Chapter 42

17 2 0
                                    

Buong klase wala akong maintindihan. Buti nalang malapit na mag class dismiss makakakain na ko. Lutang ako ngayon malay ko ba.

"Okay, Class dismiss" Ayan labasan na. Lunch na hihi.

"Shang, Sabay kami ni Angel mag lunch, kain kana babye" Pati ba naman lunch? Hay nako. Promise ngayon lang yang sweetness n'yo isusumbong talaga kita kay Papa.

"Baby tara na lunch" Hayst. Gilagid na nga kabute pa? Ano susunod dugong? Lakas pa tawagin akong baby.

Kinuha ko yung mga gamit ko tyaka lumabas na ko ng room ayoko makipagtalo sa tulad n'ya isa pa gutom na ko, uunahin ko pa ba s'ya.

"Intayin mo naman ako" Manigas s'ya di ko siya iintayin no. Ano s'ya may yaya? katulong? Utusan?

Dumeretso ko sa canteen tyaka umorder ng pagkain, pagtapos ko kumain dumeretso na agad ako sa room wala naman akong gagawin eh mabuti nga at walang pang asar ngayon.

"Taba" Speaking of the devil. Tumabi siya sa upuan ko tapos tinignan nya kung anong ginagawa ko sa phone ko.

"Trip mo ko?" Pagtataray kong sinabi. Tatayo na sana ako ng hawakan n'ya yung kamay ko. Ano ba naman talaga trip n'ya oh.

"May sasabihin lang ako taba, ma-high blood ka jan bigla, di kita kayang buhatin taba mo eh" Ah so mataba? Ok pa s'ya nung una kong nakilala pero ngayon parang gusto ko s'yang sipain eh.

"Ano sasabihin mo? Dali na" Umupo naman ulit ako tapos tinapat ko sakan'ya yung tenga ko.

"Yung sa katext mo na dapat wrong sent buddy lang kasi ano..." Wala naman ata s'yang sasabihin eh pero teka pano n'ya nalaman?

"Taba, ako yun" S'ya daw? Yung ano? Ayaw mag sink-in sa utak ko.

"Ikaw? Anong ikaw?"

"Ako yung Min Yoongi, That was my real name" Real name? So, yung Min Suga i mean yung Suga stage name or fake lang ganon?

"HAHAHAHAH" Katawa sya.

"Ako nga yun, seriously. Ako talaga yun gusto mo ng patunay?" No. Hindi na kaylangan haler tanga lang ako kasi di ko pa napansin nung una akala ko kambal nya lang ganern.

"No thanks. Naniniwala naman ako" Unti unti narin nag sink in sa utak ko na sya. Sya si Min Suga. Yung mabait at thoughtful.

"Sorry kasi di ko sinabi agad" Sorry daw? Hnd naman big deal eh i mean okay lang sakin.

"No, it's okay hindi mo kaylangan mag sorry tyaka duh? Ako din may sala nun no kung hindi ako na wrong sent sayo"

"Buti naman" Wah! Geh smile pa Min Yoongi a.k.a Suga.

"But, wait lang bakit ambait mo sa text?" Totoo naman diba mabait sya sa text.

Hindi sya sumagot sakin. Ngumiti lang sya tinanong ko rin sya kung bakit ayaw nyang gamitin real name nya sinabi naman nyang mas swaeg daw pag Suga. Duh? Ano swag dun?! Nagpaalam na rin s'ya saking aalis ba din daw sya.

Matatapos naman na yung lunch time, shocks naman kasi wala man lang kahit si Angel >.< Mag sama silang dalawa talaga huhu.

"Unnie?" Napatingin naman ako sa likod ko habang paakyat ako sa room namin sa tuktok ng building na to -.-

Pagkakatanda ko siya si Jungkook eh? Yung may ka pda sa room "Oh? Jungkook diba?"

"Yes Unnie. How are you na?" Wow taray mo teh umeenglish ka din ah.

"Okay naman ako. Matanong lang diba member ka din ng Bangtan?" Oo diba sya naman kasi talaga yung isa diba.

"Yes Unnie. I'am, ako yung Maknae sakanila". Hola sya may pa wink pa. Maiinlove na ata ako. Pero no hindi no Haha.

"Ah haha pano na nga kayo na disband ba?" Antanong ng atii mo.

"Ah, dahil kay Hyung V tyaka kay Hyung Yoongi nagaway sila dahil sa isang babae lang" Oh pak?! Di naman sya straight to the point eh no. Sabagay nag tanong ako eh.

Ganon ba talaga yung nagagawa ng love? Pwedeng makasira at makabuo ng isang tao? Lahat pala talaga kayang gawin ng Love.

Nagkwentuhan kami hanggang sa makarating ako sa room ko. Sabi nya kasi ihahatid daw nya ko eh. Di ko nga alam kung bakit pinagtitinginan sya eh di naman masyadong pogi . Poging onti lang.

"See you later Unnie" Tas nag wave sya sakin, Nag wave back naman ako sakanya tapos pumasok na sa room.

Kitang kita ko si Angel pero wala si Kuya. Anyare ba? Lq agad? Umupo ako sa upuan namin ni Kuya tapos kinalabit ko sya. Mukang lutang sya 'ni hindi nya nga naramdaman man lang na dumaan ako.

"Angel uy" Sa pang limang beses na kalabit ko sakanya finally lumingon na sya sakin.

"Ha?" Luh? Tungaw naman ire. Kanina ko pa kinakalabit eh.

"Ba't asan si Kuya? Di mo ata kasama?"

"Ah. Pinatawag daw silang mga member ng Bangtan boys eh" Bakit naman sila tatawagin? Eh diba disbanded na sila.

"Ha? Bakit naman daw disbanded na sila diba so, para saan yun" Nakakapagtaka naman.

Since may 10 minutes pa namang kaming natitirang oras bago mag ka klase ulit. Bumili muna ako ng pagkain sa canteen tapos bumalik na ko ulit sa room pagkatapos nun.

"Hi Class. Simula bukas required na ang mag dorm maraming studyante ang na lelate dahil sa byaheng tinatahak nila araw araw" Oh. Guess who's here andito si Maam kei nagbabalita ng magandang news wut wut haha.

"Ah, ma'am pano po kami makakapag prepare kung bukas na simula ng pag do-dorm ng mga grade 9 and 10 students?" Tanong ni Angel. Di rin sya excited no?

"Magandang tanong. Pero dont worry sabi ng principal walang klase bukas the whole day. Pero papasok pa rin kayo sasakay tayo sa isang bus per section para puntahan yung building na kinalalagyan ng dorm nyo"

"Eh ma'am ilan pong students ang nasa isang room?"

"4 students are required na mag ka dormate sa isang room."

Yas! Four students. Atleast di na rin masyadong boring.

CONVERSE HIGH (ONGOING)Where stories live. Discover now