Chapter 6: School Special Team

0 0 0
                                    


Hiro's POV

Nandito kmi ngayon sa canteen kumakain kasama ang mga "bagong" kaibigan ni Andrea at napakaingay nila.

"Hoy! Sa akin 'yang kinakain mo, Steve! " sigaw ni Andrea
Hay.. Ngayon niya lang napansin na kinuha ni Steve ang kinakain niya, paano kasi daldal ng daldal... Hindi na lang kumain

"Ah.. Sa'yo pala 'to.. Sorry ubos ko na. " sabi ni Steve habang tumatawa

Ang ingay talaga nila.

"Pwede bang kumain kayo ng tahimik?" Sabi ko pero parang wala naman silang naririnig

Hayyyss. -_-

Tuloy pa rin sila sa pag-iingay ng biglang bumukas ang pinto ng canteen at tumambad ang mga miyembro ng council pero tatlo lang sila. Si Mr. Oakley, Ms. Maughan, at Mr. Pritchard.

"Good Morning, Ladies and Gentlemen. " paumpisang bati ni Ms. Maughan

Kaya nagsitahimikan sila.

"Good Morning, Proffesors. " bati namin

"Gusto lang naming sabihin na malapit na ang finals niyo... Ipapaalapa lang namin na galingan niyo... At kung sino ang Top ten ay sila ang papasok sa School Special Team kung may bagong papasok ngayong taon... Hindi natin alam kaya guys.. Good luck" sabi ni Mr. Pritchard, at umalis na. 'Yun lang 'yon

Makikita mo sa mukha ng iba ang lungkot. Lungkot para saan?
Nalulungkot sila kasi kailangan nilang mag-aral. -_-

Andrea's POV

"Gusto lang naming sabihin na malapit na ang finals niyo... Ipapaalapa lang namin na galingan niyo... At kung sino ang Top ten ay sila ang papasok sa School Special Team kung may bagong papasok ngayong taon... Hindi natin alam kaya guys.. Good luck" sabi ni Mr. Pritchard, at umalis na.

Oo nga ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng lumipat ako dito... Ang bilis ng panahon matatapos na pala ang school year... At ito na nga finals na. Hay naku.

"Hayyyss... Ano ba 'yan finals na. " reklamo ni Steve

"Oo nga." Sabay na sabi nila Eric at Audrey

"Sabay talaga. " sabay na sabi namin ni Steve

"Sabay talaga?" Sabi sa amin ni Liam, at nagtawanan kami

"Sulitin na natin 'tong saya... Sa susunod na linggo subsob na tayo sa pag-aaral" sabi ko

"'Yun nga kailangan nating mag-aral." Sabay-sabay na nila natawa tuloy ako pero hindi napansin kong hindi nakikisama si Hiro

"Hiro, mag-aaral kaming mabuti. " sabi ko sa kanya

"Dapat lang" maiklin niyang sabi

"At bakit? " tanong ko

"Bakit? Tinatanong mo pa talaga ako niyan ha.. Syempre hindi na ako kasama diyan kasi nag-aaral na ako.. Kahit hindi kailangan" sabi niya, ay oo nga pala nakalimutan kong gustong-gusto niya ang nag-aaral.

"Edi wow. " sabi ko

Kriinngg... Kriiiinnnggg..

Tumunog na ang bell... Kaya nagsimula na kaming bumalik sa Room

Napahiwalay sila Eric at Audrey sa amin kasi sa 3rd floor pa ang room nila. Samantalang si Liam ay sa Section B at kaming apat nila Jane, Steve, Hiro at ako ay magkakaklase na.

Ang klase namin ngayon ay si Mr. Pritchard kaya dumiretso na kami sa training room, naabutan namin si Mr. Pritchard na tinuturuan na sila ng bagong magic.

Connected DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon