1st Kiss

16 1 0
                                    


"Why are you always late, Ms. Kang?"

"Sorry Ma'am."

"No you're not sorry! Palagi ka nalang late! Ginagawa mong hobby ang pagiging late! Buti sana kung 5 to 20 minutes ka lang na l-late, hindi e, 1-4 hours! At ngayon 2 hours kang late! Ano bang gagawin ko sa'yo ha? Alam mo bang pwede kitang ibagsak dahil diyan sa kaka late mo! Puro ka kasi imagine! Hindi naman sa'yo bagay mag boyfriend!"

Grabe. Hindi naman ganito kagalit si Ma'am dati. Siguro naipon ang galit niya at sumabog na ngayon. Baka lalong mapanot si Ma'am dahil sa akin.

"Sorry talaga Ma'am. May matanda kasi kanina---

"And you're making your own excuses again!!"

"Ma'am totoo!" Sayang dapat pala nag selfie kami ni lola para may proof.

"Ma'am tinulungan ko lang naman si lola sa highway---

"Bukas ka na pumasok sa klase ko kasama ang excuse at PARENTS mo. Now get out! Wait to your next subject!"

At sinaraduhan nga ako ng pinto. Grabe. Kung sinabi niya lang agad na hindi niya naman pala ako papapasukin sa klase niya edi sana lumabas na ako hindi yung pinagtawanan pa kami sa loob ng mga classmates ko. Binanggit niya pa talaga na hindi bagay sa akin mag boyfriend! Grabe din ang teacher na yun.

Naupo nalang ako sa gilid at nagmuni muni maya maya sa cafeteria dahil lunch break na.

Habang sinisipsip ko ang buko juice napatingin ako sa mga tao sa paligid. They have their own world. They have their own circle of friends.

And me? Moment kong mag isa dito. Wala naman kasi akong friends. LDR kami ng best friend ko. Oo best friend lang. Isa lang. Nasa Bulacan. Kahit isa lang yun matibay naman friendship namin. Lagi kaming nagchachat. Kahit hindi man kami mag usap ng isang linggo o buwan nothing will change. We're still bestfriends. Aanhin ko naman maraming kaibigan kung nagpaplastikan lang. Dibale nalang no.

Tsaka kaya ko naman mabuhay mag isa. Mag isa nga lang ako sa condo e, mama ko nasa Switzerland. Papa ko nasa Qatar. They both have their own families there. Pinapadalhan lang nila ako ng pera at lahat ng pangangailangan ko. Baby pa kasi ako ng umalis si mama. Grade 4 ako ng iwan ako ni papa. My aunt take cares of me pero namatay siya. I became independent at hindi na problema sa akin ang mag isa.

Kaya kung magkaka boyfriend man ako. Kahit hindi mayaman, o sobrang gwapo basta hindi aalis sa tabi ko at mahal na mahal ako.

Napatingin ako sa wristwatch ko at 1:59pm na.

"KYAAAAAAAA!"

Napalingon ako sa kumpulan ng mga babae. Ha? Anong meron? Anong meron sa labas?

Grabe naman magtilian ang mga babaeng to--

Napabitaw ang mga ngipin ko sa straw na kinakagat ko. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita kong papalapit sa akin at naupo pa sa harapan ko.

S-Suga!?

ANONG GINAGAWA NI SUGA DITO AT NASA HARAP KONG NAKANGITI SA AKIN!?!

Jusko. Jusko po! Si Suga ba talaga to? Si Suga!? Si Suga ng Bangtan!? Diba dapat nasa Thailand siya dahil may concert sila doon?! Bakit siya nandito at titig na titig sa akin ngayon!?

Nakangiti pa siya! His smile is oh my God! Ang puti puti niya! Juskoooo pu malalagutan na ata ako ng hininga kung hindi lang siya nagsalita.
.
"I'll wait for you outside, Zyrine."

O-outside? Saang outside!?

A-ako ba talaga kausap niya? Eh Zyrine daw e! At kailan pa naging fluent si Suga sa English?

7 First Kisses (Bangtan Boys Version!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon