dedicated kay littlepeeker :)
****
So right away, pagkauwing pagkauwi ko. nag research na agad ako tungkol dito sa Kristoff Buenaventura na to. At ayon sa aking research. Isa siyang pure Filipino. Nung 17 years old siya nagpunta sila ng family nya sa Canada, at dun na siya nagsimulang magmodel. 19 years old siya nang sumikat sa Canada at 20 years old ng sumikat dito sa Pilipinas. Marami na rin siyang commercial na nagawa. So now he is 22 years old. Mas matanda lang pala siya sakin ng isang taon.
Ayon pa rito, magaling din siyang kumanta pero bihira siyang kumanta sa harap ng maraming tao. Ang kursong natapos nya ay business management. Yun lang. yun lang yung info na nakalagay dito sa net.
“Ui, Jas, bakit hindi ka pa natutulog dyan? Ano na naman yang pinagkakaabalahan mo?” paninita sakin ni Jyrille (Jay-ril) best friend ko yan. Sa iisang apartment lang kasi kami nakatira. Nasa province kasi yung family nya, at ako naman ulilang lubos ang peg, patay na kasi si Mama, at si Papa ---
“Oi, natulala ka na dyan? Sabi ko anung ginagawa mo?” tanung nya ulit sakin.
“wala nagreresearch lang.”
“nagreresearch? Nice research ha? Kristoff Buenaventura? Ayos yan Jas.”
Siguro naman okay lang na sabihin ko kay Jyrille yung tungkol sa trabaho ko diba? Sabi naman nya wag kong sabihin sa Iba at media. Hindi na rin naman iba si Jyrille sakin at higit sa lahat hindi siya isang media.
“Jy maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong nakita ko na to inperson?” panimula ko.
“sino? Si Kristoff buenaventura?” tanong nya.
“oo siya nga.”
Kinunutan lang nya ako ng noo.
“at magiging boyfriend ko siya?” dagdag ko.
Lumapit siya sa kin at hinawakan ang ulo ko. “wala ka naman lagnat? Hindi ka naman siguro kulang sa tulog. Hmmm. Alam ko na, sabi ko na gutom ka na no? may pagkain pa dyan sa mesa kumain ka na.” sagot nya. Kita mo tong kaibigan ko. ayaw maniwala sa akin.
“Jy seryoso ako. totoo ang sinasabi ko sayo.”
Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako ng masinsinan, parang naghihintay ng paliwanag, kaya ayun pinaliwanag ko na sa kanya. Kinuwento ko na sa kanya kung ano ang nangyari kanina. At ayun hirap na hirap maniwala sa sinasabi ko.
“nagdadrugs ka ba? Umamin ka nga sakin Jas.” Seryoso nyang tanong.
“hndi nga, ayaw namang maniwala. Basta mag-intay ka lang, kung sakaling makita mo ako sa t.v at mapabalita na girlfriend ako ni Kristoff, Pero ipangako mo na walang makakalam nito ha?”
Hirap man siyang maniwala pero wala naman siyang magawa, totoo naman kasi talaga yung sinasabi ko.
So the following morning….
“When you fly with me, let your heart believe dreams can take you anywhere if you just set them free...”
“Ay umagang umaga sino ba tong panira na to na tumatawag? Hayyy *O* *yawn* inaantok pa ko eh.” Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
0915698**** calling…
“hello? *yawm* sino tohh? *yawn*??”
“hey sleeping beauty, magbihis ka na, aalis tayo. I want you here outside your house within ten minutes, understand?”
“sino ka ba? Akala mo kung sino----“
“toot toot toot”
Anak ng siling labuyo naman, sino ba to? Teka.. outside your house within ten minutes???
Sumilip ako sa bintana at laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaking nakashades sa labas ng bahay namin. Nakasandal siya sa sportscar nyang red. At hindi ako maaring magkamali. Si Kristoff yun.
“beautiful..” sabi nya.
Beautiful? Ay anak ng manok mukha pala akong wasted. May lawas panis pa ata ako at muta. Shemay.
Minadali ko na ang kilos ko, ligo at bihis. Tapos konting ayos lang keri na.
“Jyrille alis na ko ha?” sigaw ko sa kanya na nakaupo sa may sofa namin..
Pero teka wait. Bakit tulala ata yung lokaret na yun?
“ui Jy anung nangyari sayo?” tanong ko habang inaalog alog siya. OA lang ang peg.
“to-totoo nga. Si-si Kri-Kristoff nasa labas. Nakita ko.”
“ay sus. Sabi ko naman kasi sayo ayaw mo maniwala eh.”
<beep beep>
Bumubusina na si loko,
“teka lang muna Jy ha? Alis muna kami. See yah later” paalam ko sa kanya at nagmamadaling lumabas at baka umuusok na ang tenga ni loko.
“Ang tagal ah, saka ano yang suot mo?” tanong nya sakin.
“bakit? Anong problema sa suot ko? ang cute nga eh.” Well naka spaghetti kasi ako sa loob tapos maluwag na shirt na kita yung shoulder tapos naka shorts , tapos naka ponytail na nasa side. Cute naman diba? Eto nga yung uso ngayon eh.
“get in the car” utos nya. Galit ba siya sa suot ko? ang cute naman kaya.
“ano pang ginagawa mo dyan? I said get I”
“grabe hindi gentleman, hindi man lang ako pgbuksan” bulong ko.
“Stop murmuring.”
“Okay fine.” Sabay sara ng malakas sa pinto ng kotse nya. Masira sana yung pintuan ng kotse nya.
Pagkasara na pagkasara ko ng pinto pinaharurot nya agad yung kotse nya. Dating car racer ata to eh ang bilis, napakapit na lang tuloy ako sa kinauupuan ko.
“hoy marami pa kong pangarap sa buhay ayoko pang mamatay pwede pakibagalan naman kahit konti lang?” ang bilis naman kasi talaga nyang magpatakbo, akala mo may lakad.
“were here” sagot nya. Agad agad andito na kami sa pupuntahan namin?
Pagtingin ko sa labas isang boutique?
<knock knock> katok nya sa labas bintana ng kotse. Nasa labas na pala siya
“dyan ka lang?” tanong nya,
Hindi talaga ako pinagbuksan ng pinto ng lokong to. So ano pa nga bang gagawin lumabas na ako at sumunod na sa kanya.
“miss can you find something formal dress for her” kausap nya yung saleslady ata.
“okay sir.” Sagot ng sales lady tapos kumuha na siya ng mga dress na isusukat ko. ang gaganda promise. Pumunta na kami sa dressing room pagkatapos at isinukat ko yung unang damit. Isang blue dress na above the knee tapos may maliit na butterfly sa may strap, may mga sequence sequence pa. ang ganda.
Lumabas na ako at pinakita kay Kristoff, nakaupo si krstoff sa isang sofa at nagbabasa ng magazine ng makita ako.
“ayoko nyan”
Tss napakapihikan naman nito, next dress yung green na may isang strap lang. kaso ayaw padin nya, next dress, purple tapos yellow, black, white at red. Jusko nasuot ko na ata lahat ng dress na kasama yung kulay sa ROYGBIV, pero ayaw parin nung loko. Hanggan sa isang kulay na lang, yung pink na simple lang pero mukha talaga siyang elegante. At miraculously nagustuhan na rin nya.
Tapos bumili na rin siya ng high heels, hindi pa naman ako sanay magsuot ng high heels kainis.
Then yung sumunod na pinuntahan namin ay salon. Kinausap nya lang saglit yung babae, napansin ko pa nga na natatawa yung babae habang nakatingin sakin, naconcious tuloy ako, ano kayang pinagsasabi nung lalaking yun dun sa babae?
“ma’am this way po tayo.” Sabi nung babae sakin.
Kinulot nila yung buhok ko, tapos nilagyan lang ako ng konting make up, then after an hour tapos na.
“Kristoff” tawag ko sa kanya. Nakatalikod kasi siya at parang may kinakausap sa phone.
“oh bakit ba--“ napatigil siya nung makita ako, at wag ka, hinead to toe ako.
“okay lang ba?” tanong ko pero hindi siya nasagot nakatingin lang siya.
“oy ano ba? Okay lang ba?” tanong ko ulit.
“beautiful” ang tanging nasambit nya.
“beautiful?” ibig sabihin nagagandahan siya sakin???