Kinabukasan...
1:00 PM. Sa room 136...
"Ano kaya nangyari kay Chesna ano?"
"Oo nga naman. Bigla na lang siyang sumigaw tapos... tapos wala na."
"Ikaw Miro, Nasaan ka nun?"
"A-ano b-bang n-nangyari k-kahapon? A-absent k-kasi a-ako," pautal-utal na wika ni Miro.
"Ganyan bang usong pagsasalita sa Japan ngayon? Nakakaloko na ha," sabi ni King habang tumatawa.
"Ang sama neto! Lakas makageneralize pre ha! Sapok, you like? Alam mo na, yung sapok sa ngala-ngala tagos sa bituka para feel na feel ang intensity?" Wika ni Sachiko habang tumatawa.
"Haha! Oo nga naman. Ang baliw mo parekoy!" Ika ni Kristoff kay King.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay biglang pumasok si Chesna. Buhay. Walang kagalos galos o ni isang gasgas.
"Chesna!"
"Yes?"
"Buti okay ka. Akala namin kung ano nang nangyari sa'yo!"
"Ganun? Hahahaha! You guys are sooooo funny."
"Anong funny-funny, Ramirez? Nakulong kami sa CR kasama ang isang bangkay tapos funny? Nahihibang ka na ba?"
"Relax, Sachi," wika ni Kristoff habang hinahagod-hagod ang likod ni Sachiko para pakalmahin ito.
"Hindi, Kristoff. Hindi niya naranasan yung naranasan natin kaya ganyan siya! Hindi niya naramdaman yung pakiramdam ni Jenny no'ng nahihirapan siyang huminga!" Sabi ni Sachi kay Kristoff nang nakabaling pa siya rito. Tumingin uli siya kay Chesna. "Hindi mo naranasan yun! Hindi! Siguro, ikaw yung naglock sa sa amin sa CR na yun no? Aminin mo!"
"Bakit ako pinaghihinalaan mo? Hibang ka na ba?" Patawang sabi ni Chesna.
"At ako pa baliw! Sino kaya sa atin ang sumigaw ng walang dahilan?"
"May dahilan kaya ako!"
"Sige! Ano? Sabihin mo."
"Ahh... ehh..."
"Ano?"
"M-may dumaan kasing ipis... tapos dumapo sa akin! Kadiri..." nahihiyang mangiyak-ngiyak na sabi ni Chesna.
"Ipis? Tss... Tapang ha."
At bumukas ang pinto ng classroom.
"Good afternoon class!" wika ni Mr. Jefferson sa kanila.
Pagkatapos ng klase nila...
"Sabihin mo sa amin. Kung ipis talaga yun, bakit delayed yung tili mo? Bakit tumili ka kung kelan nakalock na kami sa loob? Sabihin mo nga. Sino ang naglock sa amin sa CR? Sino? Kung hindi ikaw, pwes, patunayan mo ang kainosentehan mo. Kung meron man."
"Hindi ako! Pramis," sabi ni Chesna. Seryosong-seryoso siya ngayon, kumpara sa sarcastic na itsura nito noon.
"Sabihin mo ngayon, bakit nandoon ka pa rin noong nakalock na kami?"
"Oo nga! Di mo man lang kaming nakuhang tulungan!" Sabi ni Mecka.
"Anong klaseng tao ka!" Sabi ni Eppiea.
BINABASA MO ANG
The Killing Game
Mystery / ThrillerSomeone started an endless game. They came to end it. But how are they supposed to end a game that includes DEATH? Warning: Taglish story ahead. :D