naman to.

I sighed deeply.

"Brian!" sigaw ko. Nilunok ko na ang pride ko at mabilis na lumapit sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa direksyon ko.

"Uyy! Alex." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa – saya? Tama ba ako ng nakita o imagination ko lang ‘yun.

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Uhm. N-nakita kasi kita kaya nilapitan kita," Nahihiya kong wika. Itinuro ko pa ‘yung lugar kung saan ko siya nakita. Gosh! Siguradong pagtatawanan ako nito pag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit ko siya nilapitan. Nako, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.

Alone No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon