Magkaibigan
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa kotse ko nang biglang lumapit sakin si Claudette.
"Who is she? Girlfriend mo? Parang nakita ko na sya somewhere but I can't remember" Tanong nya na parang inaalala kung saan niya ito nakita.
"Mind your own business dette. Guni-guni mo lang yang iniisip mo, kung ano ano nanaman pinagsasabi mo dyan" Halos pabulong kong sabi dahil nakatingin samin si Mary na nasa likuran namin.
"Eh, basta. Parang nakita ko na talaga sya" Pagkatapos nyang sabihin yon ay parang may bigla syang naalala. "Oh wait, kuya. Siya ba yung babae na wallpaper mo sa laptop mo?" Tanong nya ng pabulong habang nakangisi.
"I said mind your own business dette" Sabi ko ng hindi man lang sya nililingon.
"I knew it!" Sabay tumawa ng palihim habang binubulong ang salitang "yes".
Pababa na kami sa 2nd floor ng mall para pumunta na sa parking lot. Nilingon ko ng bahagya si Mary para tignan kung sumusunod pa ba sya samin.
Nung nagtama ang paningin namin ay nag "ok" sign sya habang nakangiti. Naglakad sya ng mabilis para makalapit sakin.
"Uhm, Mary nga pala. Mary Hernandez hindi ko pa napapakilala yung sarili ko pero humingi kaagad ako ng favor sa'yo" Aniya na parang nahihiya sabay lahad ng kamay sakin.
Malamig naman sa mall pero pinagpapawisan ako dahil sa presensya nya. Hindi ko tuloy alam kung makikipag shake hands ako dahil halos pasmahin na yung kamay ko sa kaba. Ayoko naman na maisip nya na hindi ako maalaga sa katawan pero parang nanghihina ako sa titig nya. Inlove na nga talaga ako sa babaeng ito.
Tinitigan ko syang mabuti para masaulo ko yung bawat anggulo ng mukha nya ngayong kaharap ko na sya. Hindi katulad dati na sa malayo lang ako lagi nakatingin habang pinapanood sya. Nakangiti pa rin sya habang hinihintay ang paglalahad ko ng kamay ng biglang sumingit si Claudette.
"Mukhang wala atang balak magsalita si kuya kaya ako nalang yung sasagot para sa kanya" Aniya sabay nakipag shake hands kay Mary. "I'm Claudette and this is Vin Castillo kuya ko. Mukha nga lang masungit pero mabait yan" Sabay tingin sakin na parang nangaasar.
"Nice to meet you Claudette and Vin. Pasensya na kung makikisabay ako sa inyo ah? Nakita ko kasi na naka uniform kayo ng LU kaya nagbakasakali ako na magtanong. Naiwan ko din kase yung wallet ko sa loob ng kotse ni kuya kaya hindi ako makapag taxi papuntang school" Aniya habang malungkot itong sinabi.
"Don't worry okay lang yon samin. Tsaka wala rin masyadong KAIBIGAN na babae tong si kuya" Diniinan nya talaga yung pagkakasabi ng word na "kaibigan" kaya naman tinitigan ko sya ng matalim.
"Hahaha ganun ba? Oh sige, dahil humingi naman ako ng favor. Simula ngayon magkaibigan na tayong tatlo ngayon okay?" Sabi ni Mary ng pumagitna sya sa amin ni Claudette at inakbayan kaming dalawa.
Halos humiwalay yung kaluluwa ko dahil sa ginawa nyang pagakbay samin. Kaya naman mabilis akong humiwalay sa kanila at nagulat siya dahil sa ginawa ko.
"Uhm, sorry. Gusto ko lang talaga na maging kaclose kayo" Sabi nya habang nakayuko.
"N-No. I mean nagulat lang talaga ako sa ginawa mo. Tulad nga ng sabi ni dette kanina, bihira lang ako magkaron ng kaibigan na babae kaya naman hindi pa s-siguro sanay..." Sabay lapit sa kanya para suriin kung naoffend ba sya sa ginawa ko.
Napatingin sya saken habang malungkot na tumatango tango. Parang pinipiga yung puso ko na makita sya sa ganyang kalagayan kaya naman sinabayan ko sya sa paglalakad at nasa likod naman ngayon si Claudette.
"Sorry nga pala sa inasta ko. Nasobrahan na ata ako sa paginom ng kape kaya nagiging magugulatin na ako ngayon" Pabiro kong sabi sabay tumawa sya at napatingin sakin.
"Its okay. Ako nga dapat itong magsorry kase makikisabay ako sa inyo" Aniya na nakatitig parin sakin habang sinasabi yon.
"By the way, nabanggit mo nga pala kanina na bestfriend ako ni Peter. Magkakilala pala kayo?" Interesado kong tanong.
"Magclassmate kasi kami nung grade 7 kaya nakilala ko sya. Tsaka napansin ko rin na palagi kayong magkasama kaya nahulaan kong magbestfriend kayo. Galing ko manghula no?" Aniya na nakangisi na pumapalakpak pa.
Kung ganon napapansin nya pala kami? Kahit nasa malayo lang kami na pinagmamasdan sya?
"Ah kaya pala" Yun lang ang tangi kong nasabi dahil hindi parin nya inaalis ang titig nya saken.
Hindi na ulit kami nagkapag usap hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at inunlock ito.
"Kuya san ako uupo? Sa front seat ba or back seat?" Pabulong na sabi ni Claudette sakin.
"Sa front seat kana dette. Baka asarin mo pa kami pag pinaupo ko sya sa harap" Pabulong ko ring sabi habang nakatingin kay Mary na ngayon ay nag ce-cellphone.
Biglang lumapit si Claudette kay Mary at kinausap ito. Napatingin naman sa kanya si Mary sabay tinago ang cellphone sa kanyang bag. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila pero kinakabahan ako sa kung ano mang sabihin ni Claudette sa kanya.
Mas lalo akong kinabahan ng binuksan ni Claudette ang backseat at mabilis na pumasok sa loob para umupo. Unti unting humakbang palapit sa akin si Mary.
"Sabi ni dette sa backseat daw sya kasi gusto nyang mahiga. Okay lang ba kung sa front seat ako uupo?" Aniya
"O-Oo naman bakit naman hindi?" Sabay pinagbuksan ko sya ng pinto para makapasok na sa loob.
Habang naglalakad ako paikot sa aking kotse para mabuksan na ang pinto sa driver seat ay may biglang lumapit sa aking bata na may dala dalang sampaguita.
"Kuya bili na po kayo ng sampaguita para may pangkain po kami ng mga kapatid ko mamayang gabi" Aniya sa nagmamakaawang boses.
Naawa naman ako sa bata kaya naman umupo ako para maging magkalebel ang height namin.
"Wala kasi akong dala masyado na pera ngayon kaya okay lang ba sayo kung bibigyan kita ng 500? Itago mo nalang ang sampaguita mo para mabenta mo pa sa iba" Sabi ko ng nakangiti sabay kumuha ako sa wallet ko ng pera para iabot sa kanya.
"Wow! Thank you po kuya. Matutuwa po si mama Mary nyan sa inyo" Aniya ng nakangiti na ngayon habang tumatalon talon sa tuwa.
"Walang anuman. Basta ipapangkain nyo yan ah? Sabi ko ng nakangiti pa rin.
"Opo kuya. Sige po alis na ako para mag thank you kay mama Mary dahil tinupad nya yung hiling ko" Sabay tumakbo palabas ng parking lot at huminto para kumaway sakin.
Nagulat ako sa sinabi ng bata kaya naman tumayo na ako sabay naglakad pabalik sa kotse ko. "Si mama Mary yung tinutukoy nya, hindi yung Mary na kasama namin ngayon ng kapatid ko sa kotse kaya naman wag ka nang maparanoid" Sabi ko sa isip ko.
Pagkapasok ko sa driver's seat ay biglang tumingin saken si Mary ng halos mapunit na yung bibig sa sobrang lawak ng pagkakangiti. Ginantihan ko rin sya ng ngiti sabay start ng kotse para makaalis na.
Habang nagdadrive ako ay hindi ko mapigilan ang lumingon sa kanya. Nakatingin lang sya sa labas habang tinatanaw ang daan. Naaalala ko tuloy yung ngiti nya kanina pagkatapos kong tulungan yung bata. Sobrang ganda nya talaga lalo na pag ngumingiti, kailan ko kaya masasabi sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya?
Kailan kaya?
YOU ARE READING
Kailan kaya?
RomanceSi Vin Castillo ay matagal nang may gusto kay Mary Hernandez, pero hindi niya masabi ito ng diretso dahil natatakot syang mareject. What if one day bigla nalang syang lapitan nito? Kailan kaya sya magtatapat? Kailan kaya?