Isinulat ko to, hindi para sayo, kundi para sa sarili ko. Mahirap kimkimin ang sama ng loob, baka sumabog.
Pero kung sakaling marinig mo ang mga salitang ito, at matamaan ka kung sakali, problema mo na yun.
Nung una ayoko kong maniwala sa katotohanang tapos na.
Tapos na ang mga araw na kasama ka.
Tapos na ang mga ngiting ikaw ang dahilan.
Tapos na ang mga panahong gigising ako ng maaga para batiin ka ng Magandang Umaga.
Tapos na ang mga gabing katawagan ka.
Tapos na ang masasayang araw na kasama ka.Mahal... Teka... Hindi na nga pala kita dapat tawagin sa ganon.
Tapos na nga pala.
Tapos na ang malabo nating usapan.Masakit isipin at tanggapin, pero dahil sayo na rin nanggaling gagawin ko.
Masakit mang marinig mula sayo, pero pinasabi ko."Di na kita mahal"
"Tumigil ka na"
"Wag ka nang umasa, masasaktan ka lang"
Yan man ang mga masasakit na narinig ko mula sa iyo, tatanggapin ko.
Tatanggapin ko dahil magmumukha nanaman akong tanga kapag pinagpilitan ko pa ang puso ko.
Tatanggapin ko para parehas na tayong malaya.Gusto man kitang kamuhian di ko magawa.
Gusto ko man magalit di ko magawa.
Wala na rin namang saysay kung murahin pa kita.
Dahil tapos naman na.Siguro nga mas maganda nang kalimutan ang lahat.
Pero hindi!
Hindi kita kakalimutan, hindi ako tulad ng iba na kakalimutan kong nakilala kita.
Dahil kung hindi kita nakilala ay hindi ako magiging ganito katatag.Kaya salamat.
Salamat sa mga aral na natutuhan ko mula sayo.
Salamat sa mga naramdaman ko sayo.
Salamat dahil kahit papano naging parte ka ng buhay ko at naging parte din ako ng buhay mo.
Salamat sa mga alaalang iniwan mo.
Salamat.
Pero tapos na.