Challenge # 10

90.5K 4.2K 1K
                                    

Sigurista

Oliver's

I was fidgety. Rocheta Grace was still inside the emergency room and I am worried as hell. She is pregnant - I am sure of that - ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya sinabi. There's a big possibility that she doesn't know. Halos araw-araw kaming magkasama and she doesn't show any signs. Hindi siya nahihilo, hindi siya nagsusuka, wala siyang cravings kaya hindi ko alam na may ganoon na. How I wish my baby is okay - I hope that they are both okay.

Nagulat ako nang hawakan ako sa kwelyo ni Mr. Emilio at saka itinayo. Galit na galit siya sa akin. Ni- head butt niya ako saka sinapak. Hindi ako lumaban, this time hindi talaga aki lumaban because all I can think about is that he is the grandfather of my child - the child that I don't want to loose.

"Binuntis mo ang anak ko! Sira ulo ka! Akala mo ba por que buntis na si Rocheta ay welcome ka na sa pamilya ko?! Gago! Putang ina ka!"

"Thaddeus! Tama naman na!" Pinipigilan siya ni Mrs. Emilio. "It's bad enough that she suffered this tama naman na! Give Oliver a break! Tao naman siyang nakikipag-usap sa atin!"

"Walang taong Consunji! Mas marami sa kanila ang mga hayop!"

"Malinis po ang intensyon ko sa anak ninyo. Lalo na po ngayon."

Mariin ang sagot ko. Bugbog sarado pa ako pero alam ko ang mga sinasabi ko. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Red. Paglingon ko ay kasunod na niya si Uncle Simoun. He was a bit shocked to see me.

"Ikaw ba ang gumawa nito, Ido?" Nagtatanong na wika niya.

"Hindi, Azul dahil kung ako ang gumawa niyan nakabaon na sa ilalim ng lupa iyang magaling mong pamangkin." Galit na galit siya.

"Ano bang nangyari?" Kalmado pa rin si Uncle.

"I got Rocheta pregnant." Pag-amin ko. Sumabat si Red.

"How can you be sure that it's yours?" Parang naghahamon siya. Hindi ako ang sumagot sa kanya kundi si Mrs. Emilio.

"At anong gusto mong palabasin, Red? Na maruming babae ang anak ko?" Namutla sk Freidrick. Napangisi ako.

"Hindi naman po iyon ganoon, Tita. Ang sinasabi ko lang---"

"Malaki ang possibility na makunan ang anak ko tapos sasabihin mo iyan sa kanya? If Oliver says that he is the father of the baby then he is the father of the baby! Sira ulo ka! Ano bang ginagawa mo dito? Diba si Tamar ang girlfriend mo! You should be with her!"

Galit na galit si Mrs. Emilio kaya tuwang - tuwa ako. Wrong move ni Red iyon. Minsan kasi ang tanga niya talaga. His loss is my gain.

"Tita, I'm sorry that is not what I meant."

"Ewan ko sa'yo, Red. Azul sabihan mo iyang anak mo baka hindi ko matantya ako na mismo ang bumaril diyan!"

Napalunok si Red. Agad siyang siyang sinabihan ni Uncle Azul na manahimik na lang sa isang tabi habang hinihintay namin ang doctor ni Rocheta. Hindi naman nagtagal ay lumabas si Tita Danelle.

Agad na lumapit si Mrs. Emilio sa kapatid niya.

"Gina, calm down. She is okay. Okay rin ang bata. She's four weeks pregnant. Mabuti at nadala ninyo siya agad dito kung hindi baka tuluyang nawala ang baby niya."

Nakahinga ako nang nmaluwag. Hinarap ako ni Tita Danelle. Sinampal niya ako kaya gulat na gulat talaga ako.

"How dare you, Oliver?" She hissed. "I called your mother. Papunta na siya dito. You better have the best explanation for this! How dare you!"

Magugustuhan mo rin ang

          

Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung saan kukunin ang tamang salita para makipagusap sa kanila sa ngayon. Wala naman kasi akong ibang naiisip kundi si Rocheta Grace at ang magiging anak naming dalawa. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko siya nakikita. Hindi ako maniniwala na ayos siya hangga't wala ako doon.

Tita Danelle seemed to be calm now.

"You can see her now."

Nauna pa ako sa mga magulang niya na pumasok sa loob ng suite niya. She is awake and sitting up. Agad akong lumapit sa kanya para yakapin at hagkan siya sa noo.

"The baby is okay." Sabi ko sa kanya. She nodded.

"The baby is okay..." Inulit niya lang iyong sinabi ko. Yes, that is a relief. The baby is okay - our baby is okay and I am fucking happy. Mahigpit ang yakap ko sa kanya pero bigla ay may humatak sa akin palayo sa kanya.

"Okay ang anak at ang apo ko. Lumayas ka na dito!" Sigaw ni Mr. Emilio sa akin. "Hindi kailangan ng anak ko ang tulad mo. Mabubuhay sila nang maayos! Umalis ka!"

"Tatay... wag naman ganyan. Please po." Umiiyak na naman siya. Hindi makakabuti sa kanya ang pag-iyak. Nakuyom ko ang mga palad ko.

"Bakit, Rocheta? May maibibigay ba ang lalaking ito sa'yo na hindi ko kaya?! Kung suporta lang kaya kong buhayin iyon kahit mag-anak ka pa ng limampu! Wala kang kailangan sa gagong iyan na hindi ko maibibigay sa'yo!"

"Kasal." Lumabas iyon sa bibig ko na para bang iyon ang pinakanatural na bagay na maaaring kong sabihin sa kanya.

"Kasal, Mr. Emilio, iyon ang isang bagay na kaya kong ibigay sa kanya na hindi ninyo maaaring ibigay. I will marry her and I will give mu child my name."

"Well, I hate your fucking name so leave my princess alone!"

"May karapatan po ako sa anak ko!" Giit ko pa.

"Tinatanggalan kita at para wala ka nang mahabol babarilin na kita sa mukha mo, putang ina ka!"

Naglabas siya ng calibre 45 na may silencer at itinutok iyon sa mismong mukha ko.

"Wala akong awa---"

"Tatay tama naman na po! Gusto kong nandito si Oliver. Siya ang tatay ng baby ko at kapag ginawa mo iyan sa kanya, para mo na rin akong sinaktan. Nasa edad na ako at pwede akong magdesisyon ng sarili ko at gusto kong nandito si Oliver. Galit ka sa Consunji alam ko pero hindi naman kasalanan ni Oliver na lahi siya ng mga taong kinagagalitan mo."

"Thaddeus, tama na. Bawal ma-stress si Etang." Sabi pa ng mommy ni Rocheta. I took a deep breath nang ibaba niya ang baril. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko.

"Hindi kita matatanggap kahit kailan. Tandaan mo iyan!"

Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto. Dumating si Mama at Papa. Kasunod nila si Uncle Azul at si Orion -- ang anak ni Uncle Yvo at Tita Thea.

"Anak, anong nangyari?" Punong - puno nang pag-aalala si Mama sa akin. Si Papa ay tahimik lang na para bang nag-o-observe lang.

"Ma, Pa, si Rocheta po, girlfriend ko. She's pregnant."

"What happened to your face?" Mama asked. Nagkibit - balikat ako at ipinakilala ang mga magulang ni Rocheta. Si Mr. Emilio ay hindi man lang nakipagkamay kay Papa.

"Tatay Ido..." Tinawag siya ni Orion. "Okay ka lang ba?"

"Hindi. Nabubwisit ako sa kaapelyido mo, anak. Hindi ko kayo matatanggap sa buhay ko o sa buhay ng anak ko."

"Pero apo ko iyon at dugong Consunji ang nananalaytay sa kanya." Sabi ni Papa kay Mr. Emilio.

"Walang problema! Ipapa-extract ko ang dugo ninyo tapos ipapalagay ko sa diniguan!"

"Thaddeus nga!" Sigaw ni Mrs. Emilio. Napailing ang pinsan kong si Orion at saka inakbayan si Mr. Emilio.

"Tay, mag-usap na muna tayo sa labas. Ako ang mediator. Si Uncle Hermes din." Naunang  lumabas si Papa at sumunod si Orion at Mr. Emilio. Sumama na rin si Uncle Azul. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para lapitan si Rocheta Grace.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi ko naman kasi alam. Mama, sorry."

"For what? A baby is always a blessing." Nakangiti si Mrs. Emilio. Ang Mama Nina ko naman ay nakatingin lang.

"Ngayon lang may ipinakilala itong si Ollie, tapos buntis agad. Manang - mana ka sa ama mo." Sabi pa niya. "Kamusta ang baby at ano bang nangyari sa mukha mo?"

"Wala ito, mama. Ang mahalaga may baby sa tyan ni Rocheta. I kissed her forehead.

Ang saya-saya ko.

"Papakasalan kita." Tiningnan ko si Rocheta sa kanyang mga mata. Pakakasalan ko talaga siya. Walang kwestyon doon.

Once moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon