CHAPTER15;
"Ehem. Ehem. Pre, ako naman." napalingon kaming dalawa sa nagsalita sa gilid.
Si Mike...
Ngumiti sa kanya si Nikko. Ibinigay naman niya ang kamay ko kay Mike. Isinayaw na ako ni Mike. Sinimangutan niya ako.
[A/N: play the video on the right side. Thanks! ]
"Kanina pa kita hinahanap. Nakikipag sayaw ka na pala sa iba." sabi niya.
"Iniwan niyo kasi ako ni Aubrey dun mag isa sa table. Tapos, ayun. Lumapit sakin si Nikko at inaya ako mag sayaw. Tumanggi ako. Pero tinawag niya ako sa pangalan ko. Tapos ayun, hini--!"
"No. No. Huwag ka ng magpaliwanag. Ikaw naman, Gab. Di naman kita pinag eexplain eh." pinutol niya na ako.
"Hmm." sabi ko nalang. Ngumiti siya sakin. Pero yung ngiting nakita ko, iba.
Malungkot.
"Ang ganda ganda mo talaga ngayon, Gab. Ang ganda ganda mo. Dalagang dalaga ka na pala. Di ko pa namalayan, samantala sampung taon tayong magkasama." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin eh. Niyakap niya ako.
"Hhaayy. Ang Prinsesa ko. Dalagang dalaga na." sabi niya pagkayakap niya sakin.
"Sigurado ako, maraming lalaking gusto kang maisayaw ngayong gabi pero natatakot sila sa gagawin mo sa kanila. Baka bago pa nila mailahad ang kamay nila para yayain kang isayaw, bugbog sarado na sila." sabi niya tapos tumawa ng mahina.
"Basta, sabihin mo sakin kapag may nagugustuhan ka na ha? Kapag may manliligaw sayo, kailangan, dumaan muna sila sakin bago sayo." tumawa ulit siya. Nagbabadya na naman ang luha ko na bumagsak. Lalo na kapag ganitong klaseng kanta pa yung background music namin habang sumasayaw. parang ipinapamukha ng kanta na 'to sakin na ibang babae ang gusto ni Mike at hindi ako. Hhaayy.
"Kapag nagka boyfriend ka na, huwag mo akong kakalimutan ha? Kapag sinaktan ka o inaway ka ng magiging boyfriend mo sa future, huwag kang mahihiyang magsumbong sakin. Ako na ang bahala dun. Ako na ang bahalang turuan siya ng leksiyon." pinakikinggan ko lang ang mga salitang sinasabi niya. Yung mga salita niyang dumidiretso kaagad sa puso ko.
"Kasi, ang tulad mong babae, ang isang tulad ni Gabriella Manlapaz... Hindi nararapat na masaktan. Hindi nararapat na makaranas ng mga masasakit na bagay. Kasi, ang Gabriella Manlapaz, para sa buhay ko, isang napaka halagang tao na kailangang ingatan. Isang kayamanan. Kayamanan sa buhay ko, na kapag nawala sakin, hinding hindi na mabubuo ang pagkatao ko." tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa mga sinabi niya. Napaka sincere. Ang sarap sa pandinig.
"Ang isang Gabriella Manlapaz sa buhay ng isang Mike Ezekiel Fajardo, ay parang kayamanan na dapat ingatan. Dapat alagaan, at hindi hayaang masaktan ng kung sino sino lang." patuloy lang siya sa pagsalita habang patuloy naman sa pagtulo ang mga luha ko.
"Ikaw, Gabriella Manlapaz, ang may pinaka malaking parte sa buhay ko. At hindi ko hahayaan na mawala ka nalang. Syempre. Prinsesa kita eh." dagdag pa nya. Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan ang luha ko.
"Ang isang Prinsesa din ay hindi dapat pinapaiyak sa masakit na paraan. Hindi nila dapat sinasaktan ang Prinsesa ko. Kasi ako, kahit kailan, hindi ako gumawa ng kahit na anong dahilan para saktan ka. Para masaktan ang Prinsesa ko." huminto ulit siya. Hinalikan niya ang noo ko.
"Sana, Gabriella, kahit na magkaroon ka na ng lalaking mamahalin mo, manatali parin ako sa buhay mo. Mananatili akong bestfriend mo. Na kahit ilang beses mo ng binubugbog, hindi ka parin sinusukuan at iniiwan." sabi niya. Niyakap ko nalang ulit siya.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)