Chapter 17

6K 280 11
                                    

AN: Shanan! O see? Tuloy-tuloy no? O yung mga friends ko sa Pinas dyan, tara kitakits tayo, yay! Haha!

Btw, dedicated pala 'to kay Cara. Hoy, eto na, nakakahiya naman sa'yo eh. Ge, yun lang.

Enjoy.

============================================================================

PINING'S POV:

"What the f*ck was that, Charlie? Do you really think na papayag ako na makasama sa movie si Charity? Oo, pangarap kong maging artista pero ayoko syang makasama. AYOKO!" oo na, alam kong paulit-ulit ako pero nakakabadtrip na talaga.

"For the eighth time, Josephine, kailangan mong tanggapin yung offer ni Direk." sagot naman ng kapatid ko while rolling her eyes.

"I agree." sabi naman ni JT.

"At ang maganda pa don, may isa pang sikat na loveteam kayo na makakasama. As in loveteam na girl and girl din ha." nakangiting sabi naman ni Maybelle.

"I don't care. Papayag lang ako dun sa offer ni Direk kung hindi si Charity yung kasama." inis pa rin na sabi ko.

"Pero para sa kanya yung movie. Nirequest lang nya NOON na ikaw yung makasama." ayan na naman yung kapatid ko na hindi ko alam kung kanino ba talaga kumakampi.

"Pwes, sabihin mo kay Direk na maghanap na lang sila ng iba." sabi ko ulit.

"Ikaw nga yung hinintay diba?"

"Eh di hayaan na matengga yung movie." duh! Mamimili lang naman sila, ako, or si Charity.

Nakita ko naman na tumango-tango yung ibang mga kasama namin dito.

"Pero nakamove-on ka na naman talaga diba? Sabi mo." tanong sa akin ni Alexis.

"Ahuh. Matagal-tagal na rin. Halos kakarating ko lang sa US, hindi ko na sya naisip eh." pagsisinungaling ko. Hinding-hindi ako aami sa ibang tao na hanggang ngayon, naiiyak at nanghihina pa rin ako dahil kay Charity.

"And kung totoong nakamove on ka na, eh di dapat okay na lang na magsama kayo diba? Diba sabi mo din last time na past is past and wala na sa'yo kung ano man yung ginawa noon ni Charity, correct?" si Alexis pa rin.

"Oo, pero---"

"Pero natatakot ka na ma-fall ulit sa kanya? Or natatakot ka na malaman nya na hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove-on sa kanya?" napaawang naman yung bibig ko dahil sa sinabi nya. Ay wow ha.

"May point sya." aba, at sumang-ayon na naman sa iba yung kapatid ko. Seriously?!

"Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin na wala na akong kebs kay Charity. Na matagal na akong makamove-on. At isa pa, nagpapasalamat nga ako na naghiwalay kami dahil sobrang sarap at sobrang saya palang maging single." sabay ngiti ng matamis sa kanila.

"Oo nga eh. Halatang-halata yung happiness mo sa mga mata mo." sabay smirk pa ng walanghiyang Klarisse na 'to.

"If what you're saying is true, bakit parang may galit ka pa rin kay Charity? Diba sabi nila, kapag galit ka pa, may something pa rin. And base dyan sa pinapakita mo, mag-a-assume talaga kami na till now, sya pa rin yung nasa puso mo." aba, parang may gusto talagang patunayan 'tong Alexis na 'to.

"Wala na akong galit sa kanya. Hindi lang kasi talaga ako komportable na makasama sya or maka-eksena. Wala akong tiwala sa kanya eh." depensa ko ulit. Wala ba talaga akong kakampi dito?

"Hey guys, if she's not comfortable as she's saying, don't force her." napangiti naman ako kay Clarence. At least, may kakampi naman pala ako. "In time, makakamove-on din sya. Because clearly, she's still in love with Charity." okay, binabawi ko na. Wala talaga, solo lang ako sa laban na 'to.

          

"HINDI.NA.AKO.IN LOVE.SA.KANYA." dahan-dahan at madiin yung pagkakasabi ko para naman isa-isip at isa-puso nila.

