Xastron (FTLLP) 3

7.1K 207 1
                                    

Violet Photo on Multi Media!

Yuri POV

Nasan ako?
Bakit nasa isang kwarto ako?
Nasa langit na ba ako?

"Wala ka sa Langit. "sabi ng isang boses sa likod ko napatigin ako sa likod ko at nakita ang isang babaeng nakaupo at nakatingin saakin. Teka siya yung nakita kong lumabas sa puno kasama ang mga kasama niyang mukang jeje!

"Ako si Sandra Lee 19."sabi niya.

Teka di ko naman tinanong name niya ah,
Pero siya yung babaeng kulay pula ang buhok. Sandra pala name niya.

"Teka nasan ba ako?"tanong ko.

"Nasa Xastron World ka at narito ka sa White academy."sagot niya. Napatingin ako sa kanya, part na naman ba ito ng panaginip ko o ano?

"Bakit ako nandito?"tanong ko.

"Dahil nararapat ka dito."sagot ng babaeng kulay White ang buhok,
Nagulat ako sa kanya dahil bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

Teka lahat ba sila nag pakulay?

"Oh i like your hair."sabi ng babaeng bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"Ah by the way i'm Collin Soo Air user."sabi ng babaeng white ang buhok na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

Teka air user? ano daw? naka drugs ba sila?

"Air? User?"tanong ko.
"Yep i can control air because i'm a air user."sabi niya. 

Hm inulit niya lang sinabi niya, at sa tingin ko ay hindi sila na drugs, siguro ay nakatakas sila sa mental.

"And i can move things."dugtong niya nagulat ako ng biglang gumalaw ang upuan na wala namang tao doon.

Teka nasa langit na ba talaga ako?
Bakit? Hayst panaginip nga naman! Sige enjoy mo nalang Yuri ang panaginip na to makisakay sa trip nila.

"And i will repeat i'm  Sandra Lee Fire user."sabi ni Sandra daw na fire user, naol user. Nakasinghot na ata talaga sila ng droga, kabataan nga naman.

"Hindi kami naka singhot, totoo ang sinasabi namin."sabi ni Sandra. 

"Pano mo?.."

"And i can read your mind."sabi niya, Mababaliw na ata ako dito.

Maya maya bumukas ang pinto at nakita ko na pumasok ang tatlong lalaki at ang tatlong babae.

Teka si Blue boy. Ang dahilan kung bakit nasa langit na ako.  Sa paanong paraan niya ako pinatay ng hindi ako nasasaktan?

"At sila ang mga kaibigan namin."sabi ni Sandra.

"And soon to be your friend."dugtong ng babaeng kulay brown ang buhok.

Anong meron?

"Guys introduce yourself."utos ni Sandra.

"Hi! ako nga pala si Shine Nam, Sun User."sabi niya siya yung babaeng yellow ang buhok.

Sun user? nakokontrol niya ang araw ganon? Wow ang galing ni panaginip.

"I'm Venus Kim  and I'm the healer!"sabi niya siya yung babaeng kulay orange ang buhok.

"I'm Sandy Lee, Ice User"sabi ng babaeng kulay brown ang buhok. Teka kaano ano niya si Sandra?

"She's my Cousin."sagot ni Sandy.

Teka nababasa niya rin ba ang iniisip ko?

"Yes i can read your mind too."sagot niya. Naol nalang. Ang cool pero nakakatakot mag tago ng lihim sa kanila mamaya ibuking pa nila.

"I'm Jorax Hyun, Water user." pakilala ng lalaking kulay Green ang buhok.

"Violet Wang, Spell user."sabi ng lalaking Violet ang buhok.

Hahaha halata naman sa kanya.

Napatingin ako kay Blue boy,
At sino naman siya?

"Yuan!"sigaw ni Sandy, Napatingin si Yuan daw saakin.

"Yuan Jong, Lightning and Fire user."sabi niya. Ang suplado naman niya.

"Wala bang drug user dito?" Tanong ko kaya nagkaruon ng mahabang katahimikan. Osige last na joke ko na yun. Mga panget ang ugali di nakiki ride.

Napansin ko parang may sarili silang kulay ng buhok, Nag pa parlor ba sila?

"Bakit ganyan ang kulay ng buhok niyo?" Tanong ko.

"Dahil ito ang simbolo ng kapangyarihan namin."sabi ni Jorax habang naka ngiti. Buti pa 'to ningingitian ako itong si Yuan akala mo naman pinatay ko buong pamilya niya sa sobrang lamig maka titig sa akin.

"Eh ikaw ba't ganyan kulay ng buhok mo kulay pink?"tanong ni Sandy.

"Nag pakulay ako."sabi ko. Teka nga pala hindi pa ba ako magigising?

"Hindi ito panaginip."sabay na sabi nila Sandy at Sandra.

Teka nga ano bang sinasabi nila?

"Ito ang mundo natin mundo ng mahika at mundo ng mga Wizards."sabi ni Venus.

"Hindi ka naman Black Wizard kasi nakapasok ka dito ng hindi manlang nasasaktan."sabi ni Violet. 

"At isa pa nag pakilala na kami sayo ikaw ba? Wala ka bang balak mag pakilala saamin?"tanong ni Shine. Oo nga naman.

"Ako si Yuri Park. "sabi ko.

"And?"tanong ni Jorax.

"Tapos na."sagot ko.

"Power?"tanong ni Sandra.

"Power? Nag papatawa ba kayo?"tanong ko. Kili kili powers pwede pa eh.

"Duh, lahat dito sa Xastron ay may power."sabi ni Venus.

"Isa lang akong ordinaryong tao at isa pa nagulat nga ako na nandito ako bakit nga ba ako nandito? dapat nasa mga kaibigan ko ako ngayun kaya please lang wag niyo ko sasaktan, ibalik niyo na ako sa mga kaibigan ko."sabi  ko.

"Sagutin mo muna kami anong power mo?"tanong ni Blue boy/ Yuan. Ang kulit ng lelang nento sabi ngang wala akong powers.


"Ughm hindi ko alam?"sagot ko.

"Sigurado ka di mo alam?"tanong ni Violet.

"Oo naman."sabi ko.

Nakita ko na naglabas si Sandy ng isang salamin na gawa sa yello.

"Oy teka pwede pahiram."sabi ko sabay kuha sa kanya tinignan ko ang sarili ko sa salamin ayus lang naman.

"Salamat."sabi ko.

Nakita ko ang itsura ni Sandy bakit? Masama ba na nanghiram ako sa kanya ng salamin?

"Bakit?"tanong ko.
Halos lahat kasi sila nagulat ng makita nila na nag salamin ako maliban kay Yuan na walang reaktion, ngayun lang ba sila nakakita kung paano mag salamin ang dyosa?

"Hindi..... Natunaw ang salamin."sabi ni Sandy.
"Huh?"tanong ko.

"Lahat kami dito hindi mahawakan ang gamit ni Sandy nagawa sa yelo dahil natutunaw agad,pero ikaw."sabi ni Venus.

"Anong ako?"tanong ko.

"Nahawakan mo ng hindi natutunaw."sabi ni Jorax.

"Isa kang Ice User!"sabi ni Sandy sabay yakap saakin. Nasa point ako ng buhay ko na mas gugustuhin kong maging drug user kesa maging Ice user. 

"Teka Ice user?"tanong ko.

"Oo tanging mga ice user lang ang nakakawak ng mga gamit ko ng hindi natutunaw."sabi ni Sandy sabay alis sa pa kakayakap saakin. Gusto ko na talagang umuwi.

"Pero teka bakit ba ako nandito?"tanong ko.

"Si Head mistress Na ang mag papaliwanag sayo."sabi ni Violet.

Teka kailan ako makakauwi ?

~~~~~
Plagiarism is a Crime!

Xastron (Finding The Long Lost Princess)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora