"Raine!! Is this article true?" Humahangos na tili ni Julia sabay wagayway ng cellphone niya sa harap ko.
"Anung article?" Takang tanong ko.
Mas lalo niyang inilapit sa mukha ko ang cellphone. Binasa ko yung title nung sinasabi niya.
Mark dela Cruz' alleged girlfriend nagwala sa back stage ng isang noon time show??
What the fudge?
Alleged girlfriend?
The last time I checked bawal sabihin na may girlfriend siya di ba?
Anyare???Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng bag ko at tinawagan si ate Shan. Nasabi kasi kanina ni ate na nabanggit daw ni Mark na dadalaw ito sa cafe.
(Hello?)
"Ate. Nasaan ka?"
(Nasa cafe. Bakit?)
"Andyan ba si Mark?"
(Si Mark? Wala. Bakit?)
"Wala po. Akala ko nandyan."
(Wala siya rito. Sabi niya pupunta siya ngayun pero hindi naman nagpakita. Baka may biglaang lakad.)
"Baka nga ate."
(Yun lang ba ang itinawag mo?)
"Opo. Hehe."
(Mark got into serious trouble. Wag mo muna kulitin yun.)
"So totoo yung balita sa Internet?"
(Yep. Namomroblema si Mark. May mga fans kasi na nakakita ng nangyari at bbinatikos siya ng matindi.Di niya alam kung sino ang uunahin. Yung girlfriend ba niya o ang career niya.)
"Bakit kasi nagwala?"
(Aba ewan ko.)
"Sige ate. See you later nalang."
(Sige. Anung oras ka pala uuwi?)
"Di ko alam ate. Sabay mo ako?"
(Sorry. Aalis ako ngayun. Emergency sa office ni kuya Lance. Tatawagan ko nalang si kuya Macoy.)
"Okay ate. Ingat ka."
(Okay. Bye)
The call ended.
"Positive besh. Totoo ang balita." Baling ko kay Julia.
"Hala!! Paanu na yan ngayun??" Affected na tanong ni Lia.
"Aba, malay ko. Kaya na niyang ayusin yan. Tanda na nun eh. Psh." Sagut ko. Pero kahit papanu nakakaramdam ako ng konting pag aalala para kay Mark. Konti lang. Haha.
Nakasakay ako sa kotse pauwi na sana sa bahay nang biglang nag ring yung phone ko. Napapansin ko lately parang call center na yata ako ngayun ah. Oras-oras may natawag eh.
Pero this time unregistered number yung natawag.
"Hello?"
(Raine?)
Kumunot ang noo ko.
"Yes? Who's this?"
(Lucas. Are you busy?)
Nyahah?? Lucas maylabs??
"Hindi naman. Pauwi palang ako galing school. Bakit?"
(Can you come here? Si Mark kasi nagwawala.)
"ANU? Saan nagwawala?"
Ewan pero bigla akong na tense.
(Dito sa bar. Lasing na lasing na kasi siya. Ayaw niya paawat. Tapos kapag pinipigilan ko nagwawala.)
YOU ARE READING
So Far Away
Teen FictionThis is a story about Raine who fall in love with someone who can't love her back because of some consequences.