Chapter 4

501 20 0
                                    


TRIGGER WARNING:

This chapter contains suicidal themes that some readers might find upsetting.



THIRD PERSON's

Point of View

"Hoy ba't mo 'ko iniwan kahapon?!" Pagmamaktol ni Psalm sa harap ni Luis habang nakaupo sa harap ng table nito.

Tumalikod naman si Luis kay Psalm habang tuloy lang sa pagbabasa ng papel na hawak nito.

Habang nakabusangot ang mukha ay sinundan ni Psalm kung saan nakaharap si Luis at humarang dito at nag cross-arms pa.

"ABA! Tumae lang ako sandali ta's paglabas ko wala ka na!" Gigil na pagsigaw ni Psalm dito, habang si Luis na tila ba'y walang naririnig ay muling tumalikod dito ngunit sinundan ulit siya ni Psalm.

"Wala akong masakyan no'n, 'di ko alam pa'no mag-commute! Naglakad ako sa tirik ng araw! Nasunog balat ko! Kasalanan mo 'to!" Sa inis ni Psalm kay Luis habang 'di pa rin ito pinapansin ay sinipa niya ang swivel chair na inuupuan ni Luis. Kaya tumama ang inuupuan ni Luis sa lamesa nito saka nahulog ang isang bagay na pinulot naman kaagad ni Psalm.

"Stop that childish act—" inis na sabi ni Luis na hindi naman siya pinatapos ni Psalm. Kunot-noong pinagmamasdan ni Psalm ang bagay na hawak nito.

"Bakit nasa'yo 'to?" Takang tanong ni Psalm sa pamilyar na bagay na hawak nito.

Napatingin naman si Luis sa salamin na hawak ni Psalm saka kinuha ito mula dito.

"Pamilyar ba sa'yo?" Luis asked out of confusion mula sa naging reaksyon ni Psalm. The latter nodded before he squint his eyes as a response.

"Kilala ko kung kanino 'yan! Bakit na sa'yo 'yan?!" Pang uusisa ni Psalm dito patungkol sa spyglasses na tinago na ni Luis sa bag niya.

Napataas naman ang kaliwang kilay ni Luis at bahagyang tinignan si Psalm.

"Souvenir." He answered and let out a devilish smirk.



JADE MELLONTIKOS MANTIS'
Point of View

Kababalik ko lang dito sa UGS at dumeretso agad ako sa appointment ko sa therapist ko. Matapos naman sumadya roon ay nagtungo na ako sa electronic shop para bilhin na ang mga kulang sa ginagawa kong spyglasses. 

"Opo. Paki box na lang." I answered to this salesman. Nang maipasok niya na sa kahon ang mga ito ay nagbayad na rin ako bago lumabas sa store nila. 

I'm already done with my transactions for this day. 3pm pa lamang ang oras at maghahanap muli ako ng ilan pang mga kulang. Mukhang iikutin ko pa ang buong bayan para makahanap ng magandang bilihan.

Habang naglalakad ako sa sidewalk ay hindi ko maiwasang tingnan ang mga tao sa palligid ko. Dahilan upang makita ang sarili kong sitwasyon.

These strangers around me seem to be aware about the life ahead us. I'm jealous. 'Though, I know that life bestowed misfortunes for us to determine what we deserve. That we all deserve to live a better life. That's my reason why I decided to live again.

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon