(A-Ches P.O.V.)
Wow! Ang gara ng bahay! Mansiyon!!!
Pinagbuksan kami ng guard pero napatingin ako kay Sir. Min na parang naiirita
"Bakit po Sir?" Tanong ko
"Ang tagal," sabi niya na bigla nalang pinaandar ang sasakyan papasok kahit di pa masyadong nakabukas ang gate
"Ay, angas ha!" Biro ko
Nang iparke niya ang kotse ay bumaba agad sya
Ang ungentleman naman!
"Nasaan na yung illustration mo?" Tanong niya
"Ay Sir, ito na po," sabi ko at inabot ang illustration ko
"Seryoso, natapos mo agad?" Tanong niya habang tinitignan ang kalokohan ko, tinatamad kasi akong mag isip kaya minadali ko nalang
"Maganda," tumatango tango niya pang sabi
"Salamat Sir?" Nagandahan na siya diyaan!?
"Halika para sa kapalit nito," sabi niya at pinalapit ako
Shocks! Ang pogi nga rin pala ng CEO namin! Kakilig ang closed up face niya waaah! Hahaha
Nang pumasok kami sa loob ay lalo akong namangha
"Wow!" Agad akong lumapit sa higanteng frame
"Ang baby Jin ko! At ito ka!" Sabi ko habang tinuturo sila ng Baby ko, bigla niya nalang akong hinawakan sa kamay
"Huwag mong hahawakan iyan," sabi niya, nang mapansing nakahawak sya sa akin ay bumitaw siya, bumalik ang tingin ko sa frame
"Sir, magkapatid ba kayo? Magkaiba siguro ang tatay niyo, Kim sya, Min ka naman at mas guwapo ang baby ko sa inyo!" Sabi ko
Tinignan niya lang ako ng sarkastiko
Tumingin tingin pa ako sa ibang frame doon
"Sir!" Sigaw ko
"Wag kang sumigaw," kalmado niyang saway
"Hihihi," kinikilig kong hinawakan ang isang larawan na nakapatong sa lamesa, nakita ko naman ang pag iling ni Sir
"Ang pogi talaga ng baby ko, Sir, akin nalang po ito," sabi ko
"Wag kang feel at home, nandito ka para magtrabaho," sabi niya
"At para din makita ang baby ko, Sir," kinikilig kong dagdag
"Pagtapos mong pagsawaan iyan, gumawa ka na agad ulit ng bagong design," utos niya
📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂
(Yoongi's P.O.V.)
Pinipigilan ko lang ang sarili kong hilain sya palayo sa larawan ng kuya ko, pagkapasok na pagkapasok namin, iyan na agad ang inatupag niya
"Pagtapos mong pagsawaan iyan, gumawa ka na agad ng bagong design," sabi ko at tumalikod papuntang kusina
"Edi hindi po ako makakagawa," sabi niya, napalingon ako
"Bakit?" Kunot noo kong tanong
"Kasi hindi po ako magsasawa dito," sabi niya na bumalik ang atensyon sa kuya ko
Napakunot nalang ang noo ko
May sira ata ang ulo ng employee na ito...
"Sir, kaano ano niyo po ito?" Tanong niya na may tinuro
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...