Chapter 4: I MISS YOU.

0 0 0
                                    

Kin's POV

Sabado ngayon at sobrang bored na ako dito sa bahay.

Nakahiga lang ako habang naglalaro sa phone, tutal wala pa namang binibigay na assignment sa amin. Tatayo lang ako kapag nagutom. hayst mababaliw talaga ako dito sa bahay. Parang mabibiyak ang utak ko sa pinagpipiliang desisyon kung lalabas ba ako o hihiga lang dito sa kwarto ko maghapon.

Iniwan kasi ako ng magaling kong kambal. makikipag-kita daw sya sa isang babae nya. tsk. buwisit na yun, uunahin pa yung babae nya kesa sa kapatid nya? malandi talaga yung kapatid kong yun. si mama naman nag-grocery.

I'm super duper bored over here. what to do? what to do? hahaha

Tumayo ako para kuhain yung laptop ko. maglo-login na lang ako sa mga accnt ko.

Pagka-login ko sa fb, may isa akong friend request. Pinindot ko naman agad yun. pagkakita ko si Nicory Niel Hernandez. accept ko ba? well wala naman sigurong masama diba? tutal friend naman na namin sya.

Inaccept ko na nga yung request nya, mago-out na sana ako kaya lang may nag pop-up na nga message. Yung isa kay niel, at yung isa naman kay Gab. una ko munang binasa yung kay niel.

Niel Hernandez: Thank you for the accept kin. 😊

Hahaha may emoticon pa talagang nag-blush. nagreply naman agad ako sa kanya.

Ryce Kin Almario: Your welcome Niel. :)

Matapos kong mag-reply binasa ko naman yung message ni gab.

Gabby Lee: Kiiiiinn!! labas tayo, i'm so bored na here, puntahan na lang natin si cha, tutal wala pa naman tayong assignment eh.

Nagreply lang ako ng 'okay' at nag logout na agad ako.Nagbihis lang ako ng black v-neck tshirt, nagsuot lang din ako ng short na maong at flat sandals. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga fashion fashion. Gusto ko kasi magsusuot ako ng alam kong kumportable ako.

Habang nag-aayos ako ng buhok ko, bigla naman nag-ring ang phone ko  pagkasilip ko si gab tumatawag, sinagot ko naman na agad.

"Hello gab? pababa na ako."

"Ok, sige! hintayin na lang kita dito sa gate niyo."

"Pumasok ka na kaya, baliw ka?"

"Hahaha hindi okay lang ako dito, bilisan mo lang bye."

'Binabaan agad ako? tsk'

Nagpusod na lang ak ng buhok ko, tutal mainit naman.

Pagka baba ko, naabutan ko si yuan na kapapasok lang. take note mga guys naka simangot sya. tsk. siguro hindi naka-score si yuan sa babae nya hahaha.

"Oh! yuan, bakit ka naka-busangot? ang panget mo tuloy hahaha."

"tsk. mukha ko talaga ang unang tinanong. hindi mo ba sasabihin sakin na 'Oh! yuan, saan ka galing? kadarating mo lang?' tsk! ganun dapat!"

"Bakit ko naman tatanungin eh obvious naman na kadarating mo lang?! tsk mag-isip ka nga. para kang baliw!"

"Tse! ewan ko sayo! badtrip!"

"Tse ka din! BAKLAAA!"

hahaha buwisit na to! Ayun na-una na nga syang umakyat ng kwarto nya, nilagpasan lang ako. ano bang problema nun?

Pagkalabas ko, naabutan ko si gab, nakasimangot din. Yung totoo ano ba talagang problema ng mga tao ngayon? hahaha

"Uy! Gab! ano namang problema mo din? Badtrip mga tao ngayon ah hahahaha"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right Here By My SideWhere stories live. Discover now