Ngumiti naman ng nakakaloko sa akin si Klarisse. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Nakakainis kasi, noon, G na G sya kay Charity tapos ngayon, kinakampihan pa nya yung plano nitong si Charlie. Kung hindi ko lang talaga nakitang binulungan sya ng kapatid ko kanina eh.

Alam mo yung parang nagbago yung tingin nya kay Charity after non. Kala nila hindi ko napansin yon? Malalaman ko rin kung ano yung sinabi sa kanya ng bruha kong kapatid.

"Kung totoo yang sinasabi mo, eh di patunayan mo. Tanggapin mo yung offer ni Direk." nakasmirk na sabi pa ni Charlie.

"At kung hindi?" naghahamon na tanong ko. Tumingin din ako kay Klarisse na parang humihingi ng tulong. Sabi nya kanina diba, di ko naman kailangang patunayan kasi naiintindihan nya ako.

Pero ang katipunera, nakatingin lang sa kuko nya at halatang ayaw tumingin sa akin.

"Well, walang maniniwala sa sinabi mo na nakamove-on ka na. Lahat kami, iisipin na hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin kay Charity." sabi pa ng kapatid ko.

"No! Ayoko. Diba Klarisse, sabi mo kanina, wala naman akong kailangang patunayan? Eh bakit biglang nagbago yung opinion mo? Bakit ngayon parang gusto mo na akong ipagtulakan din kay Charity? Ano yung sinabi mo kanina, wala lang? Pinagtitripan mo lang ako?" nang-aakusang tanong ko sa babaeng napapaggitnaan nila Charlie at JT.

Agad naman syang tumingin sa akin at matamang nag-isip bago sumagot.

"Dahil naisip ko na kung mapapalapit ka kay Charity, may pagkakataon ka para gumanti sa kanya. Pwede mo syang akitin or paibigin tulad ng ginawa nya sa'yo noon tapos pag hulog na hulog na sya sa'yo ulit, sabihin mong gumaganti ka lang sa kanya." sabay smirk nya sa akin.

"What?!/What the hell?!/Klang?!" sabay-sabay na reaksyon nila JT, Charlie, at Maybelle.

Bigla naman akong napaisip sa sinabing yon ni Klarisse. Hmmm, pwede. Bakit hindi diba? Bakit hindi ko subukan iparamdam sa kanya yung sakit na pinaramdam nya noon.

At dahil busy ako sa pag-iisip ng mga pwede kong gawin, hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi ni Klarisse sa mga kasama namin. Basta nakita ko lang na tumango-tango yung mga kasama namin. Grabe, idol ko talaga 'tong si Klarisse. Ang bilis napapayag yung iba o! Astig.

"Sure ka naman ba na magwowork yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. May kilala ako na nagplano din ng ganyan noon eh." nakangiting sagot naman nya.

"And, successful naman?" tanong ko ulit.

Hindi sya sumagot pero ngumiti sya ng nakakaloko kaya ayun, nakatanggap ng hampas kay JT. Buti nga sa kanya. Dami pang arte, ayaw pang sumagot ng maayos.

"So go ka?" parang hopeful na tanong ni Charlie sa akin.

Sasagot sana ako na pag-iisipan ko muna dahil hindi naman kasi basta-basta yung gusto nilang mangyari. And mukhang nagsisi na naman si Charity so bakit ko pa sya kailangang saktan diba? At isa pa, di ko rin sure kung kaya ko ba syang saktan. Pero natigilan kaming lahat ng may may narinig kaming boses at tawa na sobrang pamilyar. Sabay-sabay kaming napatingin sa tv.

"So Charity, mukhang masaya ka ngayon ah. Totoo ba yung bali-balita na nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Coco?" narinig naming tanong nung host.

"Well, saka ko na lang po yan sasagutin kapag po pinanood nyo na yung movie naming dalawa. Pero tama po kayo, masaya ako ngayon. Sobrang saya po." at sa pagkakakilala ko sa kanya, sigurado ako na totoo yung mga ngiti na yon. Walang halong kaplastikan. Hindi yon dahil lang sa movie or sa show. So sure ako na masaya talaga sya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon