DD#01

16 0 0
                                    

Day 01

Dear Diary

Ngayon ang unang pasukan ko bilang first year collage . At alam mo ba? Ang saya ko . baket ? Ganto kase yun ..

Pumasok na ako sa PUP University na kung saan ako pumapasok .

Pagkatapos kong tumingin sa bulletin board kung saan ko malalaman ang section ko .

Nang pagpasok ko sa room . Pinagtitinginan ako ng mga classmate ko Dahil sa putol kong kamay at peklat sa muka .

Pero sanay narin naman ako diary eh . Dahil simula ng maputulan ako ng kamay . Ganyan nalang ang tingin sakin . Nakakadiri!

pero di ko naman ikakamatay yun eh . Focus muna ako sa pag aaral ko . at sa pangarap ko

Dahil Kahit putol ang kamay ko . kaya kong abutin ang pangarap ko .

Nang papaupo na ako . Bigla nalang may naglagay na bag sa uupuan ko .

" may nakaupo na dyan " Sabe ng babae at sabay rolled ng eyes nya .

diary ang sarap nyang shotganin! pero ayaw ko ng away at ng gulo . kaya peklat behave lang . okay?

kaya lumipat ako ng upuan . pero bawat lipat ko nilalagyan din nila ng bag nila .

hanggang ngayon pa ba binubully parin ako? kahit papano diary nasaksaktan ako

kahit hindi ko pinapansin ang mga ginagawa nila mga sinasabe nila . nasasaktan parin ako kase tumatagos sa heart diary .

kahit papano diary tao parin ako . pero sa tingin nila para akong tae eh . Nakakadiri!

Lipat lang ako ng lipat hanggang sa . Isang bakante nalang ang natitira at katabe pa ng babaeng ito .

na kain lang ng kain ng sandwich . Nakatayo ako sa gilid nya . at humihingi ng permisyo kong pwede bang tumabe sa kanya .

tumingin naman sya sakin . wag nyang sasabihing hindi . kundi kakainin ko yung sandwich nya . Joke lang diary . diet ako eh

" sige upo ka na "

salamat naman at makakaupo narin ako .

" congrats " bulong ng babae yan . pero di ko alam kung bulong pa bayun? Narinig ko eh.

di ko nalang sya pinansin . tulad nga ng sinabe ko ayokong pansinin ang mga bagay na wala namang kwenta.

" Hi . Im fatty Garcia " tumingin ako sa Likod  baka kase hindi sya sakin nagpapakilala .

pero nagti-text naman yung nasa likod ko  kaya humarap ako sa kanya diary . at sabay turo sa sarili ko .

" ako ba ang kausap mo? "  tanong ko sakanya.

pero nakakainis ang sagot nya diary .

" Siguro sarili ko ang kausap ko "

Basag ako dun diary . Sarap kainin ng sandwich nya eh . kung pwede lang eh.

" sorry ah? hindi ako sanay eh . kase naman wala ng kumakausap sakin simula ng maputol ang kamay ko "

" Kaylan ka ba naputulan ng kamay? "

" Nung 10 ako . ang kulit ko kase eh . akala ko kase hindi na sasabog yung paputok na hinagis ko . kaya pinulot ko ulit kaya ayun pumutok sa kamay ko . at natamaan pa ang muka ko . kaya ang tawag sakin peklat . dahil sa peklat sa muka ko "

nagulat ako diary ng bigla nyang hinawakan ang muka ko.

" kaybigan na tayo ah?  wala rin sakin gustong makipagkaybigan sakin eh . dahil mataba ako at dugyut ! tingnan mo ko . nakakadiri  . kaya benta ako sa pag bubully eh kaya pwede ba tayong maging kaybigan? "

" Oo naman . friend na tayo at sana maging bestfriend sa susunod "

" baket hindi ? hehe !  "

Yan diary kaya masaya ako . Dahil may kaybigan na ako at yun ay si fatty .

matutulog na ako diary . sana bukas maganda nanaman ang isusulat ko sayo .

-peklat

Hey DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon