31

4.1K 83 0
                                    

Napansin ni Yasmin ang pagkatulala ni Yves na tila may malalim na iniisip. Kumunot ang noo nito at agad na nagtaas ng kilay kay Yves.

"Hoy! May problema ba sa pangalan ng Mom ko?" Tanong ni Yasmin at umiling agad si Yves. Napairap si Yasmin.

"So anyways? May nakuhanan ba sila Tita ng impormasyon o nakita man lang ba niya yung kapatid mo?" Tanong ulit ni Yasmin. Tumingin si Yves kay Yasmin pero nag-iwas din ito agad ng tingin.

"Nope. Wala daw eh. Tapos hindi na daw chi-neck ni Mom at Dad yung bahay niyo because they both know na wala doon. Tsaka makikita naman agad ni Mom kung anak niya iyon eh." Sabi ni Yves. Tumango tango si Yasmin pero umiling din sa huli.

"Maybe. You should check it again, Malay mo diba? Check our house too. Kausapin niyo si Kuya Paul. Maybe? Kasi inampon din siya ni Mom at Dad dati." Sabi ni Yasmin. Napalitan ng pagtataka ang mga katanungang bumabagabag sa utak ni Yves.

"Pero sa tingin mo? May possibility ba na si Kuya Paul ang kapatid ko?" Tanong ni Yves. Mariing tumingin si Yasmin kay Yves bago nag-isip isip.

"Fifty fifty." Sagot ni Yasmin bago ngumiti ng malapad sa kausap.

"Why?"

"Uhm. Medyo magkamukha kayo. And then, yung ugali niyo, parehong pareho." Sagot ni Yasmin at tumango si Yves.

"Ano ba, Yves! Dapat kinakausap mo na siya ngayon! Malay mo diba? Siya pala yung kapatid mo? Go! Aja!" Hype na sabi ni Yasmin. At nag 'Aja' sign pa.

"Yasmin, wag masyado. Baka mabigla ka niyan eh." Nag-aalalang sabi ni Yves sakanya. Tinapik naman ni Yasmin yung braso ni Yves na parang sinasabing 'umalis ka na.'

"Ano ka ba naman? Baliw 'to. Sige na. Lumabas ka na." Sabi ni Yasmin at ngumiti si Yves sa kanya.

Lumabas na si Yves at tumingin si Yasmin sa ding ding ng kwarti kung saan siya naka-confine.

"Haist. Sana nga sila na ang mag kapatid." Dasal ni Yasmin.

Tumingin si Yasmin sa labas ng bintana. Natulala siya dahil sa nakita niyang litrato sa kabilang building na katabi lamang ng hospital.

Yvonette and Zachary Brooklyn. Famous business man and woman but also a famous Mafia bosses.

"Mafia bosses? Hindi ba dapat nahuli o naaresto na sila ng mga pulis dahil sa mga Mafia sila?" Tanong ni Yasmin sa isipan.

At dqhil sa malalim na pag-iisip niya. May sumagi sa isipan niya.

AUTHORS POV

"May impormasyon po ba kayo tungkol sa mga magulang niyo?" Tanong ni Yves kay Paul. Umiling si Paul.

"Kung meron man. Sana naghahanap na ako ngayon, right? Sana nga noong iniwan nila ako, may impormasyon o sulat man lang silang nilagay sa damit ko para naman hinahanap ko na sila ngayon." Sabi ni Paul. Tumango si Yves.

"Bakit mo ba tinatanong 'to sa akin? May alam ka ba, Yves?"

"Uhm. Wala naman po. Natanong ko lang po, kasi nalaman ko lang kagabi na may nawawapang kapatid po pala ako. Kaya tinanong kita, baka kasi magtugma yung story mo at yung nangyari kay Kuya Damon." Sagot ni Yves at nagpakawala si Paul ng halakhak bago sumagot.

"What made you think na ako ang kapatid mo?"

"Ah. Actually, I had this feeling. And then, Yasmin pushed me to talk to you baka daw sakaling tayo ang magkapatid." Sabi ni Yves.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon