Chapter 15: First night

11.9K 372 98
                                    

Nabigla ako sa sinabi nya. Pumasok ako sa kwarto, at naalala ko na naman yung mga nangyari sa kwartong ito. Nakakahiya talaga tas dito nya pa ako gustong matulog. Ayoko nga at baka may gawin syang hindi maganda.

‘’akin na yung mga gamit ko. Duon ako matutulog sa guest room’’ sabi ko, sabay hila sa mga gamit ko.

‘’hindi ka guest dito sa bahay, asawa kita kaya dito ka matutulog sa kwarto ko’’

‘’excuse me, mapapangasawa pa lang, hindi pa asawa’’ matigas kong sabi.

‘’wag ka ng makulit. Kahit anong gawin mo dito ka matutulog. Sa kwarto ko. Sa kama ko’’ madiin nyang sabi.

Hindi pa rin ako natinag kahit pa-utos na yung pagsasalita nya. Ayoko ko nga rito baka kung ano pang gagawin nya sakin. Humakbang ako papuntang pintuan pero bago pa ako makalayo ay hinawakan nya agad ang braso ko.

‘’matigas talaga ang ulo mo’’

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa braso ko pero hindi ko magawa kasi sobrang higpit ng hawak nya.

‘’anu ba? Bitawan mo nga ako!’’

‘’paano kung ayaw ko’’

‘’please, pagod ako gusto ko ng magpahinga’’

‘’andyan ang kama ko mas malambot pa sa kama sa guest room. Nakahiga ka na nga rin dati dito diba’’

‘’dati yon HINDi ngayon’’ sabi ko.

Naasar na ako sa kanya pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Pilit ko pa rin tinatanggal yung kamay nya ng biglang hinila nya ako at tinulak sa kama nya. tatayo sana ako pero sumampa sya sa harap ko. Nakapatong sya sakin. Ang dalawa ko lang na kamay ang humaharang sa dibdib nya para hindi sya makalapit sakin masyado pero dahil sa mabigat sya hindi ko rin sya maitulak. Nagiging uneasy na yung pakiramdam ko. Nakatitig sya sakin ng maigi, tumitig rin ako sa kaya pero naasiwa rin ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

‘’a-anu ba? U-umalis ka nga sa harap k-ko. A-ano ba kasi ang gusto mo?’’

‘’Nauutal yung future wife ko ha’’ tumawa pa sya. ‘’kung gusto mo na umalis ako sa harap mo... may dalawa ka lang na pagpipilian... ang matulog rito o... mabuntis ngayong gabi’’ nakangiti pa sya magsabi.

‘’bu-buntis?, si-sino? a-ako?’’

‘’oo, sino pa ba’’

Naisip ko ang mga sinabi nya. Manyak to ha. Malamang hindi ako papayag hindi pa nga kami kasal iba na yung iniisip nya.

‘’rapist! Pwede kitang kasuhan ng rape!. Umalis ka nga sa harap ko! Bilis na!’’

Galaw ako ng galaw at pilit syang pinapa-alis pero hindi nya ako pinagbigyang makatakas at mas lalo nya pa akong kinulong sa bisig nya.

‘’huwag kang gumalaw masyado at baka maramdaman mo si little Louise’’

 Hindi ko napigilang mamula kasi nararamdaman ko na nga si little... little... basta si ano, oo si ano... nya. Tumigil naman ako sa paggalaw at nagpasya na rin ako. Kahit anong gawin ko sya pa rin ang masusunod.

‘’fine, you win. Now, can you get off me?’’ tanong ko.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso pero alam kong tuwang-tuwa sya sa mga nangyayari.Tumayo na sya at bumaba sa kama, tumayo na rin ako. Dinala ko na yung gamit ko sa walking closet nya may isang part dun na bakante. Planado nya talaga ang paglipat ko rito. Nandito na rin pintuan sa banyo. Panglalaki yung design ang makikita sa condo nya. Nagpalit lang ako ng damit na pantulog. Nag-toothbrush tas lumabas na dun. Humiga ako agad sa kama. Ang lambot. Si Louise. nagtratrabaho. Hawak nya kasi yung laptop nya at may binabasa. Ayoko na syang istorbohin para hindi nya rin ako pakialaman. Tumalikod na ako. Narinig ko pa syang nagsabi ng goodnight tas may dinugtong pa pero hindi ko na marinig dahil hinila na ako ng antok.

Nagising ako dahil parang may yumayakap sakin na tao. Mas hinigpitan nya pa. Hindi ko pa minulat ang mata ko pero na-aamoy ko na ang amoy ng isang lalaki at may nakadagan sa hita ko na mabigat. Kilala ko na ito. Nakatapat ang mukha ko sa dibdib nya kaya inangat ko ang mukha ko saka ko minulat ito.

‘’good morning love’’ nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa labi. Tumayo siya agad at dumaretso sa pinto. Bago sya lumabas ay muli syang nagsalita.

‘’bilisan mo na dyan at handa na ang breakfast natin’’

Tulala pa rin ako. Ang aga pero marami nang sorpresa. Tumayo na ako at pumunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko bago lumabas ng kwarto.

‘’ano plano mo ngayong araw?”

“makikipagkita ako ngayon kay Mika’’

“umuwi ka ng maaga, sabay tay mag-dinner”

“baka matagalan kami”

“then susunduin na lang kita pag-uwi mo”

“wag na kasi”

“no’’

‘’but---“

“that’s final”

Tumayo na sya at papunta na ng kwarto.

“please,... promise i’ll behave. Gusto ko lang talaga mag-enjoy kasi bilang na ang araw ko bilang single ko. hindi naman kami aabutin ng madaling araw. Mga 11 nasa condo na ako”

Humarap sya sakin. Base sa ekspresyon ng mukha nya alam ko na ayaw nya akong paalisin sa bahay.

“fine”

Pumasok na sya sa kwarto. Feeling ko tuloy may kasalanan akong malaki. Maya maya lang ay lumabas na rin sya at naka-business attire. Papasok na ng opisina. Inaayos nya ang kanyang neck tie pero hindi nya ito maayos. Pumunta ako sa harap nya.

‘’akin na. Tulungan na kita’’

Hindi sya sumagot binaba nya lang ang kanyang kamay at hinayaan nya akong umayos.

‘’tapos na’’ sabi ko at ngumiti sa kanya.

Pinagmamasdan siguro ako nito kanina pa. Magaling to, ako kaya nag-aayos ng neck tie ni papa at ng dalawa kong kuya.

“ahmm... ayos na oh. Umalis ka na baka ma-late ka”

Nakatingin pa rin sya sakin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Bumaba ang mukha nya papunta sa mukha ko. Hinalikan nya ako. Hindi ako agad nakatugon at nung tutugon na ako ay hiniwalay nya ang labi nya. Yumuko agad ako baka mabakas sa mukha ko na nanghihinayang ako.

“kung hindi ka naman uuwi ng maaga mag-oover time na lang ako mamaya basta 11 nandito ka na”

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Pinayagan niya na ako.

“ingat ha”

He is Really Possessive.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon