Bakit mapait ang matador? Bakit maalat ang chicharon? Bakit parang engot at mongoloid si Jan? Bakit matalino ang playboy na si Paulo? At bakit matangkad si Tall Nut, bakit nga ba namin tinawag s’yang Dagul dati kung matangkad naman talaga siya? Bakit ang ingay ng tropa? Bakit ako umiinom? Bakit nakitagay din ang guard ng campus? Bakit malabo ang paningin ko? Bakit basa ang pisngi ko? Bakit ang bait nila ngayon? Bakit ba kanina pa dada ng dada si Tekla? Bakit ako narito sa campus? Bakit puro ako bakit? Bakit pinagpalit mo ‘ko? Bakit sinaktan mo ‘ko?
Juniper, hindi ko talaga maintindihan. Kahit anong pilit kong intindihin, hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako bobo, Dean’s Lister pa nga ako. Bakit kahit bali-baligtarin pa ang kwento, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinili mong saktan ako?
Isang taon kitang minanmanan at dalawang taon kitang niligawan, hindi pa ba sapat ang panahon na ‘yun? Kulang pa ba, hah Juniper? Bakit di mo ako magustuhan? May mali ba sa’kin? Baduy ba ‘kong manamit? Ayaw mo bang makita ang pagkamot ko sa ulo kahit wala naman akong kuto sa tuwing di ko alam ang gagawin ko? Bad breath ba ako? Ayaw mo ba sa tropa ko?
Sana, sinabi mo na lang para nabago ko kung ano man ang hindi mo gusto. Sana sinabi mo na lang Juniper. Hindi ‘yung ganito. Hindi ‘yung pinagmumukha mo ‘kong tanga. Hindi ‘yung halos isampal mo na sa’kin ang katotohanang dakila lang akong bokya ‘pag dating sa’yo. Hindi ‘yung halos mabaliw na ako kakaisip kung ano ba talaga ang mali sa’kin at ‘di mo ko makuhang mahalin.
“Fafa Andruuuu, tama na ‘yan! Aba naman fafa, nakadalawang Matador ka na! Too much na! Enough is enough is enough!” sigaw ni Tekla habang pilit na ina-agaw sa kamay ko ang kalahating bote ng alak na binili ko kanina sa kanto.
“Oo nga pare. Di man lang mang-share. Kaibigan mo kaya ako, patagay naman,” anas ni Paulo habang kumakain ng chicharon.
“At bakit bino-bottom’s up mo ‘yan? Tol naman, matador yan! Hindi ‘yan beer,” lumapit si Tall Nut at tinapik-tapik ang balikat ko. Bakit ba ang gulo-gulo ng mga kaibigan ko?
“Ang haaaard Fafaaa!” muling sigaw ni Tekla na sa ngayon ay may kung anong inilalagay sa mata n’ya, parang pintura na kulay violet.
“Akin na nga ‘yang bote,” hinila na nga ni Jan ang bote at s’ya naming tumungga.
“Eto na lang sa’yo oh,” inabot naman sa’kin ni Paulo ang Mang Tomas. Napakamot naman ako sa ulo.
“Aanhin ko ‘yan?”
Pangiti-ngiti na parang nakahihit lang ng katol na pinahawakan sa’kin ni Jan ang Mang Tomas bago nagsalita, “Ipanligo mo ‘tol, ayos ‘yang shampoo e, na-try ko na. Try mo rin. Tastes good, feels good. Ayayay! Yeah booooy!”
Humagalpak ang buong tropa. At kahit anong pilit kong makisama sa pagtawa, hindi ko magawa.
Napakamot na lang ako ng ulo. At alam kong wala akong kuto dahil gumamit ako ng kwell. Dandruff siguro ‘to, maka-gamit nga ng Head N Shoulder.
Lasing ako pero hindi ako baliw. Alam kong pinagtritripan na naman ako ng mga mokong kaya agad kong inagaw kay Jan ang natirang matador at inisahang lagok ko na. Bigla namang tumakbo palayo ang mokong pero hinayaan ko na lang.
Ramdam na ramdam ko ang sipa ng pulang kabayo pero dahil hindi naman red horse ang iniinom ko ay joke lang ‘yun. Pinilit kong aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagkain ng Chicharon habang nakatingin ang tropa sa’kin na para bang isa akong palaka na ida-disect nila. Pati si Guard, naki-usisa rin.
“Ayos lang naman kung sasabihin mo ang nangyari tol eh. Bigla kang umalis sa party ng hindi nagpapa-alam, explain yourself please,” dire-diretsong tanong ni Paulo.