Chapter 8

953 91 14
                                    

Oath Of Love
Written by Yuan





Kabanata 8




"Angela, nabalitaan kong ipinapatawag ka raw ni Mayor ha. Ano 'yun? Bakit? May ginawa ka bang kapalpakan noong nakaraan?"

Bungad sa akin ni Itay na bakas sa kanya ang pagtataka kung bakit ako pinapatawag ng Mayor.

Bigla akong kinabahan sa pagtatanong niya. Naalala ko kasi 'yung ginawa kong pagsampal sa anak ng Mayor. Naisip kong baka 'yun ang dahilan kung bakit ako pinapatawag nito.

Pupungas-pungas pa ako dahil kagigising ko lang. Nagtatanggal pa ako ng mga muta sa mata ko.

"Ah.. eh.. Wala po, Tay. Hindi ko nga rin po alam kung bakit." Saad ko na napuputol-putol pa at hindi man lang siya tinignan.

"Bakit kaya? Siguro natipuhan ka nung anak niya kaya pinapatawag ka. Angela, sinasabi ko sa'yo ha, kung kinakailangan mong akitin ang anak ni Mayor gawin mo. Mukhang ito na 'yung pag-asang matagal ko nang hinihintay ha."

Tugon niya habang humihigop pa ng mainit na kape. Bakas sa mukha niya ang excitement sa posibilidad na baka nagustuhan ako ng anak ni Mayor.

Buti sana kung ganon nga ang dahilan kung bakit ako pinapatawag ni Mayor. Wish ko lang na magustuhan niya ako sa lakas ng sampal na inabot niya sa akin.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at hindi na sumagot pa sa sinabi niya. Iniwan ko na siya at nagmadali na akong kumilos upang makapagtungo na agad ako sa opisina ng Mayor.

Nagsabi ako kay Dora na male-late ako ng dating sa palengke dahil nga sa patawag ni Mayor. Nakisuyo na lamang ako sa kanya na sabihin ito kay Aling Mercedes upang hindi ito magalit sa akin.

Bakit ba kasi ako pinapatawag ni Mayor? Ano ba kasing meron at kailangan niya akong ipatawag? Jusko, wag naman sanang tungkol ito sa anak niya.

'Yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko maialis na mag-isip dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Kaba at takot na baka pagalitan niya ako sa ginawa ko sa anak niya noong nakaraang araw.

Jusko, wag naman sanang nagsumbong 'yung mokong na 'yun. Napakasumbungero naman niya kung ganon. Siya nga 'tong may ginawang hindi maganda at nambastos sa akin, siya pa 'tong may ganang magsumbong. Buwisit siya!

Mabilis akong nag-ayos at hindi na nag-abala pang kumain ng almusal dahil nakakahiya kung male-late ako sa itinakdang oras ng pakikipag-usap sa akin ni Mayor.

Nakarating na agad ako ng Munisipyo. Habang dahan dahan akong naglalakad at palingap lingap patungo sa opisina ng Mayor. May taong hindi ko namalayan at sinadyang bumangga sa akin.

Naramdaman kong sadya ito sapagkat marahan lang naman akong naglalakad at imposibleng makabangga ako kung nakatingin naman ako sa nilalakaran ko. At 'yung taong bumangga sa akin ay galing sa likuran ko.

Hindi ko inaasahang 'yung antipatikong lalaking nambastos sa akin noon ay ang tatambad muli sa akin mula sa likuran ko.

Hindi na ako nakaimik pa kahit na inis na inis na naman akong nakita siya at dagdag pa 'yung pagkakabangga nya sa akin ng sadya.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon