Zeighjin's POV
"Ma, pupunta akong mall. Bibili ako ng bagong uniform" sabi ko habang nababa ako sa hagdan.
Nakita ko naman si moma na tumingin saken "Ayun sakto baby, may iuutos ako sayo" nakangiti sya na nakakaloko.
Dont tell me?!
"Dont worry, anak. Hindi na kita uutusan ng ganun" nahalata ata nya na kinabahan ako nung nabanggit nya yung 'utos'
Ngumiti ako "Akala ko naman moma. Kinabahan ako dun" natawa pa sya sa sinabi ko
FLASHBACK
"Anak, punta ka sa mall. Kunin mo yung gown kay tita marsha mo." si moma kaya sinunod ko.
@mall
"Tita marsha, yung gown po? kunin ko na daw po" nakangiti kong sabi kay tita. Sya ang may ari ng magagandang gown dito sa mall kaya di nakapag tataka na isa na rin syang mayaman
"Pumunta ka na sa fitting room. Ipapadala ko doon at sukatin mo" pagkasabi nya nun ay umalis na sya sa harap ko at pumunta dun sa office nya
Ako naman, nagtaka. Bat ko susuotin eh hndi naman ako nagpagawa? kay moma yun dba? pero wala akong nagawa kundi sumunod.
Dinala sakin ang isang gown na napakaganda. Sobrang ganda. Para kang isang prinsesa kung susotin mo 'to.
"Suotin nyo na daw po" sabi nung nagdala sakin ng gown. Tumango ako at sinara na ang pinto.
••
Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Sumakto sakin ang gown. Mukha akong prinsesa. Napapangiti na lang ako dahil sa bagay talaga saken.Lumabas ako at nadatnan ko si tita marsha na hinihintay ata ako lumabas.
Ngumiti sya. Abot sa tenga ang ngiti nyang 'yun. "Bagay na bagay sya sayo Zee" sabi pa nya
Nginitian ko din sya "Salamat tita. Magpapalit na po ako"
Nagsalubong naman ang kilay nya kaya kumunot ang makinis nyang noo "Huh? hndi ba sinabi sayo ng moma mo?"
Napakunot na din ang noo ko "Ang alin tita?"
"Yan na ang suot mo. Aalis ka dito ng naka gown na. Plano ng mama mo ito." Ngumiti pa sya
Ang sabi lang ni mama ay kunin ko ang gown. Wala sa usapan namin ni mama to. kaya tinawagan ko sya
"Ma? Ano to?"
"Utos ko yan anak a? wala ka ring choice kase wala na damit mo dyan hehe. Pagbigyan mo na si moma ah? Pleaseee?"
Pano ko hihindi-an si mama? hys
"Osige po" narinig ko pa syang nag 'yey' bago pinatay ang tawag
Wala akong choice at lumabas nako sa shop ni tita marsha at nagsimulang maglakad sa mall.
"Para syang baliw. Tumakas ba sya sa wedding nila?"
"Ang ganda nya pre"
"Naka gown sa mall? Wahahaha nahihibang na ata"
Iba iba ang naririnig ko habang naglalakad ako at alam kong pinagtitinginan ako dahil sa suot ko. Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil nahihiya nako
~ End of Flashback ~
"Anaaaaak? Wuhooo" nagulat ako ng hawakan ni mama ang balikat ko, dahilan para mapatawa sya
"Bilhan mo ng damit daddy mo. I trust your fashion."
"Why me moma? Dapat ikaw"
Napabuntong hininga sya "Gagawa ako ng kare kare para sakanya kaya ikaw na. Gora na baby. Bye" Tinulak pa nya ako papuntang pinto
YOU ARE READING
W A S T E D C H A N C E S
Teen Fiction'Take a chance because you never know how perfect something might turn out' But i failed. I am too late to take that chance. And i really regret it