A/N: I'll continue this fantasy story. Hope na may magbasa pa. Hehe, naging busy po kasi nitong nakaraang taon pero baka sipagin na kong tapusin to. Hehe. Please comment your suggestion and kung marunong kayo mag-edito ng pic. I'm begging you, please gawan nyo ito ng cover. Lol. Panget kasi ehh. Salamat in advance.
~Enjoy..
------------------------------------------------------
Athena's PoV
"Woah! Anong lugar ito? Nakakamangha!" Saad ko kina Shiella at sa amang hari habang pinagmamasdan ko ang napakagandang tanawin.
"Mabuti naman at tila nasisiyahan ka sa lugar na pinagmulan mo." Ani ni amang hari na halatang nagagalak dahil sa nagiging reaksyon ko. Lalo tuloy ako namangha dahil sa sinabi ni ama, so ibig sabihin dito pala ako nagmula. Nakakatuwa lamang sapagkat ganito pala kaganda ang aking pinagmulang lugar.
Pinagmasdan kong mabuti ang Water Kingdom, sobrang ganda talaga nito. Para lang itong mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Pilipinas, ang kaibahan lang nito ay ang sobrang pagkalaki-laki nito. Kapansin-pansin din ang mga taong may magkakamukhang kulay na damit na suot, lahat ay kulay blue gayong magkakaiba lang ang style. Nasa ganuong pagmamasid ako ng maalala ko yung kinukwento ni Shiella kanina.
"Psst, Shiella, yung kwento mo tuloy mo na. Hehe" pagtawag ko sa atensyon nito dahilan para malingon ito. Masyado kasi itong busy sa paglalaro ng mga bula na nagmumula sa dighay ng mga ibong tila gawa din sa anyong tubig.
"Mamaya na kapag tayo'y nasa palasyo na." Saad nya, tumango na lang ako dito at agad into iibinalik ang atensyon sa mga bula, binalik ko na lang din ang atensyon ko sa kapaligiran at tuwang-tuwang pinagmasdan ang mga kakaibang bagay na nuon ko lamang nakita sa tanang buhay ko, kagaya na lamang ng punong gawa sa tubig, dragon na bumubuga ng bula, napakadaming cute na bagay at hayop ang naririto, kahit na yung mga dragon hindi ka matatakot.
Habang nagmamasid ako ay nalingon ako sa aking ama, tuwang tuwa akong pinagmamasdan nito at pamaya-maya nga'y nag-aya na.
"Tayo ng tumungo sa ating palasyo," pag-aaya ni ama.
Tumango ako ngunit gayundin ay nagtakha ng bahagya pagkat wala naman akong kaharian na nakikita. Napakunot tuloy ang kilay ko sabay tanong kung nasaan ba ang nasabing palasyo. Itinuro ni ama ang taas kaya napatigin ako doon. Isang napakagandang kaharian na napapalibutan ng mga lumulutang na tubig na kumikinang, may mga ulap din na kung San sa tuktok ay tila may mga bahghari na mas lalong nagbigay kulay sa napakagandang palasyo, satingin ko din ay gawa sa asul na dyamante ang buong palasyo, sa pinakatuktok naman ng palasyo ay tila may isang falls, ang buong kingdom din ay napapalibutan ng isang asul na barrier. Mala-langit kung pagmasdan.
Walang ano-ano ay nagulat na lamang ako ng bigla kaming hinigop ng isang liwanag, wala pang isang Segundo ay nasa harap na kami ng kanina'y ponagmamasdan ko lang na palasyo. Biglang may nagpatunog ng bell at may humiyaw na "nandyan na ang prinsesa at ang hari!" May mga lumapit sa amin na mga lalaki na sa tingin ko ay mga soldiers, may 8 matatanda na parang wizard, at mga babaeng magaganda pero parang maid ang datingan. Lahat ay nakayuko habang kami ay naglalakad sa gitna, halata sa mga mukha ng mga ito na nasisiyahan sila ng makita kami. Nang makarating kami sa loob ay nakasunod ang walong matatandang parang wizard. Natingin ako sa second floor at may nakita akong isang napakagandang babae, nakaasul din sya, at tila puno ng mga alahas na dyamate ang iba't ibang parte ng katawan, kulay ginto ang buhok into at parang... kahawig ko? Sya kaya ang reyna? Ang aking ina?
May tumulong luha sa mga mata into at napatakip ito sa kanyang bibig, pinipigilan ang pag-iyak. Nakatingin ito sa akin, ngumiti bago lumapit. Hindi naako nakakilos sa kinatatayuan ko pagkat kabado ako. Nang makalapit ito ay agad nitong tinanong Kay ama kung ako daw ba ang kaniyang anak, tumango ang aking ama na naging hudyat sa babae or should I say making ina upang tuluyan na ako nitong yakapin.
Naramdaman ko ang tila isang kalinga ng ina kung kaya't di ko na din naiwasan ang pagluha at pagyakap din dito. Kumawala naman kami sa pagkakayakap matapos ang ilang segundo at nang araw ngang iyon tila ay nagkaroon ng Fiesta sa aming kingdom, may ilang mga kalalakihan din ang dumating at nag-alay sa akin ng bulaklak. Lahat sila ay nagpapakita ng motibo sa akin ngunit wala ni isa akong natipuhan.
Inilibot ako ng aking ina sa buong kaharian, manghang-mangha pa din ako. Napahinto kami ng akong ina sa isang napakalaking bintana kung San tanaw ang tila isang malaking island din ngunit di gaya ng sa amin ay kulay pula ito. Tila napaka-init sa lugar na iyon sapagkat parang may mga maliliit at malalaking bulkan duon na nagbibigay at nagpapakawala ng lava, umuusok din ang lugar na iyon at may mga pulang malalaking dragon na nagliliparan sa himpapawid. Nagtakha ako kung ano ang lugar na iyon kung kaya't tinanong ko sa aking ina.
"Yun ang lugar na tinatawag na Fire Kingdom," sagot ng aking ina.
Namangha ako bigla, ibig sabihin yun ang lugar na pinagmulan ni Zeke? Nakkatakot naman pala.
"Pero.. sinasabi ko sa'yo, umiwas ka sa lugar na iyon, maraming mga masusungit at brutal na tao ang nakatira duon, pati nga ang kanilang hari ay napakasungit." Saad pa ng aking ina. Napansin nya yata na namamangha ako duon. Mas lalo lang tuloy ako natakot sa lugar na iyon. Gaano kaya kabrutal ang mga tao don at ganun na lang ako paalalahanan ng akong ina.
Mas napag-isip isip tuloy ako na kahit pala magtungo sa mundong ito si Zeke, hindi ko din naman pala sya mabibisita.
----------------------------------
A/N: Yey! Sa wakas natapos na ang chapter na ito. Sana naman may magbasa. Lol, sorry for the wrong grammar and spelling. Hope naenjoy nyo itong chapter na ito. Hehe. Next Chapter: The Fire Kingdom. Alamin kung ano ba ang natatagong ganda at kilabot ng nasabing kingdom, lol.
Thanks for reading. Please Vote, Comment and Share.;)
BINABASA MO ANG
Three Prince and One Princess
FantasyThree Prince and One Princess ... Mga inaasahang nilalang na magpapanatili ng kapayapaan.. mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang kapanyarihan.. Khian Ezekiel Luke V. Fortalues also known as Zeke. ---- Fire Kingdom Prince. Athena Kate Angela E. Ma...