Dear You,Hi! Nalaman ko feeling mo raw nagiisa ka? Gusto ko sabihin sayo, hindi ka nagiisa. Andiyan ang mga taong nagmamahal sayo. Yes! Isa na ako doon. At ang pinakamahalaga sa lahat ng taong nagmamahal sayo, si God.
Yes nandiyan si God sa tabi mo. Iwan ka man ng tao sa paligid mo, andyan si God hindi ka niya iiwan. Promise! Pray ka lang sakanya. :) smile ka na yiee. Ngingiti na siya! :) ngiti ka yung malaki! Yung abot hanggang langit!
Ayan! Nakangiti na siya! Alam mo dati, ganyan din ako sayo. Feeling ko nagiisa ako. Ang gagawin ko lang, pipikit ako tapos magpepray ako kay God, magkkwento ako ganun. Ikkwento ko lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko. After that, ioopen ko yung eyes ko. Tapos ayun makikijoin na ako sa taong mahahalaga sakin. Ifofocus yung sarili ko sa mga taong mahalaga sakin at magpapasalamat kay God dahil hindi niya ako hinahayaang maging sad ganun. Isip ka lang ng positive thoughts ganun! And try new good things! Yung mabubuting gawain. :)
AND ALWAYS REMEMBER!! Turn your sadness into happiness. Your negative thoughts into positive thoughts and God is always there with you and He always listens to you!
I hope natulungan kita. If you have problems you can count on me! Yun lang! Smile na! Yieee!
Love,
M