Chapter 15 : "K"onsensya

1K 25 0
                                    

CHAPTER 15

*Rain’s POV*

( Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Kevin yun. Kaklase parin namin sila!. Pero ganun din naman ginawa ko eh! Tumakbo ako kasi natakot ako . Kung hindi siguro ako tumakbo , sila Jean at Kat ang kasama ko ngayun sa zombie apocalypse na to!)

*Denie’s POV*

(Kevin.. Naiintindihan ko siya , kung ako man kasi ang nasa kalagayan niya baka nga manigas pako sa takot at makain pa nila ako!..)

Kevin: EMMAN! SIGE NA! KAILANGAN KO PA NANG ORAS!

Emman: BAKIT KAILANGAN PANG PATAGALIN!? MAS LALO LANG LALALA YAN!

Kevin: Sige na Emman.. (Umiyak at napaupo sa sahig)

(Biglang may nagbukas ng pintuan..! Sila Alfred!)

*Noah’s POV bago yung away*

Noah: Hays , sawakas at nakaupo din!

Alfred: Hahaha ,  Lagi kaya akong nakaupo simula nung nangyari to.

Noah: Gago ka eh hahaha!

Chris: Oy nagugutom nako!

Alfred: Hahaha maghintay ka kasi eh!

(Mga hindi nagbabago itong mga gagong to  ano to? Normal day?)

 *Eva’s POV*

(Nasa kusina kami ni Sister at hinahanda na namin lahat para sa simpleng tanghalian)

Eva: Sister mukang masarap po yang nasa kaldero ha!

Rei: Oo naman iha , para sana sa kanila itong tinola (yung ibang sisters) kaso mukang hindi na sila makakauwi ngayon.. Kaya sa inyo nalang ito..

Eva: Saan po ba sila pumunta?

Rei: Sa sister school natin iha sa Manila.. May seminar sila doon.. (Habang naglilipat ng sabaw sa bowl)

Eva: Bakit po kayo naiwan dito? (Habang kinukuha ang mga plato , kutsara at tinidor)

Rei: Para may mag bantay ng lugar .. (Napatigil sa ginagawa)

Eva: Bakit sister?

Rei: Wala iha.. May naalala lang ako.. (Sinara ang kaldero) Tara na iha ayusin na natin ito sa lamesa pagkatapos tawagin mo na sila..

Eva: Okay po!

(Pagkatapos naming ayusin ang mga plato , Pumunta nako kila Noah)

Eva: Kain na!

Noah: Oh Chris yan na!

Chris: Ano ulam?

Alfred: Gago to! Wag kana maarte!

Eva: Hahaha Tinola!

Noah: Naks parang Noli me Tangere lang ahh!

Alfred: Hahaha si Chris si Padre Damaso!

Chris: Loko!

Eva: Ay tawagin niyo muna yung iba sa taas bago kayo kumain.

Noah: Sige sige!

(Umakyat na silang tatlo sa taas para tawagin ang iba)

*Noah’s POV*

(Naakyat na kami sa 2nd floor , naks walo kwarto , rich kid!! . Kaso nasaan sila?)

Survivors of The Dying World (A ZOMBIE OUTBREAK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon