Super Chapter 8

119 12 0
                                    

Yuan's POV

"And Liam, tara..." Sabi ni Prince kaya lumapit sa kanya si Liam. May binulong siya rito na nagpatawa kay Liam. Pagkatapos ay sumagot ulit si Liam na pabulong din. Nagmukha tuloy abnormal si Stephen na naghihintay.

"Uhm, Stephen... Oh, shit! 'Yung mommy mo!" Bigla kaming nagulat sa sinabi ni Prince. Napatingin pa kaming anim sa tinuro niya.

"Oy, putspa! Tago niyo 'ko!" Tiningnan ko muna 'yung tinuro ni Prince pero kahit anong hanap ko ay wala naman akong makitang tao. Ay! Naintindihan ko na. Invisibility ang maaaring maging kapangyarihan ni Stephen, it's either kaya niyang mawala, or kaya niyang magpawala ng mga bagay.

Muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Stephen pero laking gulat ko nang makita kong wala siya sa kinatatayuan niya. Umepekto nga ang plano nila.

"Nandiyan pa ba si mommy?!" Rinig na rinig ko ang takot sa boses ni Stephen kaya di ako maaaring magkamali na sa kanya nanggaling ang tinig na 'yon.

"Stephen?! N-nasaan ka?!" Rinig kong sigaw ni Cristel. Lahat kami ay natuon ang atensyon sa paghahanap kay Stephen.

"Nasa harap mo, tanga." Napatingin ulit kami sa puwesto ni Cristel. Doon banda nanggaling ang boses ni Stephen. Napatingin sa kanyang harap si Cristel. At bigla na lang nag-appear si Stephen sa harap niya. Napaatras si Cristel sa sobrang gulat. Akala niya siguro multo si Stephen. Haha!

"Congrats, Stephen! Napalabas mo na ang kapangyarihan mo!" Sigaw ni Denisse at nagpalakpakan kaming lahat sa sobrang tuwa.

"So, okay na? Pwede na tayong magplano tutal naipalabas na naman natin ang mga kapangyarihan nat-" Hindi natapos ang si Denisse sa kanyang sinasabi dahil bigla na lang nagsalita si Cristel. Binibiro lang naman siya ni Denisse e. Hahaha!

"Oy, gaga ka. Nandito pa ko oh!" Sigaw ni Cristel na nag-iinarte habang nakatayo malapit sa mga upuan Nagtawanan kaming lahat sa sobrang tuwa.

Lumapit kaming anim sa kanya habang sina Liam at Prince naman ay nagbubulungan pa rin. Bromance na yata ito. Biro lang. Pero sila ang nag-isip kung paano mapapawala si Stephen at ngayon naman ay kung paano palalabasin ang kapangyarihan ni Cristel.

"Cristel, may ipis malapit sa paa mo!" Sigaw bigla ni Prince. Alam ko na kung anong idea ang pumasok sa isip nilang dalawa ni Stephen.

"Huta! Tapakan niyo! Nasa'n?! Hayup!" Sigaw ni Cristel sabay takbo mula sa kanyang kinatatayuan. Take note, isang extraordinary na takbo. Dinaig pa si XLR8 ng Ben 10.

"Nasaan na?! Wala na ba?! Nako papatayin ko kayo kapag dumapo sa'ken 'yang feeling butterfly na 'yan!" Lihim na tumatawa sina Prince at Liam na nasa tabi ko lang.

"Oy, Cristel, wala na!" Sigaw ni Denisse na tumatawa rin naman. Tumigil sa pagtakbo si Cristel sa harapan naming anim. Wala man lang bakas ng pagod sa mukha niya.

"And finally! Congrats din sa'yo Cristel! Lumabas na rin ang kapangyarihan mo!" Nagpalakpakan kaming lahat sa tuwa. Nagyakap-yakapan pa nga e. At syempre hindi nagpatalo si Cristel sa sitwasyon at sinamantala na niya ito. Kunwari lahat kami niyakap niya isa-isa, pero hinuli niya si Liam kaya medyo natagalan siya. Haha!

"Ano na, ipagtatanggol ba natin ang mundo laban sa mga masasamang tao?" Tanong ni Trixie na may pagkasabik ang mukha.

"Oo, pero kailangan may costume tayo! Walang superheroes na walang costume ah!" Sigaw naman ni Cristel.

"Ay gusto ko 'yan! Mamaya susukatan ko kayo tapos 'yung mga girls, sumama kayo sa akin at magtatahi tayo!" Suggest ni Denisse.

"Gaga! Pinahirapan mo pa ang mga katawang-lupa natin! Dapat may gumawa noon para sa atin!" Bigla siyang kinontra ni Cristel. Besties talaga sila ni Denisse.

"Don't you worry guys, may kakilala akong sikat na fashion designer. Siya na ang bahala sa lahat, simula sa mga design ng costumes natin hanggang sa pagtatahi ng mga iyon." Iba talaga ang yaman nito si Stephen.

Nagsaya kaming lahat habang nasa rooftop kami. Wala namang nakakarinig e. Siguro, para sa iba, sumpa ang pagkakaroon ng mga ganitong kakayahan, pero sa amin, isa itong biyaya.

***---***

After three days, tinawagan kami ni Stephen at sinabihan niya kami na naipadala na raw sa bahay nila ang mga costumes namin kaya nagkita-kita na naman kami sa bahay nila.

"Oh my! Akala ko naman pang-princess 'yung susuotin naming mga girls." Sabi ni Cristel na parang naghihinayang sa pulos itim naming mga costume.

"Gaga ka talaga, Cristel. Ililigtas natin ang mundo, hindi tayo magtatrabaho sa Disneyland." Kinontra na naman siya ng forever love niyang besty na si Denisse. Ibang klase talaga ang friendship nilang dalawa.

"Sorry, Cristel, pero kung nagpagawa ako ng costume na ganoon, magmumukhang common superheroes tayo. Kaya para maiba naman, all black!" Paliwanag ni Stephen.

"Tama siya, Cristel. At mas maganda rin ang black na costume! Di ba sabi nga nila, black is beautiful!" Sigaw naman ni Liam. Halata namang pinagtatanggol niya lang ang black kasi favorite color niya 'yun.

"Sige na nga, keri na 'to." Sabi ni Cristel. Bigla tuloy siyang binatukan ni Denisse.

"O, malandi. Porke sinabi lang ni Liam." Namula tuloy bigla 'yung pisngi ni Denisse na parang kamatis.

"Oy, hindi naman. Biruan lang namin 'yun, Liam. 'Wag ka mag-alala..." Hindi makatingin si Cristel kay Liam habang kausap niya ito.

Sa gitna ng biruan ay isang malakas na pagsigaw ang bumulabog sa amin. Mukhang sa isang malapit na lugar lang iyon nangyari.

"Guys, it looks like we just have our first mission today!" Sigaw ni Cristel.

"Wow, nag-eenglish ka pala. Tara na! Magpalit na tayo!" Sigaw ni Denisse sabay kuha sa costume niya. Ang bilis naming nakapagpalit kaya mabilis din naming hinanap kung saan nagmula ang sigaw na 'yon.

Nasa labas na kami ngayon ng village nina Stephen at hinahanap namin ang pinagmulan ng sigaw na iyon. Si Cristel at Liam ang naghanap ng pinagmulan ng sigaw na 'yon. Ginamit ni Liam ang canine na alaga nina Stephen para mahanap ang pinagmulan ng sigaw na iyon. Maya-maya pa ay nakabalik na silang dalawa sa kitaan namin.

"Guys, bilisan niyo, may nangyayaring kidnapping sa kabilang street! Hindi pa nakakaalis 'yung mga kidnappers! Mauuna na kami roon!" Sigaw ni Cristel. Agad siyang tumakbo para may mauna nang kumalaban sa mga masasamang tao na iyon. Sumunod din sa kanya si Liam na mabilis ring nakatakbo na parang aso.

Mabilis kaming umaksyon at tumakbo papunta sa sinasabi nina Cristel. At saktong isinasakay pa lang ng mga lalaking may takip ang mukha ang mga batang balak nilang kidnapin. Paniguradong hihingian nila ng ransom ang mga magulang ng mga batang hinuli nila kapalit ang pagpapalaya sa mga batang ito.

Mabuti na lang at nandoon na sina Cristel at Liam na pilit nakikipag-agawan sa mga maskuladong lalaki. Ang ibang bata ay nasa loob ng puting van at hindi pinapayagang makalabas ng ilang lalaki na nasa loob rin. Nakakaawa ang hitsura ng mga batang iyon, panigurado mato-trauma sila pagkatapos ng insidenteng ito.

"Pakawalan niyo sila!" Sigaw ko. Bakit ba? E ayan ang pambungad palagi ng mga superhero sa palabas.

Mapagtagumpayan kaya ng ating mga heroes ang una nilang misyon? Abangan...

Heroes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon