~ Chapter Nine: HE VISIT (⊙_◎) ~

4K 106 1
                                    

Author:
Hi guys! Happy 8 reads and 20votes. Idinedicate ko sainyo itong chapter,Salamat AshleyBautista399 christinelee05 and AwesomeGurl1120 sainyo sa votes and read. Please patuloy niyo akong supportahan hanggang huli ng story. Salamat and Enjoy niyo yung new chapter ngayon. Always don't forget to vote, comment and share this story to your friends.
---
Again, walang ni-isa ang naglakas loob na sumakay sa elevator dahil nakasakay si Devon. Talagang sinusunod nila ang Rules na ibinigay ng Condo na dapat at hindi dapat gawin.

Nang naka-abot na kami ng 9thfloor, parehas kaming lumabas at pumunta sa sariling unit. Habang nag lalagay ako ng password, narinig kong bumukas na ang kanyang unit at agad isinarado.

Pagkatapos kong inilagay ang aking password, agad ko tong binuksan at isinara.

Hinubad ko ang aking sapatos at isinuot ang tsinelas na pang bahay.

Dumeretcho na ako sa study area at kumuha ng maraming bond papers para gamitin ito sa reaction paper. Tumayo muna ako, dumeretcho ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos bumalik na ako kaagad sa study area na dala dala ang isang basong tubig at inilagay iyon sa gilid.

Sinimulan ko nang itransfer sa bond paper yung ginawa kong reaction na nakalagay sa notepad. Binuksan ko ang aking cellphone at kinopya ko yung ginawa ko kanina na reaction tungkol sa Ancient Greek.

Pagkatapos kong gumawa ng reaction paper, ininom ko ang isang basong tubig at napatingin sa orasan.

9:00pm na pala

Inilagay ko na sa Envelope yung bond paper at inilagay sa gilid. Agad kong binuksan ang aking laptop para aralin ulit yung itu-turo ko bukas sa Bio Class.

~ding dong~

Biglang kumunot ang aking noo, wala na akong nagawa kundi silipin iyon sa screen kung sino ang dumorbell. Pagkatingin ko, si Chris pala ang taong nasalabas. Agad kong binuksan ang pinto at sumalubong ang kanyang ngiti saakin.

Napatingin ako sa hawak niya, pagkain pala ang dala niya.

Bigla agad akong nagutom. Pinapasok ko siya sa loob ng aking unit at inilapag niya ang mga pagkain sa lamesa. Sinalubong niya ako ng yakap, hinayaan ko na lamang siyang yumakap pero hindi ako yumakap pabalik.

"Sorry, please forgive me. Nag ti-tiwala ako saiyo Mave" bulong niyang sabi sa aking tenga at bumitaw na siya ng yakap.

"Okay. By the way Chris, why are you here? Then paano mo nalaman kung anong floor and room number ko?" Kalma kong tanong sakanya at ngimiti ito saakin.

"Tinanong ko sa information kanina. Kaya ako nandito dahil namiss lang kita Mave. Kumain ka na ba? Tara kumain na tayo, may dala akong pagkain" sabi niya at dahil hindi pa ako kumakain mula kanina pa, sumunod na lamang ako sakanya papuntang lamesa.

Binuksan niya ang mga dala niyang pagkain, ang dami niyang binili at mukhang magiging umagahan ko pa yata yung matitira para bukas.

Pagkatapos niyang buksan, nag dasal na siya at kumain na kami ng tahimik.

Bigla na lamang siya nag kwento ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lamang siyang mag kwento at kumain na lang ako ng kumain dahil nalibre ako ngayon sa pagkain. Balak ko sanang mag ramen ulit, nakakatamad naman kasing om-order and mag luto.

"Uy Mave, ang tahimik mo. Kanina pa ako kwento ng kwento, ikaw naman ang daya nito " Sabi niya saakin na may busangot sa mukha. Tinapos ko munang kainin yung nasa plato ko bago ko siya kausapin.

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon