Chapter Five

814 225 24
                                    

Ngayon ang araw ng acquiantance party namin, magsisimula 'yon mamayang 6:00pm. Mamaya pa 'yon pero mga aligaga na ang lahat, maging sila Alliana ay aligaga na rin, mga sobrang aga natulog kagabi, 'beauty rest' nga raw. Samantalang ako? Heto at tambay lang sa bahay, meron na kasi akong isusuot dahil may ibinigay na sa 'kin yung pinsan ko kahapon. 'Yung mga kasama ko , hindi pa sila nakapili kahapon kaya paniguradong nasa mall yung mga 'yon ngayon, 'di na ako sumama dahil meron naman na akong isusuot para mamaya, mapapagod lang ako kakaikot-ikot kasama sila. Royal blue kasi yung theme mamayang gabi para sa Acquiantance Party. Ang saya saya ko nga e, paboritong kulay ko kasi iyon. 

"Oh, hindi ka man lang ba lalabas diyan para mag pa-ganda?" Tanong ni ate Lyka, pinsan ko siya. Galing siya sa Baguio, doon kasi siya nag-aaral. Umuwi siya dito para mag bakasyon. Buti nga ay naka timing iyon, may tutulong sa akin, wala naman kasi akong masyadong alam sa mga ganong bagay.

"Maganda naman na ako, 'te," pagbibiro ko naman. Nagtawanan na lang kaming dalawa. Umupo siya sa silyang katapat ko lang saka ako tinignan ng maayos.

"Maganda ka naman talaga. Pero seryoso, wala ka bang balak mag prepare diyan para mamayang gabi? Tulad ng mag pa-spa, mag pa-salon, o kung anu-ano pa? Hindi naman masama dahil minsan lang, at saka papayag lang 'yon si tita," tanong niya habang pinaglalaruan ang kanyang buhok.

Parang interesado ako doon sa sinabi niya, tutal wala naman akong ginagawa ngayon. Minsan lang pati 'yon sa isang taon 'no. Oras na rin para mag relax, sa mga susunod na araw ay busy na naman sa acads. At least pag ma-s-stress ka, maganda ka, 'diba?

"Sasamahan mo ba ako?"

"Sure!"

Agad akong nagbihis para sa lakad namin ni Ate Lyka. Kaso lang ay baka magtampo yung tatlong bruha, baka sabihin nung mga 'yon 'di ko sila sinabihan at isinama sa lakad namin ni Ate Lyka. Inilabas ko na lang ang cellphone ko mula sa sling bag ko saka nagtipa doon para ayain si Eumy. Nakaugalian ko na na maski alam kong hindi sasama o makakasama ang isang tao, aayain ko pa rin.

To: Eumy

Pupunta kami sa Salon, sama kayo?

"Caliyah, let's go?" Aya ni Ate Lyka habang hawak-hawak ang susi ng kotse niya.

Ang tagal naman kasing mag reply nung babaeng 'yon, hindi ko tuloy alam kung dadaanan at susundui namin siya sa kanila.

"Okay, ate, " sagot ko at sumakay na rin sa kotse niya. Siguro ay busy na iyong si Eumy, baka kagagaling lang din nila sa mall, o kaya ay nagpapahinga na.

Si ate lyka lang ang nag d-drive kapag umuuwi siya dito at siya lang rin mag isa, buti nga pinapayagan na siya ni tita, e. Pero sabagay, 19 years old na rin siya at nasa tamang edad na rin. Samantalang ako, 16 years old pa lang kaya medyo strikto sa 'kin si mama. Ni ayaw niya akong sumasakay kung kani-kanino, lalo na sa motor.

Mayamaya biglang nag vibrate yung cellphone ko, dalawang message iyon. Si Eumy at si Redden?

From: Eumy

Sige lang bess! Push mo lang 'yan! Kasama ko rin kasi si mama, ganon rin sila Alliana. May kanya kanya pala tayong lakad hahahaaha. 

Nag 'Okay.' na lang ako sa kanya. Pangalawa kong nabuksan ay yung kay Red.

From: Redden 

Kasi maganda ka na para sa 'kin, lagi't lagi. Good Morning, Cali. See u

Napangiti ako doon, kung hindi ko lang kasama si ate Lyka ay baka mukha na akong kiti-kiti dito dahil sa kilig.

To: Redden

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon