It was the end of summer break and a start of a new school year
Pag bangon ko mabilis lang akong naligo at at nagbihis ng school uniform pag baba ko ay andun si Mommy kumakain ng breakfast habang si Manang ay nasa kusina
Inimbitahan ako ni Mommy na mag almusal pero malelate na ko kaya binilin na lang ni Mommy kay Manang na pag baunin na lang ako ng makakain
Nag paalam na ko kay Mommy at Manang at umalis na. Nag pahatid ako sa aming driver sa school. Habang bumabyahe kami na tanggap ako ng text kay Zyron.
Zyron:
Where are you? Don't be late! I'll be waiting for you sa gazebo. Make it fast.Mabilis naman akong nagreply kay Zyron na para namang boss ko, hindi na kami masyadong nagkikita since the month before mag start ang classes naging busy na din siguro kami sa pag aayos dahil graduating na kami kaya minsan ay dinadala na din kami ng mga magulang namin sa opisina nila para iexplain ang mga kailangan naming gawin dahil kami na ang mag hahandle ng ibang part ng company after college pero matagal pa naman yun. And it's not like malaking kumpanya yung ihahandle ko, were not that big sa industry but our parents are business partners and our Mom's are bestfriends so we eventually became one too
Ako:
Yes boss!Mabilis lang akong nakarating sa school at pumunta agad ako sa gazebo para hanapin si Zyron. Agad ko naman syang nakita at nilapitan, tinanong kung bakit dito pa kami nagkita sa gazebo.
He looked at his watch before looking at me "Kilala mo ba si Janice?" Panic was evident sa kanyang mukha at hindi niya parin sinagot yung tanong ko.
"Ano bayan! First day na first day may death threats ka na agad sa mga babae mo"
"Just answer my question! Do you know Janice?" Halata parin ang takot sa kanyang mukha, actually he looks funny seeing him like this is quite unusual but I'm somehow enjoying this
"First of all wala kang karapatang magalit at sigawan ako dahil wala akong kinalaman sa mga problema mo. And second of all 'di ko kilala si Janice, I don't care who she is, and I don't wanna know who she is and whats her problem about you" Sabi ko na naka ngisi
"Well, itago mo na lang ako sakanya" he said. Zyron is really a big pain in the ass. Girls have a very big problem sakanya, well girls who cried their eyes out for Zyron dumping them with no acceptable reason. Those girl I don't know about them din bakit pa sila papatol kay Zyron even though they know na hindi naman siya nagseseryoso in the first place
Well I'm already used to him being like that, hiding from his ex flings with death threats for him and I totally lost count of them
Zyron isn't the flirty type, he just really catches the girls attention and little did I know He only had one serious relationship his whole life, his first girlfriend who dumped him and made him the big asshole he is right now.
"Tara na sa classroom" We're almost late
"Saglit! Halika muna dito. Hold my hand and pretend to be with me" he said habang sinusuot nya ang kanyang hoodie at sinuot din nya ang hood nito.
"Ayoko nga!" Ang sarap din niyang asarin knowing I'm his only chance right now
"Please!! Lilibre kita after class at papayag na ko na samahan kang mag shopping sa mall sa Saturday."
"Well at least tell me first what you did to Janice" sabi ko ng mahinahon
"Well.. I kinda got drunk with her and left her somewhere during the summer night out, and we saw each other across the hall and kinda realized we both study in the same school, but dont worry we're in different sections" he said nang pakampante, what can this girl do ba? why is he scared of her? hindi pa ba siya nasanay? oh well, basta sasamahan naman daw niya ko might as well take advantage of it.
I held his hand as we walk through the hallway. Nakayuko lang siya habanag ako naman ay iniiwasan and mga tingin ng mag tao na aming nadadaanan hindi naman kami ganon ka kilala sa school pero siguro weird lang kami tignan ngayon dahil sa ginagawa namin, para kaming may ginagawang krimen
Naka dating naman kami sa aming classroom ng matiwasay
Noong mga bata pa kami wala naman akong problema kay Zyron, infact siya pa nga ang namumublema sakin dahil lampahin ako at madalas akong binubully lalo na pag magkaiba kami ng sections dahil sa sobrang pagka mahiyain ko at ayaw kong nakikipag usap sa iba kaya lagi akong pinagtritripan ng mga kaklase ko at siya ang tagaligtas ko, well it's his job naman talaga to protect me ever since. Binilin ako ng Mom ko sakanya so wala siyang magagawa
Ngunit noong mga nakaraang taon nang simulang sumikat ang pangalan nya sa mga kababaihan ako naman ngayon ang namumrublema sa kanya para pagtakpan siya sa mga pinag gagagawa niyang kabalastugan sa buhay. I mean, disente naman siyang tao pero may mga desisyon siya sa buhay na pati ako hindi ko alam kung tanga lang ba talaga siya kaya niya ginawa iyon o sadyang hindi niya lang talaga alam ang tama at ang mali
Mabilis namang natapos ang first day namin siguro dahil first day nga kaya't puro introduce yourself lang kahit halos magkakakilala naman na kaming lahat dahil kami kami lang din naman ang mga magkakaklase simula pa noong mga nakaraang taon pero mayroon din mangilan ilan na bagong students
Pagkatapos ng klase namin kinaladkad agad ako ni Zyron palabas sa school namin at papuntang parking lot
"Hatid na kita" aniya
"'Di na! Magpapasundo na lang ako kay Manong baka di na ko maka uwi ng buhay sayo" He just got his license this year and I still don't trust him driving
"Let me! And diba lilibre pa kita?" sabay taas pa niya ng kilay
"Sige na nga! Saan tayo?"
"You choose"
Napagkasunduan naman namin na kumain sa isang cafe malapit sa school
Umorder ako ng isang frappe at isang cinnamon roll at chocolate donut, habang siya naman ay iced coffe lang at umupo na kami sa table malapit sa glass wall
Natapos kaming kumain ng walang imikan habang ginagawa namin ang requirements namin sa isang subject sa english na essay tungkol sa anong ineexpect mong mangyayari this school year
Pagkatapos naming parehong gawin ang mga requirements namin hinatid na niya ako sa bahay at bumaba siya saglit para bumati kay Mommy at umalis na siya
Umakyat na ko sa kwarto at nagshower at nagpalit na ng damit pang tulog
Abala na ako sa paghahanda para sa pagtulog ng biglang tumunog cellphone ko.
Zyron:
"Good night! See tomorrow sa gazebo"Di ko na siya nireplyan at naka tulog na rin ng mahimbing dahil na rin siguro sa pagod na dulot ng first day of classes at 'di pa nasasanay ang body clock ko para doon na kumpara dati umaabot ako ng madaling araw habang nag ce-cellphone lang at 'di rin ako masyadong lumalabas ng bahay noong bakasyon
Zyron... the kind of guy na gagawa ng hindi maganda pero 'di kayang akuin yung consequence. To the girl who made you end up like that "I hate you" now Zyron is a big pain in the butt and I blame you for all of that
But where are you though? and... who are you?
BINABASA MO ANG
Kaibigan Lang Talaga
Teen FictionBrielle Ann Montemayor: Siguro nga hangang doon lang? Wala na tayong magagawa if the feeling is not mutual Maybe just run away from it and forget. - Don't let your emotions decide for yourself.