Kabanata 1

37 1 0
                                    

"Defeated"

8 months ago

"Lia congrats!" Pag pasok ko palang sa campus boses na agad nila agatha at sophia ang bumungad sakin.

Napa-Kunot ang noo ko dahil sakanila "Ha? Anong meron baket congrats, nanalo ba ko sa lotto?" Hindi naman ako tumaya sa lotto kaya impossibileng manalo ako doon.

Sophia is jumping up because of joy "Gaga nakapasok ang dance team nyo sa finals!" She announced.

My eyes widen because of what she said. Gusto ko sanang mag-pasampal sakanila para malaman ko kung nanaginip ba ako. "We seryoso?!" Hindi ko maka-paniwalang tanong. Kaya Siguro napaka-saya ni sophia  kanina para sakin, dahil din siguro ay nakita nya ang pag-hihirap namin para lang makapasok sa finals.

"Congratulations Lia! Pero teka tumataya ka sa lotto?" Nandidiri akong tinanong ni agatha at pinag taasan ako kaliwang kilay.

Ibinuka ko ang aking bibig para bawiin ang sinabi ko pero hindi ko na naituloy dahil sa biglaang tilian ng mga kababaihan.

Napalingon kaming tatlo kung ano ang dahilan ng kaguluhan nila.

Parang fairytale dahil slow motion na nag-lalakad papunta sakin ang isang gwapong principe pero ang kaibahan sa fairytales ang principe nila kabayo ang dala, pero sa principe ko bulaklak.

When our eyes meet he looked at me seriously and slowly turn that look into a playful smile. I felt heat rise into my cheeks.

Nag-bibigay daan sakin ang mga tao na para bang alam na alam nilang saakin siya pupunta. I was too preoccupied with my thoughts that I didn't notice that pyxis and his friends are already in front of me.

I was staring at his lips as it opened. "Good morning Luna. Congrats to you and your team" pyxis said before pulling me into a hug.

"I'm so proud of you Luna." He whispered. I felt sincerity in his words that made my heartbeat faster than normal.

Ang sarap sa paki ramdam pag nasa bisig ka ng taong importante sayo. Para niya rin kasing pinapa ramdam sayo na importante ka rin sakanya. Whenever I'm in Pyxis arms I felt so safe like nothing will happen to me because he's there to protect me.

Dinig ko ang mas malakas na tilian ng mga tao. Nag tagal ang yakap sakin ni Pyxis ng ilang minuto bago niya ko pinakawalan.

Galing sa likuran niya may nilabas siyang bouquet. Tinatago nya pa sakin e papalakad palang sila samin nakita ko na iyon. "Flowers for you my princess." Ng mahawakan ko ang bulaklak na bigay niya, alam ko na agad na mamahalin ito.

Ganyan naman talaga si pyx pag-dating sa pag-bibigay sakin ng regalo. Hindi niya talaga tinitipid. Lahat ng bagay na binibigay niya ay mamahalin.

"Ehem ehem, grabe binigyan lang ng bulaklak hindi na kami pinansin." Napalingon ako sa nag salita. Tumingin din saakin si Dylan at inirapan ako.

Bahagya akong natawa dahil sa pag-irap niya sakin. Nilapitan ko siya at ginulo ang kanyang buhok. Nilingon ko rin ang lalaking nasa tabi niya na kanina pa tahimik habang nakatingin kay agatha. Hindi naman ako nagulat na tahimik lang si aiden, palagi naman siyang tahimik pero mas lalo akong hindi na gulat na nakatingin siya kay agatha. Ano hanggang tingin nalang ba tayo araw araw tol?

Nilapitan ko siya at tumingkayad ako para mas malapit ko ang bibig ko sa tenga nya. "Baka matunaw." I whispered to aiden before going back to my Pyxis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Torn For YouWhere stories live. Discover now