Asia Jane Lee
"Ako na gagawa sa story niyo atsaka ako na bahala sa pagdidirect ng short film niyo." Nakangiting sinabi sa amin ni Alice.
"Thank you talaga! Basta bayaran ka nalang namin. Okay ba sa iyo?" Tanong ni Adria. "Nakakahiya kasi kung ikaw na gumawa ng lahat eh hindi ka naman member ng Mystery Club atsaka sa Computer Club."
"Hindi,okay lang. Huwag na kayo mahiya dahil kahiligan ko din gumawa ng ganitong storya." Anya niya. "Kung gusto niyo kayo nalang mag-film tas ibibigay ko nalang yung script."
"Sige! Sang-ayon kami diyan!" Singit ni Francis.
Nagsang-ayon ang lahat sa sinabi ni Francis at Nag-usap sila nang kaunti. Nagpaalam na si Alice at umalis na siya.
Kumuha pa kami ng scriptwriter sa Film Club kasi wala kasi isa sa amin magaling gumawa ng mga story pero si Francis, magaling naman mag-edit ng mga video . Kaya nga, president namin siya diba?
"Kailan tayo magsisimula mag-film?" Tanong ko sa kanila. Hindi pwede patagalin ito dahil sa 15 magsisimula yung foundation. Eh ano na date ngayon? 10 na! August 10 na! 5 days nalang.
"Hindi ko naitatanong sa kanya pero feeling ko matatapos na niya yung story bukas." Anya ni Adria.
Hay. Sana nga..
*KNOCK *KNOCK
Sino naman yung kumakatok?
Binuksan ko ang pintuan at nakasalubong sa akin ang dalawang babae na parang nag-aalala sila.
"Anong kailangan niyo?"
Bigla kumapit yung babae sa braso ko at ramdam ko nanginginig siya na parang may nawala na isang bagay sa kanya.
"Na--Na--Nawawala! Nawawala ang kaibigan namin!" Takot na anya ng babae.
Nawawala?
Ba't dito sila pumunta, eh may pulis naman dito sa Pilipinas..
Ah.. Mystery Club nga pala.
"A-alam ko na Computer Club siya!" Anya ng isang babae.
Computer Club?
Eh?
Lumingon ako kela Francis at natataka sila kung ano ang nangyayari dito.
"Secretary ng Comp. Club, pakitingin kung kumpleto lahat ng members at officer natin." Anya ko sa secretarya namin.
Kinuha niya agad ang papel at tiningnan niya yun kung sino ang absent ngayon.
"Vice President, kumpleto naman sa Officer natin pero dun sa members natin, Absent si Hydra Ellise Ocampo."
Hydra?
Nilibot ko paningin ko sa loob ng classroom.
Wala nga siya...
Bumalik muli ang tingin ko sa dalawang babae.
"si Hydra ba nawawala?"
"O-Opo!"
"Anong pangalan niyo?" Tanong ko. Baka sakali sa kanila dalawa ang culprit.
"Ako si Steph." Anya ng unang babae kumausap sa akin.
"Ako naman si Kiana." Anya ng pangalawang babae. " Magka-roommate kaming tatlo."
Roommate? So iisa lang sila sa room ni Hydra.
"Kailan niyo huli nakita si Hydra?"
"Nung isang araw, may ka-chat siya ata dun sa laptop ko. Lucifer ata yun. Tas kagabi,mga bandang 10pm, naramdaman ko na umalis si Hydra. Tinanong ko siya kung bakit siya lalabas, sabi niya may pupuntahan lang daw siya. Tas yun hanggang ngayon di pa din siya bumabalik." Pag-aalala ni Steph.
Nung isang araw, nag-group chat kami tas nung kahapon, nakita ko na present si Hydra sa club namin tas ngayon wala siya?
Eh? Di ko alam.
"Sige, magpahinga muna kayo. Sasabihin ko muna sa President ng Mystery Club ang nangyari para mabigyan ng aksyon." Anya ko.
Tumango sila at umalis na. Sinarado ko na ang pintuan at bumalik sa pwesto ko kanina.
Ramdam ko na may lumapit sa akin..
"Hulaan ko, Asya. May bagong case ba?"
Lumingon ako sakanya at bumalik ang tingin ko sa bintana.
"Oo. Nawawala yung ka-member namin." Seryoso ko sinabi.
"WHAAAAAAAT??!"
Maka-what naman 'to si Francis parang wala na bukas.
"si Hydra ba nawawala?" Tanong ng sekretarya namin. Tumango nalang ako at ramdam ko na natatakot siya.
"Guys! Kausapin niyo ang mga guard dito sa Cambrige University na may nawawalang estudyante at pahingi din ng litrato ni Hydra para ibigay sa mga guard."
Seryoso kanyanf tinig kapag sinasabi iyon.
Seryoso si Adria.
Sumang-ayon ang mga member ng Mystery Club, binigay agad ng secretary namin ang litrato ni Hydra at nagsimula na gumalaw except sa tamad na haliparot na hindi maganda sa kalusugan na si Winston.
Paano nila pinasok to?! Eh wala man lang ginagawa. Tss
"Anong gagawin natin?" Pag-aangal ko.
"Mag-iisip." Anya ni Adria.
"Ng ano?"
"Kung sino yung culprit.."
Huh? Paano malalaman kung sino yung culprit kung nakatunganga lang kami dito.
Ano 'to?! Hihintayin namin dito yung culprit?
Imposible pupunta dito yung culprit.
Tiningnan ko sila.
Halata sa kanilang mukha ang pag-iisip. Talagang iisipin nila kung sino ang culprit. Hindi ito nakakatulong kung mag-iisip lang, kailangan may gawa.
Kaya't tumayo agad ako na dahan-dahan at umalis din na maingat para hindi maistorbo ang pag-iisip nila sa culprit na yon.
Pagkaalis-alis ko sa apat na sulok na yun. Naglakad na ko nang komportable. Nilibot ko ang paningin ko.
Paano kaya kung may mahanap ako na clues dito?

BINABASA MO ANG
Mysterious Project
Mystery / ThrillerThe world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes - Arthur Conan Doyle